Kabanata 42

2K 55 52
                                    


Nakailang hugot ako nang malalim na hininga bago kumalma. Hindi ko napigilan ang sariling maapektuhan sa mga narinig kanina. I wasn't a robot. I was in pain. I was in denial at first but as days passed by, shoving me the reality, I couldn't help but be angry with it.

Hindi pa man lumilipas ang mahigit isang taon pero pinamumukha na sa 'kin ngayong may bago na siya agad.

"Hindi mo kailangang magtaas ng boses. Nandito ang anak natin Cresencia," mahinahon ngunit may diing sambit niya.

Lantaran ko siyang inirapan ulit, nawawala na sa tamang disposisyon. Hindi mahupa-hupa ang inis ko dahil lalo pa atang lumalala sa tuwing nakikita siya. I was starting to hate his presence. Maybe in that way, my feelings for him would lessen too.

Guess he was already moved on, so why couldn't I right? If he could replace me that easy, then at least I could show him that he was not affecting me anymore.

"Kung hindi mo ipinipilit ang gusto mo ay hindi ako mapapataas ng boses. I think it's better if you go back inside. Hindi ka naman namin kailangan dito." Saad ko habang nilalaro ang mga kamay ni Silious na basa na naman dahil sa laway.

Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. "Kung busog ka nga ay sige, kumain ka na lang 'pag gutom ka."

Muli akong napairap, talagang naiirita na sa pinipilit niya. Why was it so big deal, anyway?

"Whatever."

Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin pero hindi ko na binalak tagpuin. Hindi ko siya maintindihan, malamig ang pakikitungo niya no'ng simula tapos ngayon kung umakto siya ay parang ayos lang? Napailing na lang ako sa isip.

"Simon?"

Lalo yatang sinilaban ang inis ko nang marinig ang boses ni Donya Melvira. Daig pa nito ang bata kung makahanap agad kay Simon ah? Wala pa ngang sampung minuto mula nang mawala sa paningin niya si Simon!

"Simon?" ulit nito sa nakakairitang boses.

"Nandito ako," talima agad ng katabi ko at nilingon ang bukana kung saan lumabas ang Donya.

Napilitan akong lumingon at nasaktuhan ko ang bahagyang pagtalim ng titig nito nang magawi sa akin.

"What are you two doing here?" May halong iba sa kaniyang tinig.

Lumapit na sa kaniya si Simon at hinawakan ito sa siko. Gusto kong mapairap ulit. Go and get your sugar mommy out of my sight!

"Wala,"

Tumikwas ang isang kilay ng Donya, ang titig ay 'di maalis sa akin. "Wala? Really?" Nagdududang aniya.

Inayos ko ang pagkakabuhat sa anak ko. "He's insisting that I should eat." May panunuyang sagot ko.

Kita ko ang pamumula ng pisngi ng Donya. Gusto kong mapangisi pero pinigilan ko ang sarili. What the heck? Since when did I become so childish?!

"Aalis ka pa rin ba papuntang palengke?" Sa halip ay singit ni Simon mula sa pagtititigan naming dalawa ng Donya.

Bumaling ang huli kay Simon at lumambot ang ekspresyon. "Not anymore, maybe I'll just give my instructions to our men. Dito na lang ako." Nagnakaw pa ito ng tingin sa akin bago pinulupot ang kamay sa braso ng huli.

Napaiwas ako ng tingin nang tila may bumikig sa aking lalamunan. 'Di pa rin ako masanay-sanay.

Tumango si Simon at lumingon sa akin saglit. Blangkong ekspresyon ang ibinigay ko sa kaniya bago tumalikod sa kanila upang lumabas at makalanghap ng sariwang hangin sa lilim ng mga puno.

Hindi ko dapat makalimutang nasa poder nila ang anak ko at isang pagkakamali ko lang ay baka hindi na nila ako hayaang makatapak ulit dito. I bit my lower lip. I should get myself together and set aside my feelings if I wanted to stay with my son.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now