Kabanata 44

1.9K 60 9
                                    


Nang maihatid ako ni Sam sa loob ng opisina ni Ma'am at inilagay ang first aid kit sa lamesa ay agad din siyang nagpaalam na lalabas upang tingnan ang kaganapan doon. She insisted at first to clean my cut but I refused. Mas kailangan niyang malaman ang nangyayari sa labas at nang masamahan na rin sa Ma'am dahil sa kaguluhang nagsimula sa akin.

Napatitig ako sa kawalan at muling umalingawngaw ang mga katagang narinig kanina.

I touched my cheeks when I felt droplets of tears roll on them. I sharply inhaled a deep breath and exhaled a shuddering sigh when the smell of blood infiltrated my nose. Muli akong napapikit at mariing lumunok upang pigilan ang sarili dahil sa amoy at pagkakita ng dugo.

Pagod akong napahilamos ng mukha gamit ang malinis na kamay, pinapahiran ang luha. I then opened the kit to get the cotton and alcohol.

May kumatok sa pintuan. I didn't dare throw a look at it for I thought it was just Ma'am Iza... but I was wrong.

A strong perfume filled the air. I snapped out and looked back. I saw Simon's stiff face but the emotion in his eyes were clearer than the water. I clamped my jaw and darted my eyes to our son instead. He was sucking his right thumb as usual and I couldn't help but feel at ease, seeing him being clueless.

I returned my eyes to Simon's then immediately looked away. For all the emotions lingering on me right at that moment, pity was out of the list that I wanted to receive.

Naglagay na ako ng alcohol sa cotton at marahang pinahid sa nagkalat na dugo sa daliri maging sa pisngi. It was a small cut but there was a lot of blood. Hinipan ko ito nang bahagya nang maramdaman ang hapdi.

After putting a band-aid around it, I cleared my throat as I straightened my back. I was grateful for I fought my fear with blood again without getting unconscious.

"Bakit kayo nandito? Hindi ka ba hahanapin ni Donya Melvira?"

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Sa halip ay tugon niya.

Kailangan pa bang itanong 'yan?

Huminga ako nang malalim at kahit pa'y nanlalambot ang mga tuhod ay pilit akong tumayo. "Pwede ko ba siyang kargahin?" Panglilihis ko sa kaniyang katanungan.

Nagtagal ang titig niya sa akin bago dumapo sa nakaangat kong braso. Binuhat niya si Silious gamit ang isang braso at inangat ang kabilang kamay para paraanan ng haplos ang namumula ko pa ring braso.

His jaw tensed. "Masakit pa ba?"

Umiling ako at mas inilapit ang kamay. Bumuntong-hininga siya bago sukong pinasa sa akin ang anak.

Bumalik ako sa pagkakaupo at ipinatong sa aking hita si Silious. Tumingala ito sa akin at inosenteng ngumiti. My lips stretched for a genuine smile. Just like that, the heaviness inside of me vanished in the thin air.

"Pwede nating ireklamo ang biglaang panggugulo ng lalaki... at pananakit sa 'yo." Pagbubukas usapan ni Simon habang nakatayo pa rin ilang pulgada ang layo sa amin.

Nilaro ko ang daliri ni Silious. "No need. Lalaki lang lalo ang isyu."

I did appreciate his concern but I just suddenly felt nothing at all anymore. I was getting tired of everything and I was afraid to lose my grip.

"Paano kung bumalik na naman iyon dito at manggulo—"

"Ano naman sa 'yo ngayon?" Marahas kong putol, napupuno na sa lahat ng kaganapan sa aking buhay.

Kailan ba ako magigising isang umaga na wala ng bigat sa pakiramdam?

Saglit siyang napamaang bago nag-iwas ng tingin. Kita ko ang pagtagis ng kaniyang panga. "Ina ka ng anak ko—"

Sprouted Desire ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin