Kabanata 45

2.2K 59 17
                                    


I couldn't take my eyes off Mamáng. Kanina pa niya buhat-buhat ang apo niya sa kaniyang braso ngunit tila hindi niya iyon alintana. On the other hand, I was thankful that Silious never cried. Naaalala niya kaya si Mamáng?

Dapit-hapon na't kanina pa umalis sila Kristine kasama ang kaniyang mga magulang. Ngayon nga ay kaming tatlo na lang ang tao sa bahay.

My eyes drifted back to my son and my heart swelled. I still couldn't believe Simon let me take him home.

Tumungo na akong kuwarto at naglinis ng sarili bago dumiretso sa kusina para makaluto ng makakain. I let Mamáng played with my son while I was busy doing the household chores. Natutuwa ako sa pagiging madaldal niya sa apo. Ngayon ko lang na naman siya nakitang masigla.

"Thank you Cresencia for bringing my grandson home."

Napunit ang katahimikan maliban sa pagkalansing ng aming pinagkakainan. I looked up and a gentle smile appeared on my lips when I saw Mamáng already smiling at me. I missed that smile. Kandong niya ang anak kong masagana ring nagpapasubo sa kaniya.

"Tomorrow, I want to go out. Let's bring Simeon outside, can we?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat. Since Papáng passed away, Mamáng never went out again. Lagi na lang siyang nagkukulong sa kaniyang silid maliban na lang kung may importante akong lakad at kailangan ko siyang isama.

My heart constricted with joy as I nodded my head repeatedly.

I could feel it, she was slowly coming back...

Katatapos ko lang maghugas ng mga pinggan nang tumunog ang cell phone ko para sa isang tawag. Pinahid ko ang basang mga kamay sa suot na pang-ibaba upang sana abutin ang phone nang namatay na agad ang tunog.

I checked the call history and it was an unknown number. My heart started beating fast.

A text was popped up and stated...

Si Simon to.

Bahagyang nanginig ang aking kamay sa nabasa. Gusto kong sitahin ang sarili dahil tila hindi na naman ako mapakali. Muling tumunog ang cell phone ko kaya't walang pagdadalawang isip na sinagot ko iyon.

Bukod sa katahimikan ay ang kaniyang paghinga lang ang maririnig sa kabilang linya. Nanahimik din ako dahil hindi ko alam ang unang sasabihin.

Makalipas ang limang segundo ay rinig ko ang pagtikhim niya. Napaayos ako ng pagkakasandal sa lababo.

"Hi," mahina niyang bungad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para supilin ang sumisibol na ngiti. I remembered those days when we were call mates.

"Hi," tipid kong bati pabalik.

Rinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hininga. "Si Silious? Umiyak ba?"

Inalis ko ang pagkakasandal at tumungo sa sala para sumilip sa nakabukas na silid ni Mamáng. There I saw her with my son, both giggling on the bed while she was tickling him.

"Hindi. Kalaro niya si Mamáng," nakangiti kong sagot.

Umupo ako sa may sala habang hindi inaalis ang mata sa kanila.

Binalot uli kami ng katahimikan. Tanging ang kaniyang malalalim na hininga ang maririnig.

"Puwede ba akong magtanong?" untag niya makalipas ng ilang sandali.

Umayos ako nang pagkakaupo. "Sure, ano 'yon?"

"Nasaan ang Senyor?"

Napahigpit ang kapit ko sa cell phone. Humugot ako nang malalim na hininga at nilunok ang bumara sa lalamunan. "Wala na siya," mabilis kong ani. "Ako, puwede rin bang magtanong?" Paglilihis ko upang hindi na naman manaig ang hapdi sa dibdib.

Sprouted Desire ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat