ChApPy IX

9 1 0
                                    

MiRai NaM Sy

Pyra's POV

"Liannnn!!! Akin na sabi ang libro ehh"

"Ibigay mo muna sakin Shira ang damit ko"

"Akin na muna ang libro ko"

"Hindi, ang damit ko muna?"

"Yung libro muna"

"Hindi, damit muna"

"Libro"

"Damit"

"Libro"

"Damit"

"Hoy magsi-tigil nga kayong dalwa, ang iingay nyo tulog pa yung bago nating ka dorm-mates"

"Ehh Nara, si Lian kasi ehh"

"Anong ako? Ikaw nga itong kinuha ang damit ko ehh"

"Wow ha, kung di mo pinapakealaman ang libro, hindi ko naman kukunin ang damit mo"

"Pwede ba magsitigil na kayo. Lian ibalik mo na yung libro nya, at Shira isauli mo naman sa knya ang damit nya ng matigil na kayong dalwa"

"Hayy oo na"

Iyan, Iyan yung boses na gumising sa napakasarap kong tulog...Gusto ko mang matulog pa kaso hindi ko na magawa, tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa tatlong naglalakasang boses na naririnig ko
Soundproof itong kwarto ko kaso dahil parte na ng Dragon Slayer Magic ang Enhanced Hearing Magic ay tumatagos lang sa kwarto ko ang tunog ng mga boses nila

Tumayo na ako sa kama ko saka nagsimulang gawin ang morning rituals ko. Paglabas ko halos mapanganga naman ako ng mabago ang imis ng kwarto ko. Halos itim at pula lamang ang makikitang kulay ng kagamitan at maging ang dingding at kisame ay pinaghalong pula at itim na pintura...Dali-dali akong nagbihis saka lumabas. Pababa na sana ako ng mapansing ang dating puting kulay ng pintuan ko ay nagbago, nagkameron ito ng disenyo ng isang kulay pulang dragon na nababalutan ng itim na usok at apoy...Pero hindi iyon ang talagang nakaagaw ng pansin ko, kundi ang kulay itim na apoy. Hindi ba dapat kulay pula ang usok at apoy na nakapaligid sa Dragon? Pula din naman ang binubuga kong apoy. Pero bakit itim?

Umiling na lang ako at pinagsawalang bahala yun saka mabilis na bumaba. Agad ko namang naabutan yung tatlong Salamangkerang bumungad sakin kagabi, hindi ko matandaan ang pangalan nila dahil hindi naman sila nakapagpakilala sakin ng maayos
Napatingin sila sa direksyon ko at agad na napatigil sa mga ginagawa nila

"Hi, gising ka na...Kumain ka na ba? Mayroong niluto si Shirang almusal, nandoon sa kusina" masayang bati ng nakaupong babae habang nakaturo sa parteng kusina, mula sa salas ay kitang kita ang kusina dahil wala namang nakaharang na kahit ano, kanyang boses ang naririnig kong umaawat kanina

Agad namang kumalam ang tiyan ko ng marinig ang salitang 'Almusal' ayosss makakain na ako, dahil sa totoo lang kahapon pa ako gutom na gutom. Agad namang tumayo yung tatlo saka sinamahan ako sa kusina
Mas lalong lumawak ang mga ngiti ko ng makita ang sobrang daming pagkain sa lamesa

"Sorry napadami ha? Ikaw na lang kasi ang kakain, bilang pang-welcome nadin sayo kaya pinadamihan ko kay Shira ang pagkaing nil---"

*Blurrkkk* "Ahh grabe ang sarap ng luto nyo, nabusog ako...Sorry ha kahapon pa kasi ako gutom na gutom ehh hihih" putol ko sa sasabihin nya. Grabe ang lakas ng dighal ko ahh, ansarap pati ng pagkakaluto sa pagkain "Salamat sa almusal" masayang pasasalamat ko saka tumayo at yumuko sa kanila saka hinimas ang tyan ko, grabe nabusog talaga ako

celeѕтιa world : thє prσphєcчTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon