Chapter 32

25 1 2
                                    

"Wala pa po ba ang hinihintay niyo? Pasensya na po pero nagrereklamo na ang ibang school," wika ng facilitator.

Inilibot nila Xandrea ang mga paningin at nakita nilang masama na nga ang tingin ng ibang participants at coaches sa grupo nila.

"Ma'am, please give us another five minutes." Ipinagsalikop ni Sir Lee ang kaniyang mga palad habang kinakausap ang facilitator.

"I'm sorry, Sir Lee, but we already gave you extra five minutes to wait for that one participant of yours. Pasensya na po pero madidisqualify na kayo."

The moment the facilitator ended what she said, they've heard a shout coming from a guy. "I'm here!"

Agad napabaling ang mga tao sa lalaking sumigaw.

Nakita nila si Ken, tumatakbo palapit sa kanila.

Nang makita ang lalaki, walang ibang naramdaman si Xandrea kundi saya. Ang akala niya talaga may nangyari nang masama kay Ken.

Ang iba pa nilang kasamahan at si Sir Lee, nakahinga nadin ng maluwag matapos makita ang lalaki.

"I'm sorry for being late," wika agad ni Ken nang makalapit siya sa pwesto ng mga kasamahan.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ka nalate? May nangyari bang masama?" Pinaulanan ni Xandrea ng mga tanong ang lalaki.

"Sorry, but we don't have time for chitchats," wika ng facilitator. "Mr. Ramos is here so we will start the quiz bee."

Umalis na ang facilitator at naupo na sa kanilang pwesto ang anim na estudyante.

"Buti nakaabot kang bata ka! Lagot ka sakin mamaya." Bagamat galit pa ay naglakad na papuntang upuan niya si Sir Lee dahil mag-uumpisa na ang quiz bee.

"Ken, pinakaba mo kami." -Xandrea

"I'm really sorry, Xand. May nangyari lang kasi. Kwento ko mamaya pagkatapos natin dito.

Tumango nalang si Xandrea at pinakalma ang sarili dahil magsisimula na ang competition.

+

"Participants for Grade 9, please proceed to Room 211. We will start at exactly 8:15 AM."

"Kate, pumasok ka na," ani Sir Jigz. "Good luck."

Kahit kinakabahan ay ngumiti padin si Kate bilang tugon sa coach. "Salamat, Sir."

Akmang papasok na sana si Kate sa loob ng Room 211 nang dumating ang naghahabol ng kaniyang hininga na si Craine. Kakarating niya lang at mukhang pagod na pagod siya.

"Sir, hindi pa naman nag-uumpisa ang sakin 'di ba?" Craine asked Sir Jigz.

"Not yet, Craine. 9:45 pa ang sa'yo sa Room 210."

Nakita ni Kate kung paano nakahinga ng maliwag ang lalaki dahil sa sinabi ni Sir Jigz.

Imbis umalis na ay naestatwa lang si Kate sa pwesto. Nakakahiya mang aminin pero bago siya umalis, gusto niyang kausapin siya muna ni Craine at sabihan ng 'good luck'.

Nanatili siyang nakatayo sa pwesto at tinitingnan si Craine. 'Di nagtagal ay napatingin din sa kaniya ang lalaki. Nakita ni Kate ang pagdaan ng gulat sa mukha ng lalaki pero ilang sandali lamg ito dahil ibinalik niya agad ang ekspresyon ng kaniyang mukha na parang nagsasabing wala siyang pakialam na nakita niya ang babae.

Ganitong-ganito ang mga tinging ipinupukol sa kaniya ni Craine nitong mga nagdaang araw.

"Kate, ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na." -Sir Jigz

Kate gulped and then she nodded to Sir Jigz.

Iniwasan na niya ng tingin si Craine at nagsimula nang maglakad papasok ng classroom.

High SchoolWhere stories live. Discover now