Chapter 24: Deduction

1.4K 90 2
                                    

“So, will you give me some time and hear my deductions, Detective Martinez?”

Natawa naman ang bigotilyong officer sa tanong ni Al. Nakita ko rin ang pag-iling-iling ng mga kasamahan nitong police officers at ang mga mapakla nilang pagtawa. Napasimangot naman ako. Malamang ay nasa isip nilang nahihibang na si Al kaya kung anu-ano na ang nasasabi. 

“Fine. Matagal-tagal na rin naman simula nang huli akong makarinig ng ganitong proclamation coming from someone so young,” nakangiti pa nitong sagot at saka nakacrossed arms na tiningnan ang bangkay na ngayon ay ineexamine na ng mga medical examiners.

Binitiwan na rin ako ng mga pulis na may hawak sa balikat ko. Lihim akong napa-crossed fingers. Sana ay masolve niya ng maayos ang kaso para hindi kami magkaroon ng records.

“Narinig ko kanina na ang pangalan ng biktima ay Johndon Tuazon. Based on his physique, I can deduce that he was a businessman who was very fond of golf. Proof were the marks on his palm that can only occur when he was always grasping something like the golf club,” lumapit ito sa katawan ng biktima at saka itinuro bulsa nito.

“Pwede niyo po bang tingnan kung may laman ang mga bulsa niya?” rinig kong sabi nito sa nagpipicture na officer. Sinunod naman nito si Al. “His wallet and his phone was missing and there was an indication na nanlaban pa siya bago siya tuluyang saksakin sa kaliwang bahagi ng tiyan niya. Since the blood is more obvious on the upper part than the lower parts, we can deduced from here that he was stabbed facing his killer.”

“That was obvious,” tinatamad na komento ng Detective.

“If that was the case, then the killer surely is a right-handed man,” nakangiti pang sabi ni Al dito. Itinaas nito ang kaliwang kamay na may dugo. “I was right-handed too but the killer panicked and left her knife on my left hand, leaving it bloody and my right hand clean.”

“Posible mo pa rin naman siyang masaksak gamit ang kaliwa mong kamay hindi ba?”

“But that would be so impractical! Usually, people do act first then clean their own mess after their dirty works. Hindi madalas mangyari na habang ginagawa ang krimen ay nililinis niya na agad ang ebidensya. Of course there are exceptions sometimes. But I don’t think that was the case here,” confident pang sabi ni Al na sinundan pa nito ng smirk. Oh Al, why so cool?

“Then explain to me, why the hell are you here?” Nakasmirk ding tanong ng detective. Ano ‘to labanan kung sinong mas magaling magsmirk? Oh well, hindi ko na kailangan pang sabihin kung sinong mas magaling para sa’kin di ba? Tumingin ako kay Al at napansin kong bahagya itong natigilan sa tanong ng detective.

Pasimple itong tumingin sa’kin pero napaiwas naman ako agad ng tingin. Sorry Al. Maski kasi ako, hindi ko alam kung bakit nandito si Josh. Kung sinong imi-meet niya at kailangan pang dito sila magkita.

“I received a prank call,” napataas ang tingin ko kay Al. Saglit pa itong tumingin sa’kin at saka ibinalik ang tingin sa Detective. Napakunot naman ang noo nito.

“Prank call?”

“Yeah. I wanted to know who the sender is kaya kahit alam kong posibleng may trap dito ay tumuloy pa rin ako. Upon entering this room, I was surprised when I saw someone lying in the floor. Aatras pa lang sana ako para lumabas at humingi ng tulong nang biglang may pumukpok sa ulo ko mula sa likod. I fell down and lose my consciousness after that.”

“Tama siya! Sumunod ako sa kanya pagpasok kaya nakita ko siyang walang malay katabi yung biktima! Ginising ko siya at sabi niya ay may daw pumukpok sa ulo niya!” dagdag ko dito.

“At bakit mo naman siya sinusundan?” tanong ng Detective sa’kin. Pareho silang napatingin ni Al sa’kin.

“Ahh kasi…”

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon