cHaPpY XX

4 1 0
                                    

WeaPons

Ace's POV

"Ice Dragon's Roar"

"Water Tornado"

"Fire Beam"

"Air Slicer"

"Eagle Illusion"

"Rubber Jigsaw"

Sabay-sabay naming tira sa mala dambuhalang Phantom na nasa harapan namin, hingal kaming naghihintay sa kinalabasan ng tira namin, hinintay naming mawala ang usok na nakapaligid. Isang dambuhalang Phantom ang ngayong nakabulagta at unti-unti ng nagiging abo

*Clap*

*Clap*

*Clap*

*Clap*

*Clap*

*Clap*

Napatingin kami sa paligid, at nakita namin ang mga residente sa bayan ng Argastun City, masaya silang pumapalapak dahil sa pagkatalo ng Phantom na matagal na palang nanggugulo sa syudad nila

Yumuko kami sa kanila, napatunghay na lang kami ng biglang lumapit sa amin ang Mayor ng lugar

"Maraming salamat sa inyo Shadow Team, sa wakas ay magiging mapayapa nadin ang lugar namin. Ito tanggapin nyo ang pabuyang ito, bilang pasasalamat nadin namin sa mga naitulong nyo" nakangiti nitong binigay ang envelope na sa tingin ko ay Jewels na bayad ang syang laman

Kinuha ko ito saka muling yumuko sa knya "Salamat po, sige mauna na kami"

Nagsimula na kaming maglakad palayo. Nakangiti silang kumakaway sa amin na ginantihan din naman namin ng ngiti. Isang misyon ang kinuha namin sa bayan na ito...Ang talunin ang isang uri ng Phantom sa halagang J 100,000. Hindi naman ganoon kahirap ang kalaban pero malaki na ang pabuyang binayad nila, marahil ay desperado na silang mapatay ang Phantom nayun

Bumalik kami ng Academy, at nakasalubong pa namin ang mga bagong studyante na inililibot ni Tanda, kasama na ang babaeng apoy na yun. Na nakikipagdalan sa isa pang baguhan, tsk kahit kailan madaldal talaga sya. Lalagpas na sana kami sa kanila ng bigla kaming tawagin ni Tanda. Haysstt ano na naman bang kailangan nito? Kunot noo akong pumunta sa harapan nila

"Mga bata...Sila ang Shadow Team" sabay turo samin "Sila ang pinakamalakas at nangungunang grupo dito sa Academy. Mayroon silang anim na miyembro...Sina Ash Sol Lypron, Wateria Gail Turtleyun ang prinsesa ng Shielo Kingdom, Ito naman si Alyanna Sy, si Acer Frostville ang prinsipe ng Shielo Kingdom, si Devas Mistroll ang nag-iisa kong anak, at ang huli ay si Franchescka Fermillion ang prinsesa ng Celestia Kingdom" masayang pakilala nya sa amin habang isa-isa kaming tinuturo. Yumuko naman kami sa mga baguhan bilang paggalang at ganoon din naman sila samin

"Woaahh sila pala yung pinaka malakas na grupo"

"Ang gaganda at ang gagwapo naman nila"

"Sana makasali din ako sa kanila"

"Sya ba si Prinsipe Ace? Waaahh ang gwapo pala nya lalo na sa malapitan"

"Hindi ba sya ang nag-iisang studyanteng napasali sa Highest 10?"

"Hala oo sya nga, Isa syang Ice Dragon Slayer diba? Ang astig naman nya"

"Kyaaahhh sana maging kaibigan ko sila"

Rinig kong mga sabi-sabi napangisi naman ako ng makita ko si Babaeng Apoy na nakasimangot at tila ba bagot na bagot sa pakikinig sa mga magagandang papuri nila sakin
Heheh mainggit ka Apoy

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now