Chapter 12: Mr. Arrogant

1.9K 100 9
                                    

"So ibig sabihin, nakita mo rin siyang tumatakbo palayo sa crime scene kaninang umaga?” tanong ng police officer sa harap ko. Matapos kasing pumasok sa loob ng kwarto si Josh este si Third ay naiwan ako sa kitchen kasama ang tulog na lalaking namukhaan kong yung lalaking nabunggo ko kanina sa palengke. Tumawag agad ako ng pulis at inireport ang nangyari.

“May nahulog po kasi siyang amulet na may lamang SD card kaya sa tingin ko, yun po ang dahilan kung bakit niya kami pinasok,” sagot ko sabay abot sa amulet. Isinilid naman niya ito sa isang transparent plastic container.

“Siya si Mr. Juanito Santos, isa sa mga itinuturing na possible suspects sa pagkamatay ni Mrs. Gina Flores, yung babaeng sinaksak sa palengke kaninang umaga. Posibleng may kinalaman ang SD card na ito sa kaso kaya mabuti na lang at naretrieve namin ito. Maraming salamat sa tulong mo Ms. Ericka,” nakangiti nitong sabi.

“Ahh mabuti naman po at mukhang malulutas na ang kaso,” sabi ko sa kanya.

“Sino nga palang bumugbog kay Mr. Santos?”

“Po? Ah eh…” Sasabihin ko ba ang tungkol kay Third? “Ako po?” gulat itong napatingin sa’kin. Sabi ko nga, hindi kapani-paniwala ei. “Joke lang po! Yung friend ko yung bumugbog sa kanya. Nasa kwarto niya po siya at nagpapahinga.”

“Hindi ba namin siya pwedeng mahingan ng statement?”

“Ahh kasi… pasensya na po, mahiyain po kasi yun. Hindi po siya sanay humarap sa mga tao,” nilungkutan ko pa ang boses ko para mapaniwala ko siya.

“Ganun ba? Sige, kung ganun ay mauna na kami. Ipapatawag ka na lang namin kapag kailangan na naming kunin ang official statement mo as the prime witness of this case,” tumayo na si officer at saka sinenyasan ang mga kasama niyang pulis. Maya-maya pa’y naiwan na akong mag-isa sa living room. Ang tahimik.

Okay lang kaya si Third?

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto niya. Hahawakan ko na sana ang doorknob nito nang bigla itong bumukas.

“Are they gone?” he asked with a very cold voice.

“Uhh yeah,” napatitig ako sa abs nitong parang nang-aakit. Why is he half-naked? Napataas ang tingin ko sa mukha niya. His forehead was curled and was looking at me as if I was a big distraction on his view.

“Buy all these things!” may idinikit itong papel sa noo ko at pagkatapos ay pinagbagsakan niya na ulit ako ng pintuan. What the heck?

Tiningnan ko naman yung papel na ibinigay niya. List of pain killers, gauze, alcohol and other first aid stuffs. I looked at his closed door.

“T-Third… ayaw mo ba talagang pumunta sa hospital?” napabuntong-hininga na lang ako at saka tumuloy sa kwarto ko. Kinuha ko yung wallet ko at saka lumabas na ng bahay. Ilang minuto din akong napatulala nang marealize kong nasa loob pala kami ng isang private resort. Wala akong pwedeng sakyan palabas and I don’t know how to drive!

Tumingin ako pabalik sa loob ng bahay. Imposibleng mapapayag ko siyang pumunta sa ospital.

Argh! Sorry Josh, sorry AJ!

I took my phone from my pocket at saka ito in-ON. Tinawagan ko kaagad si ate Euri para sabihin kung anong nangyari. They’re coming. Halos 5 minutes lang ang lumipas at dumating na agad si ate Euri na may dala-dala pang pangfirst aid.

Bakit ang bilis niya?

“Where is he?”

“Nasa kwarto po!” sinamahan ko naman siya sa kwarto ni Third at pagkatapos ay kinatok namin ito. Maya-maya lang ay bumukas na ito at iniluwa si Third na hindi pa din nagsusuot ng damit pang-taas. May hawak lang itong panyo na pinangtatakip sa ulo nitong dumudugo.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon