Chapter 44

28 1 0
                                    

Since that night when Venice chose to forgive both Xandrea and Craine for the conflict that had happened in the past, everything went good between the three of them. Bumalik na ang relasyon nilang tatlo at mas tumibay pa nga ata ito pagkatapos ng mga nangyari.

Pero kalakip ng pagpapatawad niya sa dalawa ang makitang masaya na nga talaga si Craine sa iba.

"Oh, sorry. I didn't see you," agad na paghingi ni Venice ng depensa sa babae nang mabangga niya ito paglabas ng classroom.

"Ah, o-okay lang po." Halata ang kaba sa boses ng babaing kaharap niya.

"Kate!"

Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita nila si Craine na papalapit sa pwesto nila.

"You're just right on time," wika ni Craine kay Kate nang makalapit na ito sa pinto.

"Ano na'ng iuutos mo, Craine?" tanong ni Kate.

"Wala. Pinapunta lang kita dito kasi gusto kitang ayaing lumabas."

Nang marinig ang sinabi ng dating boyfriend ay nakaramdam si Venice ng kirot sa puso niya.

Dati kasi no'ng sila pa ng lalaki, halos wala siyang matandaan na inaya siya ni Craine na lumabas. Palaging siya ang gumagawa ng effort para ayain ito, pero ngayon, ang lalaki na mismo ang nang-aya kaso hindi sa kaniya kundi sa ibang babae.

Nakita ni Venice kung pa'no siya binalingan ni Kate na para bang nag-aalala.

Narinig niya nalang sunod na kinausap na siya ni Craine. "O, Nice? Andito ka pala? Sorry. Hindi agad kita napansin."

"O-okay lang. Paalis nadin naman ako, e." Nagpakawala si Venice ng isang pilit na ngiti pagkatapos ay hindi na niya hinintay ang sagot ni Craine bago siya magpaalam. "A-alis na ako. Punta pa kong office."

"Sige. Ingat, Nice," paalam ni Craine sa kaniya na para bang hindi siya naiilang sa sitwasyon nila.

Tumalikod na si Venice at nag-umpisa ng maglakad pero rinig na rinig parin niya ang usapan ng dalawa.

"Akala ko ba may iuutos ka? Sinasayang mo lang oras ko, e."

"Kaya nga para hindi masayang ang oras mo, sumama ka na sakin. Kain tayo sa labas."

"Tinatamad ako, Craine. Araw-araw mo nalang ba akong kukulitin?"

"Pa'no kung sabihin kong oo?"

"Kainis ka naman, e!"

"Kunwari ka pa e deep inside alam kong kinikilig ka naman."

"Ang kapal-kapal mo talaga!"

Narinig niya pang tumawa ang lalaki pagkatapos non.

Mapait na napangiti si Venice. Masakit man para sa kaniya pero kitang-kita niya ang saya ni Craine kay Kate, saya na hindi niya nakita sa lalaki noong sila pa.

Nakarating si Venice sa elevator. Pagpasok dito ay nasilayan niya ulit ang ngiti ng lalaki habang kausap si Kate.

Kasabay ng pagsirado ng elevator ang pagtulo ng luhang kanina niya pa pinipigilan.

Pakiramdam niya'y dinudurog ang puso niya dahil sa nararamdamang sakit.

Oo, pinatawad na niya ang lalaki.

Oo, pinalaya na na niya ito.

Pero mahal niya padin talaga si Craine, e. Mahal na mahal niya padin si Craine, at makitang masaya na ito sa iba, sobrang sakit ang dala para sa kaniya.

Nagdaan ang mga araw na pakiramdam ni Venice, pinipeke nalang niya ang mga ngiti at tawa niya lalo na pagkaharap si Craine.

Ang akala ng lahat, okay na siya. Ang akala nila, tanggap na niya. Akala niya din no'ng una, e. Akala niya okay na siya pero ang totoo pala'y pilit niya lang kinakalimutan ang nararamdaman.

High SchoolOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz