Chapter 20

30 2 0
                                    

Kakatapos lang maghalf-bath ni Xandrea at pinapatuyo na niya ngayon ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. Hindi siya masyadong gumagamit ng blowdrier kasi masyadong sensitive ang buhok niya at mabilis nagkaka-hairfall.

Patuloy lang siya sa ginagawa nang maisipan niyang buksan ang kaniyang mga social media accounts.

Nauna niyang buksan ang Twitter at halos wala namang update doon. Sunod ang Facebook at Messenger. Nag-iingay na naman si Maika sa GC nilang lima. Huli niyang binuksan ang Instagram. Halos lahat na naman sa newsfeed niya post ni Maika. Nakita niya din ang post ni Trex. 'Yong mga pagkain kanina sa cafeteria tapos may caption na #newsquad. Nilike nalang ito ni Xandrea.

Patuloy lang siya sa pagsco-scroll down nang makita niya ulit sa friends suggestions ang account na may pamilyar na profile pic. Makailang beses niya na ding nakita ang account na 'to pero palagi niyang skini-skip. Ngayon ay pinindot na niya ang icon nito para makompirma niya ang iniisip ngayon.

Nang pindutin ang icon ay nakompirma nga niyang tama ang iniisip. Profile ito ni Ken. Mutual nila si Tanaya kaya um-appear ito sa suggestions niya.

Nakangiti ang lalaki sa picture at walang salamin. Ang kaniyang username ay @knrms tapos ang bio niya ay 'justice above all'. Nakaprivate ang account niya kaya hindi makita ni Xand ang mga posts pero madami din naman siyang followers. Mas madami nga lang ang kay Xandrea.

Naisip niya na baka pwede niyang i-dm si Ken tungkol sa payong niya.

Mga ilang minuto ding nagtalo ang isip ni Xand kung dapat ba niyang i-message ang lalaki pero sa huli ay ginawala nalang niya.

To @knrms
dinala ko payong mo kanina. isasauli ko na sana pero hindi naman kita nakita. i'll return it tomorrow.

Inilapag na ni Xandrea ang phone niya sa kama at pinagpatuloy na ang pagpapatuyo sa kaniyang buhok. Pagkatapos ay bumaba pa siya sa dining table para kumuha ng merienda. Wala na naman ang Daddy niya kasi may business trip ito.

Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa kwarto at binuksan ulit ang kaniyang phone.

Nakita niyang nag-reply na si Ken kaya binuksan nito ang message ng lalaki.

From @knrms
Sige

What the fudge? Sige? 'Yon lang 'yong sasabihin niya?

Kumulo na naman ang dugo ni Xandrea dahil sa reply ng lalaki. Para niya naring binastos si Xandrea dahil sa reply nito na hindi man lang gumamit ng po o ng Empress. Ano'ng akala niya? Magkalebel lang sila? Ni ang mga 1st class nga gumagamit pa ng Empress kapag tinatawag siya.

Nagngingitngit na ngayon ang ngipin ni Xandrea dahil sa inis.

Sa bagay, ang dami na ding atraso no'ng lalaking 'yon sa kaniya, pero akala niya sumuko na ang lalaking 'yon nong magsorry siya sa harap ng Devils at nong pinahiram siya nito ng payong.

Kinuha niya ang payong at pinaghahampas-hampas sa kama. Ini-imagine niyang si Ken ang payong.

Natigil lang siya sa ginagawa nang biglang nagvibrate ang kaniyang phone. Kinuha niya ito at binuksan. Nag-text na naman si Trex.

Nang makita ang pangalan ni Trex ay napangiti ito. Nawala agad ang inis niyang naramdaman dahil sa Ken na 'yon.

From Trex:
Musta ang araw natin, Xandy?

To Trex:
okay lang naman. ikaw? may plano ka na ba talagang maging devil?

It was supposed to be a joke from Xandrea but guess what Trex replied.

High SchoolKde žijí příběhy. Začni objevovat