Chapter 26

25 2 2
                                    

"G! What are we going to talk about?"

"This little love-hate relationship we have," agad na sagot ni Ken.

Nanlaki naman ang mata ni Xandrea dahil sa isinagot ng lalaki.

"O?" wika ulit ni Ken. "Ba't parang gulat na gulat ka ata diyan?"

"Bakit love-hate relationship? Excuse me, Mr. Ramos, pero hate relationship lang ang meron tayo. Wala ang love kaya ayus-ayosin mo 'yang mga salita mo."

Ken was taken abacked because of what Xandrea said.

Nasabi ko ba talagang love-hate relationship? Naku naman. Ang tanga.

"Oh ano?" wika ulit ni Xandrea na ngayo'y may maliit nang ngisi sa lalaki. "Aamin ka na ngayon na type mo talaga ako?"

Natigilan si Ken.

Si Xandrea naman hinihintay lang ang sagot niya.

Ilang segundo pang katahimikan ang namayani sa kanila nang nagsimulang magpakawala ng halakhak si Ken. Tumatawa na ito ngayon na parang wala nang bukas.

Nagtatakang tiningnan lang siya ni Xandrea.

Baliw ba 'tong isang 'to?

Ilang segundo pa nang magsalita uli ito kahit hawak-hawak niya padin ang tiyan. Nasobrahan ata sa kakatawa. "Iniisip mo talagang type kita? Mahiya ka naman, uy!"

Xandrea rolled her eyes and avoided Ken's gaze. "Bahala ka na nga diyan, baliw! Kausapin mo mukha mo."

Nagsimula namang maglakad si Ken palapit kay Xandrea.

Biglang kinabahan ang babae sa ginawa niya.

Kinuha ng lalaki ang isang upuan at inilagay ito sa mesa katapat ng upuan ni Xandrea.

"Ano?!" Xandrea scowled at him.

"Hindi ko napansin na love-hate relationship pala nasabi ko. Sorry."

Tiningnan lang siya ng dalaga matapos siyang mag-sorry. "Sincere ka ba talaga diyan sa sorry mo?"

"Hah?"

"Nag-sorry ka din kasi dati 'di ba? 'Yong sa cafeteria, pero tingnan mo naman ngayon. Inaaway mo padin ako."

Naalala bigla ni Ken ang ginawa niyang pag-sorry kay Xandrea.

Hindi sincere? Kung hindi pala ako sincere don, ba't nandito ako ngayon kasama ka?

Imbis sabihin 'yon ni Ken ay napangiti lang siya sa babae at iniba na ang topic. "May naisip akong laro."

Kumunot ulit ang noo ni Xandrea. "Ano naman?"

"2 truths, 1 lie."

Natawa si Xandrea sa isinagot ng lalaki. "Wow hah. Pang-Junior High talaga na laro ang naiisip mo."

"'Wag mo kong umpisahan, Xandrea. Mag-aaway at mag-aaway nalang talaga tayo kapag ganiyan ka."

"Bahala ka. Yoko ngang maglaro."

"Ba naman, Xandrea. Nag-ieffort na nga ako para magkabati tayo. Ano'ng gusto mo? Magiging magkawaay nalang tayo habang-buhay? Okay lang naman sana kung wala lang quiz bee. Pero meron, at kailangan na nating mag-ayos kung ayaw nating masira ang chemistry ng grupo at matalo tayo."

"Ang haba ng speech mo, Angel. Geh na. Maglaro na tayo. Mauna ka na."

"Wait lang. Ano ulit tawag mo sakin? Angel?"

"Tss. You're claiming that you're an angel 'di ba? Kaya sige na."

Napangiti naman si Ken pero hindi niya nalang pinahalata sa dalaga.

High SchoolWhere stories live. Discover now