Chapter 35

26 2 0
                                    

Ilang araw na ang nagdaan na hindi padin nagpaparamdam si Ken kay Xandrea. Palaging umaasa ang babae na kahit i-DM o i-chat man lang siya ng lalaki pero hindi naman nangyayari. Palagi ding nakabantay sa school si Xandrea kasi nga baka makita niya ang lalaki dito pero ni anino nito hindi niya nakita.

Napag-isip-isip ni Xandrea na baka nga natapos na talaga ang pagkakaibigan na meron sila ni Ken.

Sa mga araw na naghihintay si Xandrea ng kumusta galing kay Ken, andiyan naman palagi si Trex, pinapasaya siya, gaya ngayon.

Habang nakaupo siya't kunwaring nakikinig sa lecture ng teacher, hawak niya ang phone niya dahil kinukulit na naman siya ng lalaki sa text.

Trex:
Xand, knock knock.

Xandrea:
tumigil ka na! may klase ako! hindi ako makapagfocus dahil sa kakulitan mo!

Trex:
:( Sige na kasi.

Xandrea:
kainis ka naman, eh! last na talaga 'to.

Xandrea:
WHO'S THERE?!

Trex:
Galet na galet? Ustong manaket?

Trex:
Joke. Ito na talaga.
'Nanay ni Wally'

Xandrea:
humanda ka pag-corney na naman 'to!
nanay ni wally who?

Trex:
Nanay ni Wally na ako sa forever, magmula nong makilala kita.

Dahil sa nabasa ay impit na napatawa si Xandrea pero agad niya namang pinigilan ang sarili ng mapatingin sa kaniya ang teacher.

Goodness. Muntik na 'yon.

Xandrea:
walang kwenta, trex.

Trex:
Talaga? Akala ko effective. Sige. Isa pa.

Xandrea:
bye na.

Trex:
Wait! Isa pa. Knock knock.

Tiningnan lang ni Xandrea ang kaniyang phone habang natatawa. Wala na siyang balak reply-an ang lalaki kasi nga makikinig na siya sa lecture.

Trex:
Sige, Trex. Who's there?

Trex:
Silver swan.

Trex:
Silver swan who?

Nababaliw na 'tong lalaking 'to. Kinakausap ang sarili.

Trex:
Kakanta na si Justin Bieber.

Trex:
My Mama don't like you, she likes silver swan.

Nagpipigil na naman ang babae ng tawa matapos mabasa ang joke ni Trex.

Baliw talaga 'tong isang 'to.

Trex:
Xand, alam mo kung ano ang Korean tea?

Aba't hindi padin talaga titigil ang isang 'to. Wala ng nagawa si Xandrea kundi magtipa nalang ulit ng mensahe.

Xandrea:
oo, trex. alam ko ang korean tea kaya tumigil ka na!

Trex:
Talaga? Ano ba 'yon?

Xandrea:
duh. ede tsaa ng mga koryano.

Trex:
'Yon ba 'yon? Akala ko kasi 'yon 'yong wala kapag brownout. Korean tea. Hehe.

Napasapo na si Xandrea ng mukha niya. Kanina pa siya nagpipigil ng tawa at pakiramdam niya'y isang tulak nalang ay tatawa na talaga siya ng pagkalakas-lakas.

High Schoolحيث تعيش القصص. اكتشف الآن