Kabanata 12

1.6K 52 7
                                    


"Bakit ka nandito?" 'Yan ang unang lumabas sa aking bibig nang makarating kami sa bahay.

Bumaba ako kay Valir at ibinigay ang tali kay Mang Dorio. Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng bahay at bumungad sa akin si Mamáng na nakaupo sa sala kasama si Tita Helena.

"Oh, nandito na pala si Cresencia!" Tita Helena beamed as she stood up to approach me. "Buenos tardes hija. Como estas?"

"I'm fine Tita," bumeso ako pabalik bago umupo sa tabi ni Mamáng.

Malaki ang ngisi nito nang tingnan kami ni Wendell. "Wendell and your Tita Helena just got here. Wendell wanted to see you."

Umupo rin sa Wendell sa kaharap naming upuan. He smiled at me but I just looked away.

"I saw her eating with your workers Tita."

Napatiim ang aking bagang bago huminga nang malalim. Mamáng looked at me with confusion in her eyes. "Really?"

"Yes, Tita. She better not—"

"It's my choice, Wendell," madiin kong putol. "I want to eat with them."

Kita kong natahimik si Tita Helena sa tabi ng kaniyang anak habang si Wendell naman ay nag-iwas ng tingin. Natahimik kaming apat ng ilang sandali bago iyon pinunit ni Mamáng dahil sa mahinang pagtawa.

"She's really that kind hijo. Cresencia is a softhearted woman. That's a good characteristic of a wife that a man should have, right?"

Ikinuyom ko ang mga kamao dahil sa sinabing iyon ni Mamáng. Tumayo ako na siyang nagpaangat ng kanilang mga mata.

"Where are you going hija?" It was Tita Helena.

"To my room Tita," magalang ko pa ring sagot kahit gusto ko na lang umirap.

"Oh, no, no anak." Mamáng held my hand to stop me from walking out. "Wendell is already hungry. Why don't you eat with him this lunch?" She smiled at me but her eyes were telling me otherwise.

Napahugot ako nang malalim na hininga nang pinisil niya ang kamay kong hawak niya. Bigo akong tumango at inaya na lang si Wendell na tumungo ng kusina.

"Ano ba talagang ipinunta mo rito?" mababa ngunit may bahid na inis kong usal nang makarating kami sa kusina.

Gusto ko man siyang ayaing sa dining room na lang kumain ay hinayaan ko na lang. He wasn't that important to me anyway.

"I really want to see you," aniya bago umupo.

Tinawag ko si Babet at siya ang nag-serve ng pagkain ni Wendell. Pagkatapos no'n ay muli kaming naiwang dalawa.

"Why?" Isinandal ko ang sarili sa haligi ng lababo. "I can't entertain you every time you come here Wendell. May trabaho rin akong inaasikaso."

Natigil siya sa paggalaw ng kutsara at tinitigan ako. Hindi ako nagpatalo. "Is it bad to visit my future wife?"

Tumalim ang aking titig pero hindi na niya iyon nakita nang yumuko na ito upang kumain. "I will not marry you Wendell."

Nagkibit-balikat siya. "Let's see. Our engagement party will happen next year."

"What?!" Agad tumaas ang presyon ko. Tumayo ako nang tuwid. "Wendell," may babala sa aking boses.

Irita niya akong inangatan ng tingin. "What's wrong with that Cresencia? Wala naman tayong magagawa para ikansela 'yon. Kasunduan na 'yan nila Tita Celistina at ni Mom."

"Hindi ako papayag," mariin ko pa ring putol.

Dismayado na lang siyang umiling at hindi na ako inimik.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now