Chapter 27: Saving her

1.5K 75 2
                                    

JOSH’S POV

“If you want to blame someone, blame yourself. Kung hindi mo dinala si Ericka sa meeting place natin, hindi ko ‘to gagawin. This is your punishment.”

He was there yesterday. When I went on that abandoned building, he was there and watching my every little moves. He was probably hiding somewhere. Somewhere I overlooked.

Pero paanong iba ang nadatnan ko sa loob? Nagkataon lang ba na nagkaroon ng murder case sa lokasyong iyon nang araw na iyon? Hindi. Imposible. Imposibleng maging coincidence ang lahat.

Kung ganun, posibleng…

He planned it all along.

“So where do we have to start?” napalingon ako nang magtanong si Ephraim. Nasabi ko na nga pala sa kanila kung anong sitwasyon namin ngayon. Ericka was kidnapped by someone I can only call ’Black sheep’ base na rin sa memorya ni Haja at ni Al na kusang humahalo sa sariling memorya ko. That ‘Black Sheep’guy was apparently someone involved either with Ericka or with my past.

“Don’t you have any clues like Ericka’s possible stalker?” tanong ni Rom.

“Ikaw p’re papasa kang stalker ni Ericka. Si ba lagi mong inii-stalk ang facebook niya?” dire-diretssong sagot dito ni Red. Nagtawanan naman ang iba pa. Ako, I kept my poker face. Nang tumikhim si Ephraim ay nagsitahimikan naman silang lahat.

Binuksan ko ang e-mail ko at saka ipinakita sakanila yung video clip na ipinasa sa’kin ng kidnapper kanina. Maang na pinanood naman nila ang video clip na labinlimang segundo lang ang haba. Pagkatapos ay nakarinig ako ng malalalalim na buntong-hininga mula sa kanila.

“Bakit ikaw ang kinontak niya at hindi yung parents ni Ericka?” tanong ni Miggy. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. “Isn’t it weird? Hindi ba kapag sa kidnapping case, malimit na tinatawagan nila ang parents para humingi ng ransom?”

“Yun ay kung pera lang ang habol ng kidnapper. Sa tingin ko kasi, may ibang dahilan ang kidnapper kung bakit niya kinidnap si Ericka at nagsend pa ng video kay Josh,” sabat naman ni Alvin.

“Teka, hindi kaya sa’yo talaga may galit yung kidnapper at kaya niya kinidnap si Ericka ay dahil gusto ka niyang pasakitan? Di ba ganun yung mga nangyayari sa mga movies?” komento naman ni Jade.

“Wait, there was someone who has grudge on Josh di ba?” napatingin kaming lahat kay Miggy nang patahimikin niya kaming lahat. “That gangster, Xander.”

“Ahh oo nga! Yung mokong na yun!” tumatangu-tango pang segunda ni Red. Nagbulungan din naman ang iba at kanya-kanyang sabi ng opinion.

“We have to get serious here,” natahimik kaming lahat nang pumasok sa loob ng conference hall si Camille.  Mukhang naireport na agad dito ni Ephraim kung anong problema meron kami ngayon.Tiningnan niya naman ako at tinanguan.Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa mga kasama namin.

“This is not a game to guess who the kidnapper is. Ericka’s life is at stake so we have to get serious on our acts,” seryosong sabi nito. Inilapit ko sa kanya yung video clip at matapos mapanood ay ibinalik niya ang tingin sa’min.

“Wala ba kayong napansing kakaiba sa video?” tanong nito. She was now standing at the center at tinitingnan ang bawat reaksyon namin. She’s really emitting an authoritative aura.

“Madilim yung room?” sagot ni Rom.

“What else?” nakakunot ang noong tanong ulit ni Camille. Saglit na napuno ng katahimikan ang buong kwarto.

“Ericka was wearing a dress and today’s Sunday so ibig sabihin, she was probably kidnapped before or after going to church,” sa wakas ay pagbasag ni Miggy sa katahimikan. And she has a point. We can start gathering our clues by limiting the span of time. Nilapitan ko yung laptop ko at chineck yung time kung kelan ko nareceive yung e-mail—8:05AM.

ALTERSEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon