ChApPy XV

9 0 0
                                    

Master DevaSio

Devas POV

"Nandito na tayo" napatigil naman kami sa harap ng isang bahay na halata mong mayaman ang nakatira. Tumingin ako kay Kuya John na tila naninigurado. Tumango ito saka ngumiti bilang sagot

Nauna ng bumaba si Ace at pandi suka sa gilid. Sumunod naman sina Aly, Wateria hanggang sa makalabas na kaming lahat. Pagbaba pa lang namin ay nakita na namin ang ilang mga nakatira sa bayan na ito na pandi tingin sakin. Hayysstt hindi talaga mawawalan ng chismosa sa mundo

"Ohh paano mga bata, Mauna na ako?" Taka naman kaming napatingin kau Kuya John ng bigla itong nagsalita. Kahit na medyo nahihilo pa ay lumapit si Ace dito

"Teka kuya, sumabay ka na lang samin. Maya-maya lang ay pauwi nadin kami"

"Naku ijo hindi na. Kailangan ako sa tindahan kaya kailangan ko ng bumalik agad"

"Hindi napo ba talaga kayo mapipigilan?"

"Hahaha, hindi na ijo"

"Kung ganoon tanggapin nyo po itong J 5000. Huwag nyo na po itong tanggihan. Kahit ito na lang po para may pamasahe kayo, nakakahiya naman kasing sinama namin kayo dito tapos pababayaan kayo sa pag uwi nyo"

"Mapilit ka talaga ijo, oh sige tatanggapin ko na ito...Ohh sya mauna na ako. Sana ay mapagtagumpayan nyo ang misyon ito" masayang sambit nito samin saka naglakad na palayo

"Paalam"

"Ingat po kayo"

"Salamat sa tulong"

Sabay sabau naming sigaw sa kanya habang kumakaway pa. Sa huling pagkakataon ay humarap itong muli samin saka kami kinawayan bago nagpatuloy muli sa paglalakad hanggang sa tuluyan na namin syang hindi naaninag

"Ako na ang magdo-doorbell" presinta ni Ace saka pinindot ang pulang botton

'Ding Dong' 'Ding Dong' 'Ding Dong'

Ilang saglit pa ay unti-unting bumukas at lagpas kataong bakal na gate kaya naman bahagya pa kaming napaatras. Mula sa gate ay isang matipuno at may kagwapuhang lalaki ang lumabas. Halata mo sa tindi at pangangatawan nito na isa nga syang malakas na salamangkero

"Sino kayo?" Malaki at medyo malalim ang boses nito kaya naman medyo kinabahan ako. Grabe lalaking lalaki ang boses nya

"Aah eehh S-Si Master D-Devasio po, n-nandyan po ba?" Kabadong tanong ko. Nangunot naman ang noo nito at tumingin samin isa-isa na tila ba kinikilatis kami

"Anong kailangan nyo sakin?"

"K-Kayo po si M-Master Devasio?" Magalang na tanong ko dito. Tumango lang ito bilang sagot

"Nandito kami dahil pinadala kami ng HeadMaster namin. Kailangan namin ng tulong mo Master" seryoso ngunit may paggalang na sagot ni Ace. Wew sya lang ata ang hindi kinakabahan sa presensya ng lalaking nasa harapan namin, si Master Devasio

Napadako ang mga tingin nito sa badge namin at napakunot pa ang noo na tila ba hindi nya nagustuhan ang nakita nya

"Mula kayo sa Celestia Academy?"

celeѕтιa world : thє prσphєcчOù les histoires vivent. Découvrez maintenant