cHaPpY XXII

5 0 0
                                    

The Challenge

Nam's POV

6:30 pm na, pumunta na kami sa gitna. Kami na ang last batch sa A1S at B1S. Pagkatapos namin, ay pwede na kaming magpahinga

Kasabayan ko ngayon sina Nara at Ace, sina Wateria at Ash naman ay kanina pang tapos...Sila nga ang unang batch

Hindi muna ako tumira at pinanood ko muna si Nara na naka-comcentrate. Biglang may nagliparang mga bato papunta sa direksyon nya na nakabuo ng isang mala higanteng batong halimaw. Saka pinagsusuntok nito ang mga barrier

"Lainara Shades...Nakakuha ka ng 95 na puntos" matapos yun ay nakangiti syang bumalik sa upuan nya

Binalik ko ang atensyon ko sa mga barrier. Tiningnan kong mabuti ang Barrier at tama nga si Hm, mukhang mahihirapan kaming basagin lahat ang barrier na ito sa isang tirahan lang

Kung titingnan mo mukhang madali lang kasi, ang nasa unahan ay isang maliit at manipis na barrier pero pagdating sa pinakahuli ay sobrang kapal na nito at halos may 6 feet din ang barrier na nasa pinakahuli. Kaya paniguradong mahihirapan akong sirain lahat ng ito

Tumapat nako sa barrier saka gumawa ng isang ilusyon. Pinakamalakas na ilusyong pwede kong gawin sa pagkakataon na ito

"Ace Illusion" halos manghina ako dahil sa ginawa ko. Tama gumawa ako ng isang Acer Frostville. Pero hindi gaya ng totoong Ace ay hindi hamak na mas mahina ang ginawa kong ilusyong Ace. Siguro mga nasa 70% lang ng lakas ni Ace ang kayang gayahin ng Iluyong ginawa ko. At dahil nga gumawa ako ng isang ilusyong kagaya ni Ace, isang salamangkerong higit na mas malakas sakin ay maraming enerhiya ang nabawas nito sakin

Nakatukod ang mga kamay kong nakatingin lang sa Ilusyong Ace, hinayaan ko ng syang ang gumawa ng lahat

"Woaahh gumawa sya ng isang Acer Frostville"

"Teka pwede bayun?"

"Mukhang nanghina sya dahil dun ohh"

"Goooo Nammmmm kaya mo yan"

"Grabe nakakamangha talaga ang babaeng iyan"

"Nakakatakot naman sya. Kaya nya palang gumawa ng ganyang ilusyon?"

"Parang ayaw ko ng lumapit sa kanya ahh"

"Huwag sana sya ang makaharap ko sa battle round"

"Naku, paniguradong mataas ang score na makukuha nya"

"Matik nayan. Gayahin ba naman si Ace"

Mga chismisang naririnig ko sa paligid...Tsk kahit kelan talaga mga chismosa nasa paligid lang

"Ice Dragon's Roaaarrrrrrr" malakas na sigaw nito kasabay ng paglabas ng isang ray sa bunganga nya na napapalibutan pa ng mga yelo at snow

Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig na bumalot sa paligid dahil sa tira ng Ace na ginawa ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay nawala na ang usok at malinaw ko ng nakita ang score ko

"Mirai Nam Sy...Nakakuha ka ng 98 scores" pagkasabi nun ni Hm ay naglaho na ang Ace na ginawa ko. Hingal na bumalik ako sa pwesto ko. Madaming mahika ang nagamit ko sa isang ilusyon na yun

celeѕтιa world : thє prσphєcчTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon