Chapter 49

18 2 0
                                    

(Flashback)

Nagpatuloy nga ang plano nina Venice at Trex. Nagsimula na ang lalaki sa pagkuha ng loob ni Xandrea- simula sa acquaintance party, hanggang nakuha na niya ang number ng babae, tapos ay inaya niya na itong magdate, hanggang sa tuluyan na nga itong sumama at nakipagkaibigan sa mga Devils.

"You're doing a good job, Trex," masayang wika ni Venice habang nag-iinuman sila ngayon sa bahay ni Samantha kasama ang iba pa nilang mga kasabwat na sina Maika, Brandon, Sean at Dwight.

"Ako pa. Sa gwapo kong 'to? Si Sam nga hindi ako natiis, e. 'Yon pa kaya?" ani Trex pagkatapos ay hinalikan si Samantha sa pisngi.

Samantha giggled because of what Trex did. "But you should admit that it was hard for you to court me dati. 'Di ba? Pansin ko kasi ngayon kay Xandrea nadadalian ka lang, e. She's really easy to get."

"Hard to get daw siya?" natatawang bulong ni Maika kay Venice. "Balita ko isang gabi lang 'yan pinormahan ni Trex, e."

Tinampal siya ng natatawa ding si Venice.

"Excuse me," maarteng wika ni Sam. "May sinabi ka, Maika?"

"Oh? I was... I was just saying to Venice that that Xandrea is really easy to get," palusot ni Maika.

Samantha just rolled her eyeballs as a response.

Naisip ni Venice na ibahin nalang ang usapan dahil nagkakatensyon na sa pagitan nina Maika at Sam. "Anyways, I'm happy that our plan is doing well. Let's just continue what we're doing. Malapit na nating mapabagsak 'yang si Xandrea."

"Cheers to that," ani Trex.

Itinaas nadin ng anim ang kani-kanilang bote ng alak pagkatapos ay itinungga na ito at ininom.

Weeks passed and their plan went well. Masayang-masaya si Venice na nagiging maganda ang takbo ng plano nila pero hindi din nagtagal ang kasiyahang ito nang dumating ang araw na kinakatakutan niya.

Venice:
Best moments with the best person, huh? Nice caption. Hahaha.

Trex:
I need to talk to you.

Venice:
Huh? Bakit?

May sasabihin ka?
Sabihin mo na ngayon.

Trex:
Sa Lunes nalang. Gym. 4:30.

Venice couldn't stop herself from worrying. Ano kaya ang sasabihin ni Trex at gusto niyang personal pa silang mag-usap?

Dumating ang Lunes at tulad nga ng ni-text ni Trex, nagkita sila sa gym matapos ang uwian.

"What now, Trex? Ano ba'ng sasabihin mo at pinapunta mo pa ko rito?"

Hindi nakasagot ang lalaki kaya inirapan siya ni Venice. "You're wasting my time, Trex. Ano na'ng gusto mong sabihin?"

"Venice," halos pabulong ng wika ni Trex, "ayoko na."

"WHAT?! Anong ayaw mo na?"

Hindi ulit nakasagot si Trex kaya dito na ulit nabuhay ang hinala ni Venice. "Don't tell me... Don't tell me nahulog ka na sa kaniya?"

"I am sorry, Venice. Sorry if I can't go on with the plan. Ayoko na." Pagkatapos ay tinalikuran na ni Trex ang babae nang hindi man lang pinakinggan ang mga pagsusumamo nito.

"Trex! Trex, bumalik ka dito! You can't ruin our plan! Trex!"

Pero hindi na siya nilingon uli ng lalaki.

+

"This is all your fault, Venice! Kung hindi mo sana nilapitan si Trex para sa planong 'yan, hindi kami magbe-break. Kasalanan mo 'to lahat!"

High SchoolWhere stories live. Discover now