Chapter 59: Kiss and Make-up

499 26 0
                                    

ERICKA'S POV

"Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba talaga?" agad na tanong ko kay AJ pagkapasok namin sa loob ng kotse. Magkatabi kaming naupo sa may backseat. Agad na inihilig naman nito ang ulo sa balikat ko at saka nilaru-laro ang mga daliri ko. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin dahil sa inaakto niya ngayon.

God knows how much I missed this guy!

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? I know how beautiful you are but you don't need to prove that by being a sleeping beauty for six months!" malambing pang sabi nito at saka idinampi ang mga labi sa palad ko. Narinig ko namang napatikhim yung lalaking kasalukuyang nagdadrive sa kotseng sinasakyan namin nang marinig ang sinabi ni AJ.

"Did I made you wait for too long?"

"Nah... you're always worth the wait," napangiti naman ako sa sinabi nito. Pakiramdam ko tuloy ay may naghahabulan na namang kung ano sa loob ko dahil sa nararamdaman kong kilig ngayon.

"Siya nga pala AJ, why is he..." pasimple kong inginuso yung driver naming si Xander, one of the guys na nakaaway ng grupo ni Josh before. Laking gulat ko kasi kanina nang bigla niya na lang akong hilahin palabas ng event hall at dalhin sa parking lot kung nasaan si AJ. Kinabahan pa nga ako dahil akala ko'y makikidnap na naman ako ng wala sa oras.

"Ahh... yan ba? Mahabang kwento eh!"

"I'm willing to listen naman," sabi ko dito. Iniangat naman nito ang ulo at saka ako tinitigan. Napalunok tuloy ako at napakurap-kurap.

Bakit ba ang hilig mang-ambush ng gwapo niyang mukha?

"Okay, I'll tell you everything but in one condition!"

"Ha? Ano na namang kapalit?" tanong ko sa kanya. Napalunok ako nang umayos ito ng upo at saka ako tiningnan nang malagkit. Anong klaseng tingin iyon? Basta yung nakakaakit na para kang ginagayuma. The look you won't be able to take your eyes off.

Kailan ba yung huling beses na natitigan ko ang gwapo niyang mukha? Pinaglandas ko ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha niya mula sa makapal niyang kilay, mapungay na mga mata, matangos na ilong hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa mapupula niyang labi.

"Your lips," halos pabulong pang sagot nito.

Teka, tama ba ang narinig ko?

"Ha?" sinamantala naman ni AJ ang pag-awang ng bibig ko at tuluyan na nitong inangkin ang mga labi ko. Ramdam ko ang pagkasabik niya kaya tinugon ko naman ito nang walang pag-aalinlangan. AJ's kisses went so deep that I can almost feel his tongue exploring the insides of my mouth. It's like both of us has agreed to convey our feelings through that single kiss.

"Wait..." hinihingal ko pang sabi nang saglit akong kumawala sa halik niya.

"I miss you so much..." AJ gave her small kisses on her lips, her cheeks, her nose and at last, on her forehead. "I'd like to kiss you more kaya lang baka hindi na ako makapagpigil pa eh!" nakakaloko pang sabi ni AJ at saka dumistansya na ng kaunti kay Ericka mula sa pagkakaupo.

Nag-init naman lalo ang pakiramdam ni Ericka sa sinabi nito. Nang mapatingin siya sa rear view mirror ay nakita niyang natatawa si Xander sa kanilang dalawa. Parang gusto tuloy niyang maglaho sa sobrang hiya.

"Akala ko magkakaroon na ng live show dito eh!" natatawa pa nitong komento. Napatakip naman si Ericka nang mukha sa sobrang hiya.

"Asa ka namang hahayaan kong makita mo ang katawan namin ni Ericka?"

"AJ!" hiyang-hiyang sigaw ni Ericka dito.

"Respeto naman sa mga single oh!"

"Bakit di mo na lang kasi patulan yung—ano nga pangalan nung babaeng kapatid ni Roan?"

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon