Chapter 33

24 2 1
                                    

"Hehe. Wala naman talaga akong bibilhin sa NBS. Gusto lang kitang makasama."

Napatigil si Xandrea sa paglalakad dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam ba't bigla atang kumabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib niya matapos itong sabihin ni Ken.

"O? Natigil ka?" tanong ni Ken na may ilang hakbang nang distansiya mula sa kaniya.

Bumalik sa hwesyo si Xandrea nang marinig ang tanong ng lalaki. "W-wala. Wala."

Naglakad nalang siya palapit kay Ken at napagpasyahan na 'wag ng gawing big deal ang sinabi ng lalaki.

Ano naman ngayon kung gusto siyang makasama ni Ken? Baka... masaya lang talaga siyang kasama.

"S-sa'n mo gustong pumunta?" tanong ni Xandrea kahit dama niya padin ang malakas na kalabog ng kaniyang puso.

"Gusto mo department store tayo?"

Tumango nalang si Xandrea kaya nagsimula na silang maglakad sa kalapit lang na department store.

Habang tumitingin-tingin si Ken ng damit ay pasimple lang siyang tinitingnan ng babae. Nag-iisip siya bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon na kasama niya ang lalaki. Hindi naman kasi ganito dati, eh.

"Okay ka lang?" Binalingan siya ni Ken kaya kumalabog na naman bigla ang puso niya.

"H-hah? Ah, oo."

"Talaga? Pansin ko kanina ka pa tahimik, eh."

"Okay lang ako."

Tumango si Ken sa kaniya. "Komportable ka ba sa suot mong uniform? Ako kasi hindi, eh. Bibili nalang sana ako ng pamalit kahit T-shirt lang."

Hanggang ngayon kasi ay nakasuot padin sila ng school uniform ng Wellton.

Si Xandrea ay naka-itim pading palda at sa pang-itaas niya naman ay naka-maroon na blouse at maroon ding neck tie.

Si Ken ay nakaitim ding slacks at maroon na polo pero wala ng neck tie. Kinuha na niya kasi ito kanina at nilagay na sa bag niya.

"Um, 'wag na. Uuwi nadin naman ako pagkatapos natin dito."

Dahil sa sagot ng babae ay napakamot si Ken ng ulo niya. May gusto siyang sabihin sa babae pero nahihiya siya.

"Kasi," ani Ken, "gusto sana kitang ayain pa pagkatapos natin dito."

"Hah? Ayain saan?"

"May malapit kasi ditong lugar na magandang puntahan lalo na tuwing gabi."

And once again, here is Xandrea's heart, beating wildly after hearing Ken's words.

Tama ba narinig ko? Niyayaya niya akong lumabas. Bakit? Hindi ba magagalit si Tanaya? On the second thought, bakit naman magagalit sakin si Tanaya eh lalabas lang naman kaming dalawa bilang magkaibigan? Tama! 'Yon nga 'yon. Lalabas kami bilang magkaibigan.

"May pupuntahan ka ba mamaya?"

Napangiti si Xandrea at umiling. "Wala. Sige. Sasama ako sa'yo."

High SchoolWhere stories live. Discover now