Chapter 5: NEW KIDS

53 10 0
                                    


CHAPTER 5: NEW KIDS

***

“A-Aray! Dahan-dahan lang.”

“Kahit dahan-dahanin ko pa, masasaktan ka parin naman.” Aivan rolled her eyes after throwing a bloody piece of cotton ball. Iniisa-isa nya kasing tanggalin ang mga naiwang bubog sa ulo ni Yoshi at nililinis din ang sugat na gawa ng mga ito.

“AAH!!”

“Sorry! Sorry…” the girl kept apologizing for every move she’s making.

“Yoshiiiii~” parehong napalingon ang dalawa sa papalapit na si Jihoon na kumakaway-kaway pa. Agad na niligpit ni Aivan ang first aid kit pagkatapos nya itong gamitin.

“Hey. Kausapin mo nga yung bata. Ayaw magsalita eh. Ni hindi nga nakikipag-eye contact samin ni AJ.” Bungad ni Jihoon sabay high-five sa isa pang binata.

“Oo nga pala. Sino yun?” biglang tanong ni Yoshi.

“Di ko alam.” Aivan just shrugged. “But I’m sure katulad din natin sya.”

“Pero maiba tayo. Sino nga yon… Si Jana? Oo, pano sya nasama satin ha? Pano sya nakapasok sa van?” kunot-noong sabi ni Jihoon.

Pagpasok kasi nila sa van kanina, meron nang kasamang babae si Yoshi. At sa frontseat pa sya naka-pwesto kaya mukhang na badtrip itong si Jihoon. Sya daw kasi dapat dun.

“She asked for help. Tsaka, katulad naman natin sya kaya pinapasok ko na.” paliwanag ni Yoshi habang nakatitig kay Aivan.

“Oh, ba’t kay Aivan ka nagpapaliwanag? Dapat sakin, kasi pwesto ko yung inupuan nya.” Taas-kilay na pagtataray ni Jihoon kaya napatawa si Aivan. Pero naguluhan lang si Yoshi.

“Anyways, kakasya ang hanggang sampung tao sa van, kaya tutulungan natin ang pwede nating matulungan.” The girl said smiling.

“Ang babait nyo.” Jihoon blurted with sarcasm.

***

“Maybe he can’t talk. Or maybe he can’t hear us? Either way, he’s useless.” A girl in pink sweater and bleached hair rolled her eyes before taking a bite on an apple she’s clutching.

“You can’t just talk like that. Alam mo kung ayaw mo kong tulungan, pwede ka namang lumayo eh.” Kanina pa nagtitimpi si AJ sa babae sa likod nya. It was the girl sitting beside Yoshi in the van earlier. What’s her name again? Jona? Or maybe Jana.

That girl has a foul attitude. She kept talking rudely especially when Yoshi’s not around. AJ’s sharp enough to think that she likes him. Pero seriously? In the middle of this situation? Just what the heck.

Napa-buntong hininga nalang si AJ habang pinagmamasdan ang binatang naka upo sa isang putol na kahoy sa harap nya. Simula kaninang pagbaba nila dito sa kakahuyan, wala silang narinig ni anong salita mula sa kanya. Ayaw nya ring magpahawak. Kaya hanggang ngayon ang dungis2x parin nya.

He’s tall. Pero base sa pangangatawan at mukha nya, halatang sya ang pinakabata sa kanilang lahat dito sa gubat.

“Look, we’re trying to help you.  But will you please cooperate?” pakiusap ni AJ pero parang di sya narinig ng binata. Nakayuko lang ito at para bang binibilang ang mga langgam na naglalakad sa paanan nya.

“See? He’s hopeless.” Jana said smirking.

“Woooy! Tumulong kayo maghanap ng kahoy gagawa akong apoy!” Jihoon’s voice came echoing in the woods.

Oo nga pala. Magdidilim na. Buti nalang may itinayong silungan sina Jihoon at Yoshi kanina gamit ang pinagtagpi-tagping trapal at mga piraso ng kahoy sa paligid. Para lang syang improvised tent.

“AJ…” Napalingon ang dalaga nang marinig nya ang boses ni Aivan. She was carrying a bundle of firewood and dropped it into a pile in front of her.

“Dito ka na lang Ji!” she said calling Jihoon who’s busy complaining rather than working.

Napatingin si Aivan sa binatang katabi ni Aj.

“How’s he?” she asked worried about the boy’s condition. AJ just shrugged.

“Ayaw magsalita eh.” The girl sighed in defeat.

“Kid.” Agad na umangat ang ulo ng binata at napatingin kay Aivan nang tawagin sya nito. AJ looked surprised with the boy’s immediate response.

“Di naman pala sya bingi eh.” Taas-kilay na puna ni Jana. Napakamot na lang si AJ sa ulo.

Aivan took a step closer to the boy causing him to lean backwards. Mukhang ayaw nyang mahawakan. Pero hindi tumigil si Aivan, sa halip ay hinablot nya ang kamay ng binata at sapilitan nya itong hinila. Kinuha nya ang basang telang hawak ni AJ at walang paalam nyang pinunasan ang mukha ng binata.

The boy groaned grabbing Aivan’s hand and pushed it away from his face. Mas luminis na ang mukha nito at makikitang isa syang magandang nilalang.

“He’s cute.” Jana squealed sounding like another different person. “But he’s obviously like, two-to-four years younger.” She said rolling her eyes again. It’s an annoying habit, really.

“Kid, we’re not gonna hurt you.” Aivan reassured staring at the boy’s eyes. She was sincere, she just wanted to help him.

Dahan-dahan syang binitawan ng binata at hinayaan syang punasan ang natirang dumi sa mukha nito. A smile crept into Aivan’s lips as she continues what she’s doing. It feels good to have someone who trusts you.

“Kelan kaya naming malalaman kung anong pangalan mo? Or should we just give you a new name?” iniisip parin talaga ni Jana na hindi nagsasalita yung binata.

“Pwede ba naming malaman?” tanong ni AJ sa pinakamahinahon nitong boses. Napatitig rin si Aivan sa binata at naghihintay na magsalita ito.

“Ha—”

“Hara?” Biglang singit ni Jihoon sabay lapag ng hinakot nyang mga piraso ng kahoy.

“Haruto…” the boy stated in a deep cold voice.

***

-Mr. SlyFox

Deja Vu [Escaping Hara]Where stories live. Discover now