Chapter 8: FRAGMENTS OF MEMORIES

55 8 0
                                    


CHAPTER 8: FRAGMENTS OF MEMORIES

***

"Hindi nyo ba naisip na baka may mga magulang tayo? Pano kung hinahanap pala nila tayo? Pano kung andito din pala sila sa Hara?"

Napatingin si AJ sa nagsalitang si Jihoon.

Naka-tambay sila sa loob ng van. Naka-upo sa bandang gitna si AJ habang si Jihoon naman ay nasa driver's seat, nakapatong pa ang dalawang paa nya sa steering wheel.

"Haaayss~ ang hirap talaga kapag wala kang mapagtanungan na taong may alam tungkol sa lugar na to. Naii-stress ang brain cells ko." Paghihimutok ni Jihoon sabay gulo sa buhok nya. "Kailangan nating makahanap ng paraan para makaalis sa lugar na to at makauwi satin."

"Pano mo naman magagawa yun eh, di mo nga alam kung san ka nanggaling." Parang walang ganang sabi ni AJ habang inaayos ang mga laman ng backpack nya.

Jihoon just let out a long deep exaggerated sigh. Sumilip sya sa labas at nakita nyang nag-uusap sina Aivan at Yoshi.

"Gusto yata ni Yoshi si Aivan."

"Agad-agad?" Halos mabilaukan si AJ dahil sa narinig nyang sinabi ni Jihoon. Umupo ng maayos ang binata at lumingon sa dalaga.

"Halata kaya." He said getting serious.

"Eh si Aivan? Gusto din ba sya?" AJ asked taking interest.

Jihoon just shrugged.

"Kung ako kay Yoshi liligawan ko si Aivan." Nakangising sabi ni Jihoon. Sasagot pa sana si AJ pero biglang may kumalabog sa bandang likuran nila. Gumulong ang isang tumbler sa sahig ng van kaya pinulot ito ng dalaga.

"Ha-Haruto! Kanina ka pa ba nandyan?" Gulat na sabi ni AJ nang makita nyang lumitaw ang binata sa backseat. Gulo-gulo ang buhok nito at halatang kakagising nya lang. Natutulog pala sya sa likuran nila kanina.

"Hmm-*hik*" sinisinok na sagot ni Haruto.

"Narinig mo ba pinag-usapan namin?" OA na tanong ni Jihoon. Haruto just bit his lower lip while avoiding his gaze.

"Lakas-lakas ng boses mo, panong di ko maririnig?" the boy said combing his hair with his hand. Napatawa nalang ng mahina si AJ habang nakatingin sa kanya.

Jihoon just rolled his eyes and returned to his position earlier. Sumandal sya sa upuan at ipinatong nya ulit ang mga paa sa steering wheel sa harap nya.
"Wala ba talaga kayong natatandaan kahit konti?" Jihoon said yawning while stretching his arms. "Ako kasi, sigurado akong hindi ako taga dito. May napanaginipan ako kagabi. Naka-uniform ako tas nasa loob ako ng isang classroom. Maingay na classroom. Oo nga pala, bakit walang eskwelahan dito? Teka, alam nyo ba ibig sabihin ko?" Taas kilay na sabi ng binata nang hindi nililingon ang dalawa.

"Yeah." Tumatangong sagot ni AJ. She somehow felt relieved. Akala nya talaga sya lang ang may ganong pakiramdam. Yung parang nanggaling sila sa ibang panahon. Yung panahong hindi ganito ka luma.

She actually remembers something about her past now. But it's not that much.

Isang araw kasi, nagising sya sa isang malaking kwarto, pero bago paman sya maka bangon ay biglang may humila sa kanya, isa itong binatang naka-tinted glasses. Ipinaliwanag nito na hindi dapat makita ng mga taong taga-Hara ang mga mata nya. Kaya pinasuot sya nito ng isang cap. Sapat na to para maitago ang mga mata nya. The people of Hara don't care that much until they see your eyes directly. They won't be curious even if you keep walking around with your head down. They'll attack anyone with dark irises but wouldn't recognize you when you meet again, as long as they can't see your eyes. That's how weird they are.
The guy whom AJ met told her to leave the place which was actually the town's inn. Pero bago pa man sya makaalis ay may inabot ang binata na isang nilukot na papel.

"Find the others." He said smiling before turning his back on her. Nakita ni AJ kung pano kinuha ng binata ang atensyon ng mga taga-Hara sa loob ng kwartong iyon, pero mas pinili nyang tumakas gaya ng sinabi nito. Nakapagtataka, at sadyang nakakamangha kung panong alam ng dalaga ang mga dadaanan palabas ng bahay tanggapan na yon. Para kasing nanggaling na sya don ng maraming beses. Pero nasisiguro nyang ito ang unang pagkakataon.

She kept walking around the familiar marketplace, and just like what the guy said, no one dared to suspect her. Naalala nya ang papel na iniabot ng binata. Dinukot nya ito sa bag na nakasukbit sa balikat nya. She found the backpack beside her bed earlier and she just knew it was hers. Tinignan nya yung papel at ang kakaunting mga salitang nakasulat dun ay parang gumising sa kanya sa isang panaginip.

"Don't die again. -Junkyu"

Parang nilayasan ng kaluluwa si AJ nang mabasa nya yun. Don't die again? Sinong namatay? Junkyu? Sino si Junkyu? Sya ba yung lalaki kanina? Magkakilala ba dapat sila ni Junkyu?

Little by little, AJ began recovering fragments of her memories. Like the interior design of her own room. Her puppy named Saki. And her older brother Ash. At sigurado syang wala ang mga ito sa Hara.

Pero dahil din sa mga alaalang yun, parang nawalan sya ng sense of direction. Di na nya alam kung san sya dapat dadaan o pupunta. Para na syang nasa isang banyagang lugar. Kaya palagi syang nawawala.

"W-well, I can recall a few things. Pero ano namang maitutulong nun para makaalis tayo dito diba?" mahinang sabi ni AJ. Bumuntong-hininga si Jihoon. He's just desperate to leave the place. Muli syang lumingon sa dalawa at nagsalita.

"Ikaw Haruto? Any recollections?" Jihoon asked staring at the lad's eyes.

The boy shook his head. Dismayadong napatungo si Jihoon.

"Ah teka." Jihoon's face lit up as he raises his head to look at Haruto. Even AJ seemed interested.
"An image of Aivan somehow crossed my mind a few times." Sabi ni Haruto nang parang nag-iisip ng malalim. Jihoon snorted lightly but AJ quickly hit his shoulder to shut him up.

"Lahat ba ng lalaki dito si Aivan iniisip?" natatawang sabi ni Jihoon. "Don't even think of liking her. She's basically like an older sister for you."

"You have memories of Aivan?" Nagtatakang tanong ni AJ. Mukhang sya lang yata ang nakaintindi ng sinabi ni Haruto. Bahagyang tumango ang binata.

"Y-yeah. She was in her school uniform. And she looked younger."

***

-Mr. SlyFox

Deja Vu [Escaping Hara]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt