Chapter 15: CHEAT

60 8 0
                                    


CHAPTER 15: CHEAT

***

“Ilan ba kayo?”

“Pito po.” Yoshi answered fixing his black-tinted glasses. The woman on the lobby raised an eyebrow skeptically while checking him out.

“Sigurado kayong, isang kwarto lang gagamitin nyo?”

“Opo. Wala po kasi kaming pambayad para sa isa pang kwarto.” Nakangiting paliwanag ng binata. Pero sa loob-loob niya, kinakabahan na sya. Naghahanap kasi sila ng kwartong pwede nilang palipasan ng gabi dito sa bayan. Harans are everywhere, one wrong move and they’d be in deep trouble. Kahit yung may-ari ng bahay tanggapan ay taga-Hara. Wala silang choice kundi ang makisalamuha sa mga to.

They need to find Lukas as soon as possible.

***

“Remember to keep a very low profile.” Paalala ni AJ sabay upo sa isang upuan malapit sa bintana. Agad namang tumabi si Jana sa kanya.

“Kakain lang naman tayo. Di naman ako maingay kumain.” Sagot ni Junkyu na umupo din sa harap ng dalawang dalaga.

Nasa loob sila ng isang roadhouse. The feeling is familiar for AJ dahil minsan narin siyang nakapunta sa gantong klaseng lugar. Buti nalang talaga walang taga-Hara na nagdududa sa kanila dahil medyo madilim sa loob ng cottage, tanging maliit na lampara lang kasi ang nagbibigay ng ilaw sa bawat lamesang kinakainan ng mga tao dito.

“Pano ba yan mga pare. Panalo na naman ako! Hahaha!”

“Teka, pano nangyari yon? Nandadaya ka na naman yata eh!”

“Hoy, sa oras na malaman kong dinadayaan mo kami, alam mo na kung anong mangyayari sayo!”

“Nanalo lang ako ng tatlong beses, pandaraya agad? Di ba pwedeng mas magaling lang ako sa inyo?”

Sa nag-iisang mesa lang nanggagaling ang ingay na pumupuno sa buong bahay-kainan, at ang nagmamay-ari ng mesang ito ay ang anim na lalaking kanina pa naglalasing at naglalaro ng mga baraha.

“Maghanap nalang kaya tayo ng ibang kainan?” AJ suggested, mukha kasing may hindi magandang mangyayari.

“Wag na, dito nalang tayo.” Jana replied slacking on the chair. Biglang nagliwanag ang mukha nya nang dumating na ang inorder nilang pagkain.

“Wag na wag mo kaming maiisahan bata, baka nakakalimutan mong nag-iisa ka lang!”

“Pare, sa kapal ng bigote kong to, tinatawag mo parin akong bata?” Sagot ng isang lalaki sa kasama nya sabay hagod ng bigote sa mukha nya.

“Tss. Ang iingay talaga nila.” Umirap si Jana bago nya ipinagpatuloy ang pagkain.

“L-Lukas…” banggit ni Junkyu habang nakatingin sa mesa kung san naka-pwesto yung maiingay na mga lasing.

Lukas? Nandito si Lukas?

Agad na napalingon si AJ sa mga mamang naglalaro ng baraha dun sa dulo.

Tama, hindi sya pwedeng magkamili. Si Lukas nga yung lalaking mukhang pinagkakainitan ng ibang lasing. Nakasuot ngalang ito ng shades at may pekeng bigote sa mukha.

“Mukha syang tanga sa bigote nya.” Mahinang sabi ni Junkyu.

“Sige na nga, para di na magkaproblema pa, titigil na ko sa paglalaro.” Natatawang sabi ni Lukas sabay ligpit ng mga pilak at gintong baryang napanalunan nya sa sugal.

“Anong titigil? Hindi kami titigil hangga’t di namin nababawi yang perang ninakaw mo. Mandaraya ka!”

“Anak ng tipaklong naman oo! Hindi nga sabi ako nandaya eh!” Singhal ni Lukas bago isinukbit ang rifle nya sa balikat nya.

Deja Vu [Escaping Hara]Where stories live. Discover now