Chapter 14: Another Case for Detective Al

1.9K 102 8
                                    

Sa loob ng kotse ay tahimik lang kaming dalawa habang magkatabi. Palihim akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya while he on the other hand, was just staring blankly outside the window. I admit, he’s really cool a while ago. But looking at him now, parang ang…

Ugly nerd!

No way. Hindi siya cool okay? Ugh, masisiraan na yata ko ng bait sa dami ng personality niya. Pero teka, paano ba sila nalabas? Bakit sila nalabas? Hmm…

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nagsimulang magtype sa google. Typing… Multiple Personality Disorder. Saglit lang ay lumabas na ang maraming related articles tungkol dito. Iki-click ko pa lang sana yung unang article nang magsalita ang katabi ko.

“You know, you can’t always trust the information you got from the web,” gulat akong napalingon sa kanya. “Why bother looking on different search engines about that subject when you can directly ask me?”
Ilang segundo muna ang dumaan bago ako tuluyang makabawi sa sinabi niya. Hindi talaga ako sanay na puro English ang sinasabi niya. Parang sobrang talino kasi niya magsalita ngayon, unlike before. Oops, hindi ko sinasabing walang utak yung ibang personality niya okay? Mas… disente kasi siya ngayon.

“I’m… sorry?” sambit ko. Natawa naman ito bigla. Teka, ilang segundo na ba ang dumaan bago ako sumagot sa kanya? Hindi kaya iniisip niyang slow ako? Sabi nila ganun daw mag-isip ang mga taong sobrang talino. They used to think that the people who cannote respond to them right away belong to the lower I.Q class.

“You called me Third a while ago. So that means you are aware about our illness and Third just managed to come out too right?” napatango ako bilang pagsang-ayon. “So… sino-sino na ang mga nameet mo?”

“Ha? Ahm… aside from Josh, I met AJ, Third and you,” sagot ko sa kanya. Pang-apat na siya sa mga personality ni Josh.

“Hmm… so he’s still not come,” mahinang sabi nito.

“Sino?” tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa’kin.

“You’ll know,” makahalugang sagot nito. I can tell that he’s the mysterious type, unlike the other personalities na puro violence lang at kalokohan ang alam. There was something on him, especially when he smiled like he was anticipating something.

Maya-maya lang ay huminto na ang kotse sa tapat ng school. Bakit dito kami diniretso?

“Hindi po ba kami muna uuwi ate Euri?” tanong ko sa kanya.

“Hmm… there were police mobiles around and even mediamen were present. There is a high probability that a case occurred here. I’ll go take a look,” nalingunan ko na lang ang katabi ko na palabas na ng kotse.

“Hey—“

“Someone has been killed inside and since Al was out now, I think he could assist the police solve the case,” paliwanag ni ate Euri.

“May namatay po sa school? Sino?” gulat kong tanong. Bakit ganun? Puro patayan yata ang nasasangkutan ko these past few days?

“Lance called me a while ago. May natagpuang patay daw sa restroom ng Education building kaya dito tayo dumiretso,” sagot niya at saka nauna ng lumabas ng kotse. Oo nga pala, si ate Euri ang president ng Student council kaya normal lang na i-report sa kanya ang mga nangyayari sa school. Kung hindi ako nagkakamali, yung Lance na binanggit niya ay yung Vice President. Lumabas na rin ako ng kotse at saka sumunod kina ate Euri. Nasa bungad lang kasi ng school ang Education building kaya madali lang makapunta dito mula sa pinagpark-an namin.

Sinalubong agad kami ng mga Student Council officers. Madaming mga pulis ang humaharang sa mga estudyanteng gustong pumasok sa building na napapalibutan na ng kulay dilaw na harang. Hinagilap naman ng mata ko si Al at nakita ko naman itong may kinakausap na matangkad na lalaki. Lalapit pa lang sana ako dito nang may lumapit ditong isang babae, si Camille Monleon. Siya yung babaeng nakita kong kasama ni ate Euri sa pagsundo kay Josh sa bahay dati.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon