Timeless I: 06

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumatawa naman ako habang nililigpit ang pinagkainan namin, dumadami na rin ang nasa room habang naka-P.E uniform na.

“Rui, tara sa banyo,” yaya ko na nagpalaki sa mga mata niya habang ang mukha ay hindi maipinta.

Anong nangyari sa kaniya?

“Rui—”

Mabilis naman siyang tumayo saka lumabas habang dala-dala ang P.E uniform niya kaya napasunod ako.

Ang corridor na nagmumukhang palengke dahil sa mga ingay at mga estudyanteng nakakalat ay bigla na lang naging isang corridor na dinaanan ng bagyo.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa lakas ng impact ni Rui sa mga estudyante, at least madali lang kaming makakabihis.

Nandito na kami ngayon sa covered court at handa ng maglaro ang lahat except sa akin na nada gilid lang at nakaupo. Hindi ko rin alam kung nasaan si Rui dahil nawala lang ito na parang bula. Wala pa akong racket, hindi pa ako nakakabili dahil hindi sapat ang sweldo ko sa part-time job kaya manghihiram nalang ako sa kaklase ko kapag tapos na sila.

“Aray!” inis na sigaw ko nang may lumipad na racket sa ulo ko kaya inis akong napabaling sa nagtapon nito at nakita ko si Rui na nakangisi sa akin.

Tahimik lang ako rito tapos guguluhin mo ako?

Inis ko namang pinulot ang racket at saka sinamaan siya ng tingin pero patuloy lang pa rin ang pagngisi niya sa akin kaya akmang hahampasin ko siya sa racket pero agad siyang tumakbo kaya hinabol ko siya.

Habol lang ako nang habol sa kaniya at hindi ko na inabalang tingnan ang mga kaklase kong naglalaro. Napangisi naman ako nang huminto siya kaya hinampas ko siya pero bl-in-ocked niya ito gamit ang racket na dala niya. Tumatawa lang siya habang nakipag-espadahan este nakipag-racket-an sa akin. Hindi ko na napapansin kung nasaan na kami dahil patuloy lang siya sa pag-atras habang ako naman ay sinusugod siya.

Tawa lang siya nang tawa habang ako ay naiinis na. Ang init-init tapos binato niya pa ako? Mas lalo kong nilagyan ng force ang paghahampas kaya mas lalong maririnig ang ingay ng mga racket.

“Fuck—” murang daing ni Rui saka napatumba kaya napasunod din ako dahil nawalan ako ng balanse.

Buti na lang at hindi ako bumagsak sa semento.

Ha?

Napatingin naman ako sa binagsakan ko at nakita ko ang nakangiwing si Rui kaya dali-dali akong tumayo at tinulungan siya.

“Ang bigat mo!” reklamong singhal niya sa akin habang tumatawa na nagpahinto sa akin dahil naramdaman ko ang dapat na hindi ko maramdaman.

Napayuko na lang ako. Dada siya nang dada pero hindi ko naririnig dahil ang naririnig ko lang ay ang nakakabinging pitik ng puso ko, sa sobrang bilis nito ay parang kahit anong oras aatakihin ako. Napalayo naman ako agad nang may maramdaman akong ahas na napakabilis na nasa kamay ko papunta sa puso ko nung hawakan ni Rui ang kamay ko. Atras lang ako nang atras saka tumakbo papalayo.

Mali ’to! Kontento na akong maging kaibigan siya.

Rui’s Point Of View

“Rui!” salubong na tawag ni Waks, isa sa mga tagapaglingkod ni Daddy. “S-sorry,” hingi ng tawad niya habang nakayuko nang tiningnan ko siya ng masama.

“Update?”

Napatingin naman siya sa akin. “Nagtatrabaho siya sa isang convenience store na located sa East Street, 6:00PM hanggang 11:00PM saka wala siyang parents na kasam—”

“Enough.” Napatigil naman siya sa pagsasalita.
“Waks! Bakit hindi mo nilinis ang kuwarto?” galit na sigaw ni Kuya Rein kay Waks kaya agad na napatakbo si Waks papunta sa taas.

I investigated Kit because I was just curious. He always smile but the pain was obvious in his eyes.

I’m still irritated because I don’t know what’s going on with that Kit. He suddenly became cold to me and what I hated was that he did not give a reason why he was like that and just left me.

“What’s with those frowns, young man?” salubong na tanong ni Daddy sa akin habang seryosong nakatingin sa akin pero hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lang.

“Nakakapagtaka lang na naging ganiyan ka, Rui, at narinig ko rin na may nangungulit sa ’yo.”

I stopped. Bakit niya alam?

“Gusto mo bang—”

Agad ko naman siyang nilingon. “Huwag niyo siyang sasaktan!”

“Really? Is he something dear to you?” natatawang tanong ni Dad saka matalim akong tiningnan.

“He’s nothing.”

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon