Chapter 31: Her true colors

1.4K 75 13
                                    

ANNIKA’S POV

“Akin lang si Josh Ericka. Tandaan mo, I won’t let you have him!”

If I can only encrypt my words in her face so she’ll literally feel the pain I have right now, I won’t think twice to do it. I hate her so much. How could she do this to me? She was my bestfriend and yet, nagawa niya akong saktan ng ganito? For the last time, I threw her dagger stares na sana ay nakakamatay para naman hindi na siya makalabas pa ng buhay sa ospital na ‘to.

Nanginginig pa sa galit na lumabas ako ng kwarto. I clenched my fist. I came back for Josh and I wouldn’t let her have him all by herself. I promise, I’ll get back at you Ericka. Sisiguruhin kong hindi mapupunta sa’yo si Josh! Hindi mo alam kung anong mga kaya kong gawin kaya humanda ka!

“Kung anuman ang binabalak mo, mas mabuti kung huwag mo na yang ituloy,” bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko only to see that woman na nakasandal pa at nakacrossed arms—si Euridice.

Pilit kong kinalma ang sarili ko at saka pilit na ngumiti. “A-Ano bang sinasabi mo a-ate Euri?”

Tumawa ito ng pagak na nakapagpapanting bigla ng tainga ko. “Ate? What the heck? You don’t need to put some mask in front of me, Miss Ramirez,” naglakad ito palapit sa’kin at saka bumulong “Have you forgotten that I am very much aware of your true colors?”

Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko. I looked at her as if I was looking at a wild animal as a prey. She just responded with a sarcastic smile.

“I came back for Josh,” matatag kong sabi sa kanya.

“Do you think he’ll be glad to see you?” Natahimik ako bigla sa tanong niya. I just clenched my fist as she walked past me at saka pumasok sa loob ng room na nilabasan ko. Napasandal naman ako sa dingding at saka napatingin sa kawalan.

It’s been 3 years since I first met Josh.

“Hoy tanda! Pwede ba talagang dumaan dito?” sigaw ko kay Shanks habang tinitingala ang mataas na bakod. We only have 10 minutes bago mag-bell. Kapag nalate kami ay tiyak na katakut-takot na sermon na naman ang aabutin ko nito sa terror teacher namin.

“Oo nga sabi! Wala ng ibang shortcut papunta sa school kundi diyan na lang! Gusto mo bang malate?” yumukod ito para magamit kong patungan para makaakyat ng maayos.

“Wag kang titingin, kundi lagot ka sa’kin!” sita ko pa sa kanya.

“As if naman interesado ako sa’yo!” singhal naman nito. I just make face at him at saka tumungtong na dito. Madali naman akong nakaakyat sa bakod. Papababa na sana ako sa kabilang side nang mapansin kong may nakatingin sa’kin. And I was right.

“Ahhh!” Sa gulat ko ay na-out of balance ako at tuluyang nahulog.

“Careful!” rinig ko pang sigaw niya bago ako pumikit para hintayin ang masakit na pagkabagsak. Napadilat ako nang wala akong maramdamang kahit-ano.

“Are you okay?” Kaya naman pala hindi ako nasaktan, may anghel palang sumalo sa’kin—a very handsome angel.

I fell too hard that time that my heart also fell for him. Hindi ko na nabawi. Hindi na ako nakabawi.

I let out a deep sigh.

Maya-maya pa’y narinig ko na ang pamilyar na mga yabag na iyon kaya lumingon ako sa kaliwa ko. If I was a typical girl, malamang ay kinilig na ko sa way nito ng pagkakangiti. He has perfect teeth with a perfect face na siguradong papasa as model ng toothpaste, may matikas na tindig din ito at magandang pangangatawan—a boy next door type.

“It looks like I won our bet,” nakatawa niya pang sabi na may halong pang-aasar. I just rolled my eyes on him at saka naglakad na palayo sa lugar na iyon. Naramdaman ko naman ang paghabol niya at pagsabay sa paglalakad ko.

“Am I right about my guess?” Even if I can’t see his face, I know he’s smirking at me.

“Just shut up Xander!” madiin kong sabi sa kanya at saka mas binilisan pa ang lakad palabas ng ospital. He’s Xander, my childhood friend at dating bestfriend ni Josh. Dire-diretso akong pumunta sa kotse ko at saka sumakay sa passenger’s seat. Maya-maya pa’y sumakay na ito sa driver’s seat at saka inayos ang rear view mirror.

“Wag ka ngang sumimangot diyan! Mas lalo kang pumapanget!” I immediately get my gun from my dashboard at saka itinutok sa kanya.

“Say another word and I swear, that’ll be your last.”

Itinaas naman nito ang dalawang kamay. “I’m sorry, okay? Tsk! Hindi ka na mabiro!”

Ibinaba ko naman na ang baril ko at saka ibinalik sa dashboard.

“Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon! Tawagan mo yung mga panget mong alaga at sabihin mong may ibibigay akong trabaho!”

“Woah… itutumba mo na agad yung best friend mo?” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Of course not! Who do you think I am?”

“Ohh yeah, you’re the Sadist Majesty. Hindi mo nga pala gusto ang mabilisang pagtorture,” Ngumiti ito at saka pinaandar na ang kotse.

“Right! Uunti-untiin ko ang pagpapahirap sa kanya!” I can imagine myself dragging her in her grave, her face already unrecognizable because of the blood flowing from her eyes and mouth, her cries that reverberates like music in my ears and the thought of Josh being mine forever.

I let out an evil smile.

My sweet moment with my imagination was suddenly interrupted by a loud tone from my phone. Inis na kinuha ko naman ito agad mula sa shoulder bag na nakapatong sa lap ko. Upon seeing the name of my caller, I felt like a cold breeze of air has passed by the back of my neck. It seriously gives me some chills.

“Hindi mo ba sasagutin yan?” rinig kong tanong ni Xander. I let out a deep sigh.

“Hey!”

“It’s my brother,” maiksing sagot ko sa kanya. Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan namin.

“K-Kelan pa siya bumalik?”

“Last month.”

“Last month? Bakit ngayon ko lang yan nalaman?”

“Obviously, dahil wala namang ibang pwedeng magbalita sa’yo bukod sa’kin. Kababalik ko lang, remember?” inis na sagot ko sa kanya. For the nth time ay napahinga ako ng malalim habang nananatiling nakatingin sa cellphone na panay pa rin sa pagtunog. “Naunang bumalik si kuya dito a month ago. May importante daw kasi siyang aasikasuhin.”

“Ahh… I bet it was about that girl again?” mahinang sabi nito. Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. I looked at my phone, sa wakas ay tumigil na din ito sa pagtunog.

“Okay lang ba na hindi mo sinagot ang tawag niya? Baka mamaya niyan—“

“Hey! Watch out!” sigaw ko sa kanya pagkakita sa motorcycle rider na bigla na lang nagdrift at huminto sa harap namin. Dahil sa biglaang pagpreno ay pareho kaming napasubsob sa harap.

“What the heck was that?” sigaw ni Xander nang makabawi ito sa pagkabigla. Ako nama’y umayos sa pagkakaupo at saka tiningnan yung lalaking ang lakas ng loob na tumigil sa harap namin. I immediately snapped my seatbelt out at saka binuksan ang pinto.

“Hey, anong gagawin mo?” hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at saka dali-daling lumabas ng kotse. Naramdaman ko naman ang pagsunod din niya sa’kin sa labas.

The man in front of me was wearing a black with red stripes jacket and black pants paired with high cut boots. He was tall, probably the same height as the jerk Xander and my brother; he has a fitted masculine body na halatang batak sa pagwowork-out sa gym. But since I was used to see such bodies from my comrades, I was never amazed. Nakapameywang na hinarap ko lang siya with my head raised, ready to snap the hell out of this man.

“Hoy! Bakit bigla ka na lang tumigil sa harap namin?” sigaw ko sa kanya.

And as if time slowed down, I just stared at him as he took off his helmet. Damn. Napaatras ako nang unti-unti ay makita ko ang gwapo niyang mukha. His hair was disheveled, and his eyes were still as dark as the night, same as mine.

“Why didn’t you answer my call?” his cold voice sent chills to my bones.

“K-Kuya?”

“Oh? Roan? Ikaw na ba yan?” rinig kong paglapit ni Xander dito. Hindi man lang ito tinapunan ni kuya maski isang sulyap. Damn. I made him angry again.

“Ano h-hindi ko kasi napansing nakasilent pala yung—“ Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. I bit my lower lip as I looked at him, unable to make any excuses.

“You know I really hate lies, right?” sabi pa nito habang nasa kamay ang sariling phone. He assigned a quick dial number to call me. Damn, I felt like I’ve been cheated!

“Okay fine! Ano ba kasing kailangan mo kuya?” sa wakas ay tanong ko sa kanya.

“I saw you at the hospital earlier. Did you visit someone?” Napataas ang kilay ko sa tanong nito. Parang ito yata ang unang beses na nagka-interes ito sa activities ko.

“Yeah, I visit my best—I mean my ex-bestfriend. Chineck ko kung humihinga pa siya,” I sarcastically answered him. “Bakit mo pala natanong? Ay teka, what about you? What did you do there?”

“It’s none of your business,” supladong sagot nito at pagkatapos ay tumalikod na ito at saka sumakay sa motorbike niya.

Seriously, why did he even bother make a scene here?

“Are you going home tonight?” pahabol ko pang tanong sa kanya bago nito isuot ang helmet pero hindi niya na rin ako sinagot at saka pinaharurot na paalis ang motorbike.

“So that girl was also in that hospital?” tumatangu-tango pang sabi ni Xander. My forehead instantly curled.

“That girl? Sino ba yang tinutukoy mong babae ah?” tanong ko sa kanya. Wala naman akong maalalang babaeng nalink o nalilink kay kuya.

He just smiled widely at me at saka bumalik na sa kotse.

“Hoy Xander!” sigaw ko pa sa kanya.

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa passenger seat. Naabutan ko naman siyang may kinakalikot sa cellphone.

“Here,” abot niya sa’kin sa phone niya.

“What’s this?”

“Your brother’s first love?” nakatawa pa nitong sagot. Dali-dali kong tiningnan ang cellphone nito para lang matigilan sa picture na nasa screen. It was a picture of a very familiar woman in sky blue dress.

“Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Highschool pa lang yata yang kuhang yan, taga-ibang school pa.”

“Are you sure?”

“Oh yes! Pinakatatagu-tago ko pa nga yang picture na yan para may hawak akong weakness niya eh!”

“Damn it!” I threw his phone in front of me na nag-iwan ng cracks sa harap.

“Hey, are you crazy?” sigaw niya sa’kin at saka kinuha ang cellphone na tinapon ko. Nanginginig ako sa galit. I can feel my heart beats and pulse in uproar.

This can’t be! That girl, was my brother’s first love?

My ex-bestfriend Ericka? 

Damn that bitch!

***TBC

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon