ChApPy XVII

9 1 0
                                    

I Am Pyra Ashton

> Phantom World <


Ekronomico's POV (The Phantom King)

"Mga walang silbeeeeeeeee" malakas na sigaw ko kay Racio, isa sa mga alipin ko "Umalis ka na sa harapan ko...Bago pa kita mapatay"

Mahina ngunit may diing utos ko. Nakita ko naman ang takot sa kanya at dali-daling umalis sa harapan ko. Nakaupo ako ngayon sa trono ko. Habang pinapanood ang mga walang silbi kong alipin. Napahinga naman ako ng malalim ng makita ko ang itim na usok na papunta sa direksyon ko

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko. Mula sa pagiging usok ay humulma ito sa totoo nyang wangis "Alam mo bang mas gusto ko pa ang wangis mong usok kesa sa totoo mong itsura...Nakakasulasok"

Panglalait ko dito. Napangisi naman ito saka nagpalabas ng isang Black Hole na syang nagpatayo sakin

"Bwahahhaha ooh bakit ganyan ang itsura mo Ekronomico?" Mapang uyam na tanong nito sakin at mas lalo pang nilakihan ang BlackHole na ginawa nya. Wala sa sariling napalunok ako

"P-Patawad. Hindi ko...Sinasadya amg mga n-nasabi ko kanina" nauutal na sagot ko. Letche kang boses ka. Bakit ba nauutal ka?
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nandoon ka sa Celestia Academy at sinusubukang iba----arrggghhh"

"Manahimik ka" napangiwi naman ako ng marahas nya akong sakalin at ibalibag. Lintek na Diablo ito "Kung hindo nangialam ang mga Pvtanginang Shadow Team na yan. At yang letcheng si Nam Sy edi sana natapos ko na ang misyon ko"

"Ahahhaha akalain mo nga naman. Ang pinakamalakas na Diablong nilikha ni Bathalang Erebus ay pumalpak" pang uuyam ko dito. Nakita ko naman ang pag igting ng panga nito tanda ng matinding galit

"Huwag kang mayabang Phantom King. Hindi ba't ilang taon ka ng pumapalpak. Ilang beses mo na bang pinagtangkaang patayin ang Shadow Team, naipadala mo na ang ika-13th, 10th at 6th Phantom Heneral mo. Pero ano? Hanggang ngayon buhay padin sila at kumpleto" sigaw nito sakin habang nakaduro. Lumapit ito sakin saka ako sinakal. Sinubukan kong kumawala ngunit masyado syang malakas "At ngayon...Ngayong nasa puder na ni Devaldes si Pyra, kasama ang Shadow Team...Paano kopa magagawang makuha sa kanila si Pyra? Gayong kaanib na ni Pyra ang pinakamalakas na grupo sa Celestia World? Paano ko muling mababawi si Pyra? Ha? Paano?"

Gigil na tanong nito sakin at sa pangalawang pagkakataon ay binalibag na naman ako. Gustuhin ko mang lumaban sa kanya, sa huli ay alam kong ako ang talo at kung mamalasin baka mapatay pa nya ako
Kunot noo ko naman itong tiningnan

"Pyra? Ibig mong sabihin si Pyra Ashton? Ang pangahas na salamangkerang pumatay sa 13th at tatlong 6th Phantom Generals. Ang salamangkerang nakealam at tumulong sa Shadow Team"

"Oo sya na nga"

"Teka. I-Ibig mong sabihin...Iyon na ba ang bagong pagkakakilanlan nya?" Tanong ko dito. Tumango ito at kita ko ang pagkainis sa itim na itim nyang mga mata

"Oo...At alam mo ba ang nangyari kanina?"

"Ha? Anong nangyari?"

"Nakialam na naman si Mirai Nam Sy. Kaya hayan, nagawa nila akong paalisin sa loob ng isip ni Pyra"

Nanggigilaiting sagot nito sakin. Si Mirai. Pagak naman akong napatawa. Ang pakelamerang yun? Ilang beses ko na syang binantaan na huwag makikialam sa plano ko. Pero suwail ang batang yun. Kapag hindi pa ako nakapagtimpi, ako mismo ang papatay sa kanya. At sa tunay nyang magulang

celeѕтιa world : thє prσphєcчDonde viven las historias. Descúbrelo ahora