cHaPpY XVIII

3 0 0
                                    

The New Prophecy

Ace's POV

Nandito padin kami sa Sikretong Porshue...At ang mas nakakaasar pa dito, kasama ko sa maliit ng silid nato ang napaka-maingay, napaka-makulit, napaka-mapang-asar at napaka-matakaw na salamangkerang nakilala ko. Isama mopa yung pagiging manyak nya

Letche ang lakas ng trip, bilangin ba naman kung ilang tone ng abs meron ako? At mas nakakabaliw padun, iimagine ba naman na ang abs ko pagkaing pandesal na masarap daw kainin...Nakakaasar diba?. Kaye heto ako kanina pang pulang-pula dahil sa kahihiyan

"Magtapat ka Nam, Isa ka ba sa mga espiyang pinadala ng Phantom King para magmanman sa Academy ko?" Nabaling ang atensyon namin kina Tanda at Nam ng prankang magtanong si Tanda

Naamoy din pala ni Tanda ang amoy ng Phantom King na humahalo sa amoy ni Nam? Noon pa man may hinala na akong isa si Nam sa mga traydor

"Hm, Hindi. Hindi sya ang espiya, alam ko yun...Imposibleng isa sya sa mga espiya, hindi yun magagawa ng Ate ko" pagtatanggol ni Aly sa ate nya. Hindi kami nakialam sa usapan nya at nananatili lamang tahimik na nakikinig sa kanila

"Nam, bibigyan kita ng pagkakataong ipaliwanag ang sarili mo. Pero sagutin mo ng totoo ang isang tanong ko...Anong koneksyon mo sa Phantom King?" Seryosong tanong nito habang na kay Nam lang ang tingin "Bakit humahalo ang amoy ng Phantom King sayo? Imposibleng mahaluan ka ng amoy nya kung hindi sya napalapit sayo?"

"Hm, ako na mismo ang nagsasabi...Ni minsan hindi pa sila nagkik---"

"Aly. Hayaang mong...Ako ang magpaliwanag" malumanay na pagputol ni Nam sa pagsasalita ni Aly

Huwag nyang sabihin na may koneksyon nga sya sa Phantom King. Dahil kung totoong isa sya sa mga traydor ay hindi ako magdadalwang-isip na kalabanin sya kahit na... Kapatid pa sya ni Aly

"Tama ka Hm, nagkita na nga kami ng Phantom King" nag-igting naman ang panga ko. Kung ganoon may koneksyon nga sya sa Phantom King?

Handa na sana akong magpalabas ng mahika pero napatigil din ng may humawak sa braso ko. Tiningnan ko ito..Si Aly

Nakita ko ang nangungusap nitong mga mata habang umiiling-iling pa. Huminga ako ng malalim at sinubukang ikalma ang sarili ko

"Pakiusap Ace, hayaan muna natin syang makapagpaliwanag" nakikiusap na bulong nito. Tumango na lang ako dito at muling binalik ang atensyon kina Tanda

'Para sayo Aly, susubukan kong huminahon'

Maswerte ka Nam, at kaya akong pakalmahin ng kapatid mo. Pasalamat ka at isa sa mga kaibigan ko ang kapatid mo. Kaya hahayaang kong magpaliwanag ka bago kita husgahan

"Ano? Pero b-bakit kayo nagkita? Aksidente lang ba ang pagkikita nyo?" Takang tanong ni Tanda

"Hindi" iling na sagot ni Nam

"Kung ganoon...Bakit kayo nagkita, magpaliwanag ka Nam...Ayaw kong humusga ng basta-basta lalo na at hindi ko alam ang tunay na dahilan" malumanay na sabi ni Tanda pero halata mo ang pagpipigil sa inis nito

Nam's POV

Huminga naman ako ng malalim at isa-isa silang tiningnan. Lalo na ang nakababatang kapatid kong si Aly. Unti-unting bumalik sa alaala ko kung paano nagsimula lahat ng kakaiba sa buhay ko. Kung paano ako nagkaroon ng koneksyon sa Phantom King

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now