Chapter 14

29 2 0
                                    

"Musta ang school mga anak?" tanong ng Mommy nina Trex at Tanaya sa dalawa.

Kumakain sila ngayon ng hapunan sa kanilang hapag-kainan.

"Okay lang naman, Mommy," sagot ni Tanaya.

"Mabuti naman, anak. Ikaw, Trex?"

Si Trex na ngayon ang binalingan ng kanilang ina pero mukhang hindi naman narinig ni Trex ang tanong nito dahil busy siya kakapindot ng cellphone.

"Anak?"

Pero hindi padin talaga siya sinasagot ni Trex.

"Kuya!" Dahil sa sigaw ni Tanaya ay nakuha ang atensyon ni Trex.

"Ano?!"

"Tinatanong ka ni Mommy."

Napatingin naman si Trex sa kanilang Nanay, "Sorry, My. Ano nga ulit yon?"

"Kumakain tayo dito, Trex, pero busy ka sa kakagamit ng cellphone mo. Ano ba ang sabi ko tungkol diyan? 'Di ba nga bawal magcellphone habang kumakain?"

Pinatay nalang ni Trex ang kaniyang phone at inilapag na ito sa lamesa. "Sorry, My."

"Hay, Kuya. Alam ko si Ate Xandy na naman yang tinitext mo."

Napatingin naman ang dalawa kay Tanaya pagkatapos niyang sabihin ito.

"Xandy? 'Yong anak ni Vergilio?" tanong ng kanilang Ina.

Bigla namang napatakip ng kaniyang bibig si Tanaya dahil sa nasabi.

"Trex, nakikipagkaibigan ka parin sa Xandy na yon?"

"My, ang tagal na ng mga nangyari." Nag-iwas na din si Trex ng kaniyang mukha.

"Ang ibig mong sabihin nakikipagkaibigan ka talaga sa kaniya? Anak naman. Matapos ang ginawa ng Tatay niya sa atin?! Halos apat na taon na pero tandang-tanda ko parin ang kawalang-hiyaan nila sa atin!" Mabilis na ngayon ang paghinga ng kanilang ina dahil sa galit.

Hanggang ngayon ay grabe padin ang pagkamuhi nito sa pamilya ni Xandrea.

"Mommy, kumalma na nga kayo. Hindi ako nakikipagkaibigan sa kaniya. Hindi ko din siya tinitext," pagsisinungaling ni Trex kahit si Xandrea naman talaga ang tinitext nito. Kailangan niyang magsinungaling para tumigil na sa kakaisip tungkol dito ang kanilang ina.

Napatingin naman sa kaniya si Tanaya kaya pinandilatan niya lang ito ng kaniyang mga mata. Nakuha naman ni Tanaya ang gustong sabihin ng Kuya kaya nanahimik nalang ito.

"Siguraduhin mo talaga na totoo yang mga sinasabi mo Trex hah?"

"Oo nga, Mommy. Tsaka ba't hindi yang si Tanaya ang tanungin mo? May bago yang crush ngayon."

Bigla namang napabaling sa kaniya si Tanaya. "Ano'ng pinagsasabi mo, Kuya?"

"Bakit? Palagi mo naman kasi talagang kasama yong classmate mong lalaki eh. Ano nga ulit pangalan non?"

"Hindi ko crush si Ken! Kadiri ka, Kuya!"

"Ah, oo. Ken pala pangalan non."

Ngayon ay kay Tanaya naman napabaling ang kanilang ina. "Totoo ba pinagsasabi nitong Kuya mo, Tanaya?"

"My, naman," halatang naiinis na si Tanaya, "naniniwala ka kay Kuya? Kaibigan ko lang yong si Ken. Pianista din siya ng banda kaya palagi kaming magkasama."

"My, maniwala ka sakin. No'ng akwe namin, di ba tumugtog yong banda nila non? Kumanta yong Ken kasama niya at My, kung nandoon ka lang sana, makikita mo talaga na iba ang tinginan nila habang kumakanta."

High SchoolWhere stories live. Discover now