ChApPy XXI

6 0 0
                                    

WheRe Is PyRa???

Lian's POV

Haysstt ano bang oras na? Wala padin sina Nara at Pyra. Pumunta naman ako sa tabi ni Shira na abala padin sa pagbabasa ng mga spell sa knyang pinaka-mamahal na libro

(~__~)

(○ ■ ○)

"Shira nagugutom na ako, pwede magluto ka muna...Please" nagmamakaawang pakiusap ko habang nagpa-puppy eyes pa

(^___*)

Binaba nya ang libro nya saka tumingin sakin ng seryoso, akala ko susungitan nya ako pero hindi, huminga sya ng malalim saka tumayo

"Sige, maghintay ka lang dyan"

"Oo, sige" masayang sagot ko, yezzz makaka-kain na ulit ako, masarap kayang magluto si Shira at saka syempre sa libro na naman nya yan natutunan hehe

"Lian, alam mo ba kung saan nagpunta sina Nara at Pyra? Kanina pa sila wala ehh" rinig kong tanong nito mula sa kusina

Hhmm tumingin ako sa kisame saka inalala kung saan nga ba nagpunta ang dalwang yun, aba gabi na pero wala padin sila

"Ayy oo nga pala. Si Nara may ginawang misyon, Si Pyra naman ay naglilibot sa Akademya kasama ang ibang nga baguhan"

"Teka gabi na ahh? Naglilibot padin sila? Grabe hindi na lang nila ipinagpabukas ang paglilibot?"

"Baka naghahapit, alam mo na. Isang linggo na lang pasukan na ulit"

"Sabagay, Ehh si Nara? Ano bang misyon ang ginawa nun at natagalan sya doon"

"Hindi ko alam ehh, pero siguradong pabalik na yun, malakas si Nara kaya paniguradong mapapagtagumpayan nya ang misyon na yun" sagot ko na lang, hindi na sya muling umimik kaya kinuha ko na lang ang isang libro nya na nakapatong sa table at binasa ito "History of the Celestia World?"

May libro pala syang ganito? Saan nya ito nakuha eh wala namang ganitong libro sa library? Mukhang interisado ito, wala akong masyadong gaanong alam sa history ng Celestia dahil bihira lang naman ituro sa mga Akademya ang topic na ganito. Bubuklatin kona sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nara na halatang pagod na pagod

Agad akong tumayo at tinulungan sya sa mga dala-dala nya "Ohh mukhang pagod ka ahh, tamang tama nagluto na ng hapunan si Shira" binaba ko sa lamesa sa may kusina ang pinamili nito, at sakto namang tapos na magluto si Shira "Nara, kumain kana dito luto na yung pagkain"

Naghugas naman ng kamay si Nara saka umupo nadin katapat ko, tapos si Shira naman ang sa tabi ko. Nagsimula na kaming magsikain ng walang imikan

"Nasaan sina Pyra at Nam?" Biglang tanong ni Nara, tapos na kaming kumain at sya na ang nagpresintang maghugas

"Si Nam tulog na kanina pa, si Pyra naman naglilibot pa siguro, kasi hindi pa sya umuuwi kanina pa" sagot ni Shira habang nakatutok ang mga mata sa libro, pambihira din ang babaeng ito. Paano kaya nya nagagawang pagsabayin ang pagbabasa ng libro at pakikipag-usap sa iba. Ibang klase!!!

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now