Chapter 2: His gangster side

3.5K 141 1
                                    

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school. Nagpahatid na lang ako dun sa family driver kasi mukhang badtrip pa rin sa'kin si Ate Euri.

Naglalakad ako sa corridor nun nang may marinig na nag-uusap malapit sa'kin.

"Oh look Bianca, isn't he the nerd na nagconfess sayo nung highschool?"

Bianca?

Napalingon ako bigla sa mga ito at napatitig ako sa mukhang 'yun. Nagtama ang mga mata namin pero dagli niya rin itong iniiwas sa'kin. Mukhang nataranta siya bigla.

"Ano ba girls, I don't know him!"

Ouch!

Para kong nanigas sa kinatatayuan ko. Kahit pa sinasabi ng utak kong umalis na sa lugar na yun at wag na silang pansinin, hindi ko magawa.

"You know my ideal man di ba? Definitely not like him! Kaya tigil-tigilan niyo ko dyan!," mataray pa nitong sabi sabay irap sa'kin.

"Ohh.. poor nerd, sana kasi naambunan ka rin ng kasikatan at kagwapuhan ng kuya Mark mo noh o di kaya ng ate Euri mo!," dagdag pa ng isang kaibigan nito. Sabay-sabay nagtawanan ang mga ito at saka ko nilagpasan. Napakuyom na lang ako sa inis.

Sh*t!

"Pumapayag kang insultuhin ng mga ganung babae? Tss.. pathetic!"

Nilingon ko yung nagsalita sa likod ko at nakita ko siya.

"Ikaw yung..," pilit kong hinagilap sa memorya ko yung name niya kaso hindi ko talaga maalala. Tinaasan niya ko ng kilay.

"I'm Camille.. tss! Kinalimutan mo agad ang pangalan ng boss mo?" Mataray nitong sabi.

"Boss?," takang tanong ko.

"Hindi paba sinabi sayo ng ate mo na member ka na namin?"

Bigla ko namang naalala yung mga nangyari nung isang gabi at yung naging pag-uusap namin ni ate Euri kahapon.

"So mukhang naalala mo na. Pumasa ka sa test kaya member ka na ng gang. At bilang new member, meron kang dapat gawin."

"Wait! Kasi.. ano.. hindi ko gustong sumali sa gang niyo. You see, I'm just an ordinary student, isang typical nerd. I'm sure wala kong maikocontribute sa gang niyo kaya pasensya na!" Nagbow ako sa kanya at akmang tatalikod na nang magsalita siya ulit.

"Hindi ba ang tipo ni Bianca Marie Fortez ay yung mga gangster type? Chance mo na 'tong maging gangster! Malay mo dahil dun, magustuhan ka na niya?"

"Imposible yun. Hindi bagay sa'kin ang maging gangster. Magmumukha lang akong trying hard! Bakit di ka na lang maghanap ng ibang papayag maging member niyo? Yung malakas at maangas tulad niyo? Hindi yung tulad ko na--"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil inambahan niya ko ng suntok na nasambot naman agad ng kanang kamay ko.

"Nice reflexes!" Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, member ka na namin. Pinag-usapan na namin yan ng ate mo kaya wala ka ng magagawa!" Binaba na nito yung kamao at nakangiting tiningnan ako.

"Papano mo napapayag si ate?"

"Sasabihin ko sa'yo pag nagawa mo ang unang misyon mo.

***

Ilang beses ko ng tinry kontakin si ate pero wala talagang nasagot. Sh*t!  Pa'no to ngayon? Kasalanan to nung maangas na babae kanina eh! Aish!

Nandito ako ngayon sa isang cafeteria at nagbabantay. Sabi kasi nung.. okay, ni boss eh may gangster daw na dumadaan sa lugar na 'to pag ganitong oras. Ang misyon ko ayon sa kanya ay ang siguruhing walang masasaktang sinuman ang grupong yun. Medyo hindi ko nga nagets nung una pero nang lumaon, naintindihan ko na. Ang gang na nasalihan ko ay mga good gangsters, sila yung naikipagbasag-ulo sa mga kapwa gangsters o kaya sa mga masasamang tao para walang gulong mangyayari sa nasasakupan nila. Yung ganun? So naisip ko, baka yun yung dahilan kung bakit pumayag si ate Euri.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon