Chapter 34

25 3 2
                                    

"Dinala mo nadin ba si Tanaya dito?"

Nakaupo na ngayon sina Xandrea at Ken sa isa sa mga benches malapit lang sa stage kung saan kumanta kanina ang lalaki.

Kanina pa sila tahimik, at dahil gusto ni Xandrea ibsan ang katahimikan, nag-isip siya ng bagay na pwedeng mapag-usapan at bigla niyang naisip si Tanaya.

Agad namang napaharap sa kaniya ang lalaki nang marinig ang tanong nito. "Did I hear right? Tinatanong mo ko kung dinala ko nadin dito si Tanaya?"

Tumango ang babae bilang tugon.

"Bakit ko naman siya dadalhin dito?"

"Hah? Akala ko ba nililigawan mo siya?"

"Ano?!" Hindi na napigilang magulat ni Ken. "Sino'ng may sabing nililigawan ko siya?"

"I just heard last week no'ng pumunta ako sa bahay nila. Tumawag ka tapos tinukso ka nila Sean bilang manliligaw ni Tanaya."

Biglang naalala ni Ken na noong tumawag nga siya kay Tanaya last week, ang dami niyang narinig na tukso galing sa kabilang linya. "'Yon pala 'yon."

"So, you're really courting her?"

Ken smiled unbelievably while taking his glasses off. "No, I am not. Magkaibigan lang kami ni Tanaya. Namimis-interpret lang siguro nila kasi palagi kaming magkasama."

Nang marinig ang eksplenasiyon ng lalaki ay ramdam ni Xandrea ang pagkabunot ng tinik galing sa puso niya. Kanina padin kasi bumabagabag sa kaniya ang pag-iisip na parang pangit tingnan na lumalabas sila ni Ken kahit may nililigawan na ito.

"Ikaw?"

Napatingin si Xand sa lalaki matapos siya nitong tanungin.

"Nanliligaw sa'yo si Trex?"

Natigilan ulit si Xandrea sa tanong ng lalaki.

Kailangan niya bang sabihin ang totoo?

"Ah, o-oo."

"Kaya pala. Alam mo bang usap-usapan kayo palagi sa school? Sabi nila, once na maging kayo ni Trex, magme-merge nadin sunod ang grupo niyo tapos mas magiging makapangyarihan pa ang grupo niyo."

Napatingin lang si Xandrea sa malayo. Hindi naman siya bingi at bulag para hindi malaman na ito nga ang usap-usapan ng mga estudyante tungkol sa kanila.

Napansin ni Ken na mukhang ayaw itong pag-usapan ni Xandrea kaya iniba nalang niya ang usapan. "Tapos na ang quiz bee. Tapos na ang 2 weeks na bawat maghapon tayong nagkikita."

Bumaling ulit sa kaniya ang babae. "Ano naman ngayon?"

"Wala na tayong rason para magkita."

Silence once again filled the atmosphere. Ngayon lang ata naisip ni Xandrea na wala na nga silang rason para magkita pa ng lalaki.

Is this good bye for the two of them?

Pareho padin silang hindi nakakahanap ng tamang salitang dapat sabihin nang biglang mag-vibrate ang hawak na phone ni Xandrea.

Tiningnan niya ang caller ID at nakabalandra sa screen ng phone niya ang pangalan ni Trex.

She immediately glanced at Ken and she saw that the guy is also staring on her phone screen. Pagkatapos ay tiningnan din siya ng lalaki at tinanguan na parang nagsasabi na sagutin na niya ang tawag.

Tumayo siya at lumayo ng kunti kay Ken pagkatapos ay sinagot na ang tawag.

"Hello, Trex?"

"Hi, Xandy. May ginagawa ka pa ba?"

High SchoolWhere stories live. Discover now