Chapter 43: Attempt to Escape

1.3K 52 10
                                    

I remembered my teacher before discussing about the anatomy of a human body but never in my entire life would I want to see an actual, real model. Pakiramdam ko ay babaliktad ang buong sikmura ko sa nakikita ko ngayon. In front of us were frozen bodies of familiar faces, standing in a coffin-like freezer. They were like dolls—stitched in different parts of their body which is almost pale white with some random purplish spots.

Napatakip ako ng ilong ko dahil sa kung anong amoy na umiikot sa buong kwarto. There was a mixture of a sickly-sweet butchershop odor and some chemical—probably a formaline, something I had never sniffed before. In the center was a big metal table, and even though I haven't taken a single step towards it, I'm sure that the stains all over its surface were all blood. Blood, dried by time.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pananakit nito. I gasped some air and returned my gaze at the dead bodies. Hindi ako pwedeng magkamali, sila yung mga kasamahan namin dati na sumubok tumakas. Isa sa kanila si ate Amy, yung babaeng unang kumausap sa'kin nang dumating ako dito.

My heart pounded again and this time, it was so hard that my knees weakened and I suddenly felt the need to kneel. What kind of human being did this to them?

I looked back at Josh who was still staring blankly at space then returned my gaze at the dead bodies. Ganyan din ba ang mangyayari sa amin kapag nahuli nila kami dito?

Nakakapanghina. My gut lurched, and a churning mixture of digestive fluids and yesterday's dinner filled my mouth. I was too weak to accept all this. Paulit-ulit, pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang mga imaheng nakita ng mga mata ko. Mariin kong hinilot ang tiyan ko dahil sa matinding pangangasim nito.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa likod ko. I raised my head and saw Josh's worried face.

"J-Josh..." nag-uunahang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko.

"Shhhh, may pababa," mahinang sabi niya sa akin at pagkatapos ay hinila niya ako papasok sa isang cabinet para makapagtago. Isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya at saka tahimik na umiyak.

Ayoko na. Ayoko na dito. Wala pa bang rerescue sa'min mula sa impyernong ito?

"Hmmppp—" nakarinig kami ng mga yabag pababa kasunod ang isang impit na tili.

"Pucha pinahirapan mo pa kami ahh!" malakas na sigaw ng lalaki na sinundan pa ng malakas na pagbagsak ng kung anong mabigat.

"Ohh ayan! Magsisigaw ka at mamaya ay hindi ka na makakasigaw pa!" malakas nitong sabi na sinundan pa nito ng malakas na tawa. Iniangat ko ang mukha ko at saka pilit sinilip kung anong nangyayari sa labas mula sa maliit na siwang na nasa taas.

What's happening?

"I hate you! Give me back to Noona! Palabasin mo ko dito!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tangkang lalabas na sana ako mula sa pinagtataguan namin nang mahigpit akong hawakan sa kamay ni Josh.

"Si Jai..." bulong ko sa kanya. Umiling lang ito at mas hinigpitan pa ang hawak sa'kin.

No... this can't be happening!

"Is he the perfect donor?" sabi pa ng isa pang boses na mukhang kabababa lang din ng hagdan kasama ang iba pang kasama. Hindi ko makita kung anong nasa labas dahil may kataasan ang siwang pero si Josh, mukhang nakikita niya kung anong nangyayari base na din sa seryosong ekspresyon sa mukha nito.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon