Chapter 60: Mess

Magsimula sa umpisa
                                    

“Sssssh. Tito, quiet ka lang. May makarinig sayo eh. At saka papahirapan ko naman siya ng kaunti. Konting konti lang.” Sabi ko sakanya ng mahina. Tumawa lang si Tito.

“At saka Tito don’t worry dahil sasama na ako sa kanya next week. Papahirapan ko lang ng kaunti saka narealize ko na hindi ko naman matitiis na ganito kami. Magdusa muna siya sa kasalanan niya.” At para akong baliw na tumatawa. Napailing si Tito at bago pa man siya makasalita ay nagpaalam na ako sa kanya dahil alam kong sesermunan na naman ako nun.

Pagdaan ko sa may main entrance ng simbahan ay may nakita akong bulto ng lalaki papalapit sa akin. Nang malapit na ito ay saka ko nalaman na si Aries pala ito.

“Aries!” tawag ko sa kanya.

Sinalubong niya naman ako ng may ngiti sa labi niya. “Hi Euphy!”

“May kailangan ka ba kay Tito? Wait lang at tatawagin k—“

“Wait. Hindi ang tito mo ang pinunta ko dito. Uhm, gusto sana kitang makausap Euphy”

“Huh? Ahm, sige. Doon tayo sa may lobby”

Tahimik kaming naglakad at naupo samantalang bigla na lang na lumakas ang kabog ng dibdib ko. Wala akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin kaya di ko maiwasan ang mag-alala.

“Uhm, a-ano ba yung gusto mong sabihin sakin Aries?” mas kinakabahan ako sa mga bibitawan niyang salita. Hindi ko alam kung bakit.

“K-kasi.. wait, nasan yung asawa mo?” tanong niya.

“Nasa kwarto niya, natutulog...yata. So, bakit gusto mo kong makausap?” hinarap ko siya samantalang bumuntong hininga lang si Aries.

“Wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo. Alam mo di ko aakalaing mag-aasawa ka kaagad. Parang kailan lang nung nagkakilala tayo tapos niligawan kita at sa isang iglap naging tayo.” Okay, this is becoming more awkward for me. Ano ba talagang gustong iparating niya sa akin?

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon