CHAPPY VI

18 2 0
                                    

6tH gEnErAl

Wateria's POV

"Dalian nyo, kailangan nating makalabas at makahingi ng tulong" maawtoridad na sabi ko sa mga bihag at nagpahuli pa habang si Chescka naman ang nasa pinaka una

Napalingon ako sa paligid ng makaramdam ako ng kakaibang presensya sa paligid

Shit nasundan ba kami? Pero paano? Natalo ba ng mga Rubberium sina Ace?

Napailing na lang ako sa naiisip ko Imposible hindi ganun kadaling matalo sina Ace lalo na at isa syang Dragon Slayer, pero kaninong---

"Water Barrier" binuksan ko ang isang water ball at ang aking Magic wand at gumawa ng panangga sa paparating na mga tipak ng bato mula sa kaliwa ko

"Gail" sigaw ni Chescka kasabay ng paghinto nila sa pagtakbo "Ayos ka lang ba? Anong nangyari?"

"May nakasunod satin Chescka" binalingan ko ang mga bihag at ilang mga Phantom Slayer "Maging alisto kayo, may kalaban sa paligid"

*Screeecchhhh*

"Gail sa harapan mo"

"Ingat miss"

Napatingin ako sa bandang unahan ko
Kaso huli na dahil isang malapad at matigas na galamay ng Rubberium ang tumama sa mukha ko kaya napatalsik ako at medyo nahilo pa

"Gailllll!!!!" Naramdaman ko naman ang paglapit ni Chescka sakin "Pasensya na Gail, hindi ko na kasi magamit ngayon ang kapangyarihang nahigop ko sa nakaraang Phantom na natalo natin"

Tumango na lang ako bilang sagot sa knya at pinipilit pading tumayo habang inaalalayan ako ni Checka
May hangganan kasi ang kapangyarihan ni Chescka at wala siyang permanenteng kapangyarihan gaya namin, Isa syang Phantom Eater
Hinihigop ni Chescka ang kapangyarihan ng Phantom na napapatay namin sa laban ng sa ganoon ay makuha nito ang taglay nitong kakayahan at sa ganoong paraan lamang nagkakameron ng kapangyarihan si Chescka ngunit nawawala din ito matapos ang Isang linggo kung kaya't kinakailangan nyang muli makahigop ng ibang kapangyarihan sa isang patay na Phantom Slayer o Phantom bago ito tuluyang maging abo o kung kusang loob na bibigyan ng isang nilalang ng kapangyarihan nya si Chescka subalit mawawala naman ang kalahati ng lakas ng nilalang na ito sa oras na gawin nya ito

"Hiyaaahhh" napatingin naman ako sa isang lalaki na sumigaw kasabay ng pagbato nya ng isang bakal na bolang kasing laki ng basketball at sa tingin ko ay mabigat ito, isa syang Holder Type Wizard

Tumama ang bakal na bola kay Gecia na dapat pala ay aatakihin kaming muli, tumingin kami dito saka tinanguan at nginitian

"Salamat"

"Walang anuman, ngunit sa tingin ko ay kailangan na nating makaalis habang hilo pa ang Rubberium na yun" sabi nito samin habang inaalalayan nila ako ni Chescka na tumayo. Grabe hilo padin talaga ako dahil sa atakeng iyon

"Ano yun?" Hindi pa man kami tuluyang nakakatayo ng biglang magsalita ang ilan sa mga kasamahan namin. Ano na namang nangyayari?

"Anong nangyayari?"

"Napaka-init"

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now