I'm Just A Transferee: Kabanata XII

Começar do início
                                    

"Sige ho, aalis na po ako." Paalam ko bago tumalikod.

Bukal sa loob ko ang magbigay, dahil hindi ako makakain at hahayaang mabusog ang sarili ko habang may nakikita akong mga taong nagugutom sa paligid ko. Ayos lang na ako yung magutom, wag lang sila.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa kalsada bago umusad ang trapiko, kaya pasado 7:45 na ng gabi ako nakarating. Hindi pa man ako nakakapasok sa restaurant ay naaaninag ko na ang bulto ng isang lalaki sa may glass door nito.

Nakasandal ito at patingin tingin sa telepono na nakakunot ang noo. Agad ko namang hinanap ang aking telepono at binuksan ito.

50 unread messages and 95 missed calls na galing lamang sa iisang tao. Walang iba kundi ang lalaking naka sandal ngayon sa may pinto ng isang mamahaling restaurant.

"Good evening." Banggit ko ng makalapit sakanya. Hindi niya man lang ako na-pansin dahil abala parin ito sa pagtingin sa kanyang telepono.

"Sh*t, I thought something bad happened to you already." He said and pulled me towards him and hugged me tight.

"Traffic." I said and hugged him back.

"Are you okay? Are you hurt? Where? I'm goi--" sunod sunod na sinabi nito kaya tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya.

"Hush, I'm fine." Sabi ko at inalis ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Let's go inside?" dagdag na alok ko pa. Agad naman nitong hinawakan ang aking kamay at iginiya ako papasok sa restaurant at pag upo sa upuan ng table na ipina-reserve niya.

Nag order na ito at tinanong din ako kung ano ang gusto kong kainin.

"Pareho na lang nung sayo." Sabi ko at binasa isa isa ang mga text nito sa akin kanina.

From Herrand:

'Where are you?'

'Matagal ka pa ba?'

'Baby, I'm worried sick.'

'Sunduin na ba kita?'

'Please, text me back.'

'I'm going to be crazy here.'

Ilan lamang iyan sa mga mensahe nito.

"Bat hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong nito at muling hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.

"Uh, I left my phone inside the car. May nakita kasi akong mag ina sa gilid ng kalsada, so I decided to give them some food to eat, nakalimutan kong nasa passenger seat pala yung cellphone ko." Paliwanag ko dito.

"You help them by giving some food?" paniniguro nito.

"Yes, buti nga at may extra food pa ako sa kotse kanina eh." Nakita ko kung paano ito ngumiti dahil sa narinig.

"You are a kind person baby, and I'm proud that you're mine." Nakangiting sabi nito at dinala ang kamay ko sa labi niya para halikan ito.

Batid kong namula ang aking mukha dahil dito kaya yumuko nalamang ako.

Dumating na din ang inorder naming pagkain kaya nagsimula na kaming kainin ito. Naging tahimik lamang kami dahil na rin sa nakagawian ko ng wag masyadong nagsasalita sa harap ng pagkain.

Nang matapos ako ay tinignan ko siya na nakatingin din pala sa akin. Napansin ko ring tapos na ito sa kanyang pagkain at iniinom na ang kanyang Ice tea.

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.

Ilang sandali pa ng bigla kong naalala na may sasabihin nga pala ako sa kanya.

"Ahm Herrand, I have to tell you something," panimula ko. Tumingin naman ito sakin ng nagtatakang tingin.

"What is that?" tanging tugon nito.

"I am a---" hindi ko pa nga natatapos ang aking sasabihin ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha at nakakunot noong binasa kung sino ang tumawag.

"I'm sorry, I have to take this call." Paalam niya na tinanguan ko naman. Lumayo ito sa akin at pumunta malapit sa bintana.

Siguro ay napakaimportante ng tawag na iyon at ayaw nitong iparinig sa akin. Huminga ako ng malalim at itinuon na lang ang aking paningin sa aking mga daliri.

"I'm sorry baby, but I have to go home na. Tara ihatid na muna kita?" paumanhin nito.

Nadismaya man sa sinabi ay tumango nalamang ako.

"But I have my car with me." Pagpapaalala ko dito.

"It's okay, you'll drive your car, susunod lang ako sa iyo."

"But, mapa palayo kapa. Importante yata ang lakad mo." Pagtutol ko.

"No, it's fine." He insisted.

Wala akong ibang magawa kundi ang pumayag nalamang sa sinabi nito.

Gaya nga ng gusto niya, nag dadrive ako habang siya naman ay nasa likod lamang ng kotse ko at minamaneho ang kanyang MUx na kotse.Nang makarating sa tapat ng mansyon ay bumusina ito kaya hininto ko ang sasakyan sa labas ng gate. Bumaba ako ng makita ko siyang naglakad papalapit sa pinto ng kotse ko.

"I'm sorry about this, may emergency lang." Paumanhin muli nito.

"Pero, yung sasabihin ko sayo kani--" sabi ko pa ngunit sumingit na ito.

"Can you tell me about it the day after tomorrow?" pagsasabi nito. Kita ko sa mga kilos nito na nagmamadali siya kaya hindi nalang ako mag pupumilit.

"Okay." Sabi ko.

"Bye, see you on Monday baby, I love you." Sabi nito at hinalikan ako sa noo. Hindi pa man ako sumasagot ay naglakad na ito patalikod sakin at mabilis na pinaandar ang kotse. Dalawang beses pa itong bumusina bago ako lagpasan.

Walang gana akong sumakay muli sa kotse at pumasok sa gate. Sinalubong naman ako ng isang bodyguard kaya binigay ko dito ang susi ng kotse at pumasok na sa loob.Wala na akong nadatnan pa sa sala dahil sigurado akong tulog na sila momma. Umakyat na lamang ako sa kwarto at hinanda ang sarili sa pagtulog.

Naligo ako na ang tanging nasa isip ay kung bakit nagmamadali si Herrand at nagpaplano kung paano ko ba sasabihin sa kanya.

Handa na sana akong sabihin kanina kaso naputol pa.

Pagkatapos kong magbihis ay hinanap ko ang kontrata na pinirmahan ko galing sa Jung-Park Clothing company. Binasa ko ang detalye nito, napasapo nalamang ako sa noo ko at nahilamos ko nalamang ang mga palad ko sa aking mukha ng malamang kina Herrand nga ang company na yun.

Itinago ko na ang papeles at pagod na humiga sa kama. Batid kong pag nalaman niya ito sa iba ay magagalit siya. I have to tell him immediately.

Kinuha ko ang cellphone sa bag and I dial Herrand's number. Nagriring lang ito at walang sumasagot. Tanging pa ulit ulit na ring lamang at ng pang sampung tawag ko na ay pinatay na siguro ang telepono dahil hindi ko na ito natawagan.Nakatulog ako na nasa tabi ko lamang ang cellphone, naghihintay kung sakaling tatawag ba sakin si Herrand pero hindi nangyari.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Onde histórias criam vida. Descubra agora