Chapter 5: Fated Encounter

2.7K 131 1
                                    

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school. Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin ni ate Euri kagabi. Napabuntung-hininga ako. Hindi pa nga natatapos ang first week ko, parang ang dami na agad nangyari. Pagkababa ko ng kotse, nakita ko si kuya Mark sa di kalayuan.

Teka… maaga din pala siyang umalis ng bahay? Lalapitan ko na sana ito nang biglang may lumapit ditong babae. Parang may biglang kumirot sa dibdib ko. It was Bianca, my first love. Inakbayan ito ni kuya Mark at saka sabay na naglakad palabas ng parking lot.

Mapait akong napangiti. I’m sure walang idea si kuya Mark kung paano ako ginawang saktan ng babaeng ‘yun. Lumabas na ko ng parking lot at tumuloy sa building namin. Pagliko sa may corridor, nagulat ako nang may mabangga akong babae. Nabitawan niya yung mga books na dala niya kaya agad ko siyang tinulungan.

“Naku sorry miss, hindi ko sinasadyang mabangga ka!” tiningnan ko yung babaeng nabangga ko. She’s just staring at me.

“Miss?” mukhang bigla siyang natauhan kaya nag-iwas ito agad ng tingin. Napansin kong namula yung magkabila nitong pisngi. Inalalayan ko siyang tumayo pagkaayos ko ng mga librong nahulog niya.

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Namumula pa rin kasi yung pisngi niya.

“Ah o-okay lang ako e-AJ…” nakayuko niyang sabi.

“You call me AJ? Woah! Ang tagal na ring walang tumatawag sa’kin niyan ah! AJ ang initials ko pero Joshua or Josh ang tawag sa’kin ng mga kakilala ko. Teka, kilala mo pala ko?” tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

“A-ako yung kahapon na niligtas mo sa Street No.13,” mahina niyang sabi habang nakayuko. May dumi ba ko sa mukha ko at ayaw niya kong tingnan? Teka, siya daw yung babae kahapon?

“Ahhh!! Ikaw yung inaaway nung mga—“ Sh*t! Ibig sabihin, ang babaeng ‘to… “You know what happened yesterday?” tanong ko sa kanya. Tumango siya. Parang mas lalo pa siyang namula. “Teka, are you really okay? Namumula ka!” nag-aalala kong sabi sa kanya.

“O-okay lang ako! M-mauna na ko dadalhin ko pa ‘to sa library!” kinuha niya na sa’kin yung books at nauna nang maglakad. Hinabol ko naman siya.

“Wait miss! I didn’t know your name!” huminto siya saglit at hinarap ako.

“Ericka. I’m Ericka Basilonia,” nakangiti niyang sabi. Ang cute niya pala kapag nakangiti. She looks like a doll with curly hair and eye glasses.

“You can call me Josh. Wait, pwede ba kitang makausap mamaya about sa nangyari kahapon?” saglit siyang napaisip at pagkatapos ay tumango.

“Itetext ko na lang sa’yo yung vacant time ko hindi ko pa kasi saulo,” nahihiya niyang sabi.

“Ah sige sige! I’ll wait for your text! Teka, tulungan na kaya kita diyan sa dala mo?” alok ko sa kanya.

“Ah naku wag na! Nakakahiya na—“ hindi ko na siya pinatapos at kinuha yung ilang books na dala niya.

“Tara!” yaya ko sa kanya at pagkatapos, sinabayan ko siyang maglakad papuntang library.

***

“Okay class dismissed!” sa dami yata ng sinabi ng professor namin, diyan lang yata natuwa ang mga classmates ko. Nagsitayuan na sila at lumabas ng classroom. Yung iba naman na may klase pa sa room na ‘to sa next subject, nagstay. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tiningnan kung may nagtext.

1 message received.
From: +639774231***
1-3pm ang vacant time ko. Sa rooftop na lang ng building nyo. Ericka.

Nagtext nga siya. Wait, kelan ko pala binigay sa kanya yung number ko? Hmm… inayos ko na yung gamit ko at saka lumabas ng room. Tumuloy na ko sa rooftop namin. Nakita ko siyang nakasandal sa may pader habang nakapikit at nakikinig sa earphone niya. Tahimik akong lumapit sa harap niya.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon