Chapter 45

44 2 0
                                    

"O, kamusta? Masarap ba?" tanong ni Craine sa babaing kaharap ngayon.

Nandito kasi silang dalawa ni Kate sa Japanese restaurant na malapit lang sa Wellton. Naisipan na naman niyang kulitin ang babae para sumamang mananghalian sa kaniya.

Imbis sagutin si Craine ay tinikman lang ulit ni Kate ang pagkain.

"Kung ayaw mo pwedeng lipat nalang tayo," pagtutuloy ni Craine.

"Hindi, Craine. Masarap siya infairness," nakangiting tugon ng babae. "Isa na 'to sa mga favorite ko ngayon. Ano nga ulit pangalan nito?" 

"Nabemono pero mas kilala sa tawag na Oden."

"Masarap siya, hah? Perfect na perfect lalo na sa panahon ngayon na maulan-ulan."

"Buti naman nagustuhan mo. Kinabahan ako baka magsisi kang sumama ka sakin."

Nang marinig ang sinabi ng lalaki ay napatigil si Kate sa pagkain niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ang lalaki at 'di na niya napigilang ngumiti.

"Aish! Ang puso ko," ani Craine habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Dahan-dahan ka naman, Kate. Pakiramdam ko mawawasak na ribcage ko sa lakas ng kabog ng puso ko."

Kate bit the insides of her mouth. Nagpipigil siya ng ngiti dahil sa hirit ng lalaki. "Tumigil ka na, Craine. Kumain ka na diyan. Babalik pa tayo ng school."

"Okay lang. Makita kang busog at masaya okay na sakin."

"Kumain ka na! Hindi ko 'to mauubos," pagtuturo niya sa isang bowl ng Oden na nakalagay sa mesa nila.

"Aww. Concerned siya sakin. Sige na nga. Kakain nalang ako." Nag-umpisa na ngang maglagay ng Oden si Craine sa sarili niyang bowl.

Si Kate naman, napailing nalang sa lalaki. "Baliw."

"Sa'yo."

Hindi niya inasahan na hihirit na naman ang lalaki kaya napatigil uli siya.

"Uyy. Kinikilig."

Imbis sagutin ang lalaki'y sinamaan niya lang ito ng tingin. Mabuti nalang at tumigil din naman agad ang lalaki sa mga pagbibiro niya kaya nakakain siya ng maayos.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang may naisipan si Kate na itanong sa lalaki. "Craine."

"Umh?"

"Kamusta na pala si Empress?"

Hindi inasahan ni Craine ang naging tanong ni Kate kaya sandali siyang natahimik.

Dapat ba niyang sabihin ang totoo?

"Ah, medyo okay naman siya ngayon."

"Talaga?"

"Oo, bakit?"

"Pansin ko kasi parang bumalik na naman siya sa dati. I mean, ganiyan din naman talaga siya nong una pero kasi napansin ko, ilang buwan nadin siyang palaging nakangiti tapos hindi na naglalagay nong eyeliner pero nitong mga nagdaang araw, napapansin kong bumabalik na naman siya don."

Napaiwas ng tingin si Craine dahil sa mga sinabi ni Kate. Ayaw niya kasi sanang sabihin dito na may problema nga talaga si Xandrea. Wala naman kasi siyang karapatan na ipagsabi ang pinagdadaanan ng kaibigan kahit pa gusto niya si Kate.

"May... may problema ata siya ngayon pero kasi, wala ako sa posisyong ipagsabi 'yon."

"No worries, Craine. Alam ko naman 'yon, e. Gusto ko lang talagang malaman kung may problema ba talaga siya. Tsaka, sana... maging okay na siya agad."

"Sana nga." Pagkatapos ay nginitian ni Craine si Kate. "Pero teka nga, ako kasama mo pero si Xandrea padin ang pinag-uusapan natin. Nakakahalata na ako."

High SchoolHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin