cHaPpy VIII

5 2 0
                                    

WelCome To CeleStia AcaDemy

Pyra's POV

Tatlong araw na mula ng maconfined ako sa Porshue ng Celestia Academy, at ngayon ay maaari na akong lumabas dahil sa tuluyan na akong gumaling. At sa loob ng tatlong araw na pamamalagi ko dito ay mayroon na akong mga naging kaibigan, si Ate Mirian ang healer dito sa Porshue saka sina Ash, Aly, Devas at Chescka ng Shadow Team at yung dalwang miyembro naman ay hindi ko makasundo. Si malditang tubig kasi masyadong maldita at masungit tas si Bold Star naman masyadong pikon at hindi din kami magkasundo, kasi kada sasabihin ko sasalungatin naman nya

Saktong tapos na ako sa pag aayos ng ilan kong mga gamit ng biglag bumukas ang pinto at pumasok sina Ate Mirian at si HM

"Pyra, sa wakas makakalabas ka na. Ano? Tapos ka na ba sa pag iimpake?" Masiglang tanong sakin ni Ate Mirian, tumingin naman ako dito

"Hhmm...Katatapos lang po ate" masayang sagot ko din dito saka sinakbit ang aking bag "Ate Mirian, Hm salamat po sa lahat, at kung pwede pakisabi na lang po kina Ash na marami ding salamat...Sige po aalis na ako"

Naglakad na ako patungo sa pintuan, ngunit agad akong napatigil sa tapat ni Hm ng pigilan nya ako at hawakan sa braso. Tiningnan ko ito ng nagtataka at tila nagtatanong, agad din nya itong naintindihan kaya tumikhim sya saka tinanggal ang pagkakakapit sa braso ko

"Pyra mula ngayon...Dito ka na mag aaral" nanlalaking mata ko naman ito tiningnan at naninigirado kung tama ba ang narinig ko o kung hindi ba sya nagbibiro sa sinabi nyang dito na talaga ako mag aaral? Tumango naman ito "Tutal wala ka namang permanenteng tahanan at wala ka namang mauuwian, mas mabuting dumito ka na lang...Mag aral ka dito, gumawa ka ng mga mission ng sa ganoon ay mas madali ang pagkita ng Jewels para sa iyo. At mas mahahasa ang galing mo sa paggamit ng iyong taglay na kapangyarihan"

Mahabang sambit nya, napalunok naman ako. Hindi ko alam ang isasagot. Nagdadalwang isip ako
May parte ng isip ko na gusto kong um-oo dahil tama sya, wala akong tirahan, mahihirapan akong kumita ng jewels dahil maliit lamang ang binabayad sakin sa twing makakatalo ako ng Phantom at higit sa lahat mas lalakas ako at mahahasa ang kapangyarihan ko sa lugar na ito---Kaso gusto ko ding humindi dahil magiging limitado ang oras ko sa paghahanap sa aking ama sa oras na pumasok ako dito, matatali ako sa responsebilidad ko dito bilang studyante ng pinakasikat at isa sa pinakamalakas na Akademya sa buong Celestia World...Kaya anong dapat kong isagot?

"Pyra?" Nabaling naman ang atensyon ko kay HM ng magsalita ito, huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga mata nya

"Sige...Payag na ako" sana tama ang desisyon kong ito. Sana lang

Hm POV

Sa wakas...Napapayag ko din syang maging studyante sa akademya
Agad naman akong naglihis ng tingin, hindi ko kayang matagalan ang titig ng mga mata nyang tila apoy na nakakapaso. Halata din sa mata nya ang pagkabagabag, pero bakit? Sa anong dahilan?

__________________

"Ahhmm HM?" Napatingin naman ako dito, at huminto sa paglalakad "Saan ako titira kapag naging studyante na ako dito?"

"Sa dormitoryo, dito sa akademya"

"Dormitoryo? Saan? Wala naman akong nakikita ehh...Halos puro classroom at training hall lang ang nakikita ko dito, pati nadin ang mga maganda at mahihiwagang kapaligiran" manghang sabi nya habang tumitingin-tingin sa paligid, nagsimula na ulit kaming maglakad patungo sa Office ko

celeѕтιa world : thє prσphєcчDär berättelser lever. Upptäck nu