Chapter 31

31 2 0
                                    

"Bakit kayo magkasama?" kunot-noong tanong ni Venice habang nakatigin padin sa dalawa.

"Ah, kasi..." Nahihirapang maghanap ng mga salita si Xandrea.

"Okay na kayo?" tanong ulit ni Venice.

Tumango nalang si Xandrea bilang tugon.

"Pa'no? Kelan? Pa'no nangyari?"

"Bukas ko nalang ikukwento, Nice." Sa wakas ay nakapagsalita na din ng tuwid si Xandrea.

"Okay?" Venice respond even if she's still in disbelief.

"Uuwi na kami."

"Kami? You mean, ikaw at siya?" tinuro ni Venice si Ken.

Xandrea gulped and nodded again as a response.

Teka nga, bakit siya kinakabahan? Ano naman kung nakita sila ni Venice na magkasama? Ano naman ngayon kung sasabihin niya na magkaibigan na sila ni Ken?

"Yah," Xandrea answered, "sasabay sakin si Ken. Madadaanan ko naman kasi ang village niya kaya sasabay na siya sakin."

Nadagdagan pa ang gulat ni Venice. Kung sasabay sa kaniya si Ken, ang ibig sabihin lang non magkaibigan na talaga sila?

Bihira lang magkaroon ng kaibigan ang Empress na hindi Devil.

"Una na kami, Nice. Umuwi ka nadin. Gabi na."

Hindi na hinintay ni Xandrea ang sagot ng kaibigan. Pumasok na siya sa kotse at ganon na din ang ginawa ni Ken.

Ilang sandali pa'y nakaalis na ang sasakyan pero si Venice hindi pa din makapaniwala sa nakita at nalaman.

Mukhang kailangan niya talagang kausapin ng masinsinan si Xand bukas.

+

Kinabukasan, pumasok si Xandrea na-on time lang para sa unang klase kaya hindi siya nakausap ni Venice.

Kitang-kita ni Xandrea ang mga tingin na ipinupukol sa kaniya ng kaibigan pero iniwasan niya nalang ito.

Dumating ang recess break at sa wakas ay nakakuha na ng pagkakataon si Venice para makausap si Xandrea.

"Gusto niyong pumunta sa cafeteria para bumili ng snacks?" tanong ni Craine kina Venice at Xandrea.

"No, Babe. May pag-uusapan kasi kami ni Xand."

Dahil sa sagot ni Venice ay naisip ni Xand na wala na nga siyang kawala ngayon kaya kakausapin niya nalang ang kaibigan.

"Hah? Pag-uusapan?" pagtataka ni Craine. "Tungkol saan?"

Hinarap ni Venice ang boyfriend. "It's a girl's thing, Babe. Pumunta ka na muna nang cafeteria kung gusto mo."

Bagamat nagtataka padin ay iniwan na lang ni Craine ang dalawa dahil mukhang seryoso nga ang pag-uusapan ng mga ito.

"Xand?" Kinausap na ni Venice si Xandrea nang makaalis si Craine.

"Bakit?" tanong pabalik ni Xandrea.

"Ano 'yong kagabi? Bakit magkasama kayo no'ng Ken?"

"Kasama ko siya sa quiz bee team, Venice."

"And so? Sapat bang rason 'yan para maging ganon kayo ka-close? At sumabay pa talaga siya sa'yo sa pag-uwi kagabi hah?"

"Eh, ano ngayon, Venice?" Hindi na naman napigilan ni Xandrea ang init ng ulo. Sa tono kasi ng pananalita ni Venice, parang sinasabi niyang maling-mali ang ginawa ni Xandrea.

"Ano'ng ano, Xand? Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa niya sa atin?"

"He's a good person, Venice. Tayo pa nga ang muntik ng makapatay sa kaniya dahil hindi niyo inalam na may asthma siya."

High SchoolWhere stories live. Discover now