They made a contract. Sa halip na singilin si Papáng ng milyun-milyong halaga ay hiniling na lamang ni Tita Helena at Mamáng na ikasal kaming dalawa ni Wendell. That was why when the upcoming wedding was called off, they immediately asked about our debt. Sa mga pagkakataong iyon ay wala akong kamalay-malay na unti-unti na pa lang naaagnas ang kanilang pinaghirapan dahil abala ako sa pagdamdam.

"Your father suggested that we better stay in Marikina so you won't be stressed out 'cause you're already pregnant." Napatitig ako kay Mamáng na bigla na lang nagsalita habang yakap-yakap pa rin ang pinaglalagyan ng abo ni Papáng. "Ayaw niyang masangkot ka sa problema dahil dinadala mo na ang pinakaunang apo niya." Then she smiled while tears were rolling down her cheeks. "Gregorio's love for you is unreserved."

I licked my lower lip to prevent it from trembling more. "M-Mamáng, kain na tayo." Pang-uulit ko dahil tila may sarili na naman itong mundo.

Lalo akong nadudurog sa tuwing pinagmamasdan siya. She was not my Celistina Virantes... she was not my mother. The mother I knew was brave, arrogant and sophisticated. I couldn't see her anymore since we lived in Marikina up until now.

"Kumusta na kaya ang lagay ng hacienda natin?" Pagpapatuloy niya, binabalewala ang sinabi ko. "Mayo na ngayon, dapat ay naihanda na ang mga itatanim pagsapit ng Hunyo."

Suminok ako't lumapit sa kaniyang nakaupo sa dulo ng kama. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at sumubsob sa kaniyang kandungan.

"Mamáng... bumalik ka na please,"

"You'll go out again tomorrow, don't let your skin hit by the sun Cresencia!" Mahina ngunit mariin niyang angil, iba na naman ang tungo ng sinasabi.

Lalo akong napahagulgol at mas niyakap siya sa baywang. "Mamáng, I'm still here... nandito pa ako." Sambit ko sa pagitan ng pagsinok.

Mula sa kawalan ay napatitig siya sa luhaan kong mukha. Umamo ang kaniyang mukha at marahang pinalis ang aking mga luha. Lalo akong napaiyak. "Sshh, stop crying Cresencia. It won't make you beautiful." Matapos no'n ay tiningnan niya ang hawak na vase. "Your father is sleeping. Baka magising siya kaya't tumahan ka na."

Hindi na yata magsasawa ang mata ko sa pagbuga ng luha. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak dahil sa lahat ng nangyari at nangyayari. Pinatiim ko ang aking bagang upang pigilin ang rumaragasang emosyon.

Mahigpit kong hinawakan ang kaliwang palad ni Mamáng at mariin iyong hinalikan. Nanatili akong nakatingala sa kaniya habang siyang blangko ang ekspresyong nakatitig sa akin.

I gave her a reassuring smile. "Konti na lang Mamáng... malapit ko nang mabuo ang perang kakailanganin para sa pamasahe natin pauwi." Huminga ako nang malalim. "Uuwi na rin tayo sa Pilipinas."

Magdamagan akong nagtatrabaho sa fastfood chain na malapit lang din sa aming nirerentahan. Labis kong ikinatuwa nang mabilang ang perang iniipon ko. 'Pag nakuha ko na ang suweldo ko ngayong linggo ay maaari na rin kaming umuwi ng Pilipinas. Nagtabi rin ako ng ilang halaga para sa bibilhin kong bago naming tirahan. Tiyak kasing wala kaming mapaghihingian ng tulong pagkauwi.

"Ay teka!" Biglang tumayo si Mamáng kaya't napahiwalay ako sa kaniyang kandungan. Marahan niyang inilapat sa kama ang urn at may kinalkal sa kaniyang maleta. Ilang saglit pa'y bumalik siya sa aking harapan na malawak na ang pagkakangiti.

Napakunot-noo ako nang mapansing iyon ang cell phone ko. "Bakit iyan Mamáng?" Nagtataka kong tanong.

Tila bata niya itong inilahad sa akin. "Check your gallery!" She muttered in delight.

My mouth agape when for the first time after a year and how many months, my cell phone was now on my hands. Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Hinayaan kong matuyuan ang luha sa mga pisngi para lang muling mabahiran ng pagkabasa nang makitang punong-puno ng litrato ni Simeon ang gallery ko.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now