Chapter 3: GREEN IRISES

65 12 0
                                    


CHAPTER 3: GREEN IRISES

***

“So what if they have green eyes? It’s not like they’re aliens.”

Kapwa natahimik sina Aivan at Yoshi.

Napalunok si Jihoon habang nagsasalitan ang mga tingin sa dalawa nyang kasama.

“What the heck, they’re aliens?!”

“Shut up.” Saway ni Yoshi. “Lika na.”  hinila nya patayo si Jihoon at sumunod na rin si Aivan sa kanila.

Dali-dali silang naglakad palabas ng roadhouse pero biglang may humablot sa braso ni Aivan.

“Sandali.” Sabi ng lalaking nakakapit ng mahigpit sa dalaga. He looks like he’s in his late 40’s. His breath stinks of alcohol and smoked fish. Tinitigan nya sa mga mata si Aivan at bigla itong napangisi sa nakita.

“Mukhang may mga bisita tayo.” He said smirking. Kumawala ang dalaga sa mga kapit nito pero di sya agad nakakibo nang biglang may isa pang lalaking tumakbo papalapit sa kanila, may hawak itong bote ng alak at akmang ihahampas sa kanya.

“Aivan!” kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Aivan ang pagyakap sa kanya ni Yoshi at ang tunog ng nabasag na bote pati ang nagkalat na bubog sa sahig.

‘No way!’ Aivan hissed mentally the moment she raised her head and saw Yoshi staring worriedly at her.

She turned and saw the man holding a broken piece of glass.

He didn’t just hit Yoshi’s head with that. Did he?

“ANAK KA NG–!” Biglang sigaw ni Jihoon at tinadyakan yung lalaking may hawak ng basag na bote kaya tumilapon ito sa pinakamalapit na mesa. Nagsisigaw naman ang mga babaeng nakaupo malapit don.

Sasampalin sana ni Aivan yung lalaking humablot sa kanya kanina pero naunahan sya ni Yoshi at nasapak na ito sa mukha.

The man uttered a swear word before getting up on his feet again.

“Hulihin nyo sila! Hindi sila taga-Hara!” utos nito sa mga nakaabang na lalaking kani-kanina lang ay umiinom at nagsusugal.

Parehong napa-atras sina Aivan at Yoshi sa kinatatayuan nila pero mas ikinagulat nila ang pagkabasag ng isang pitsel na may yelo sa sahig.

Napatingin si Aivan sa taong may gawa non. Isang dalagang nakasuot ng mahaba at itim na dress pero naka baseball cap na itim na natatakpan ang halos kalahating parte ng mukha nito ang nakatayo malapit sa counter.

“What’s that? You have a weird fashion sense.” Biglang puna ni Jihoon na sandaling nakalimutan ang sitwasyon nila dahil sa nakita.

“You need to get out of here!” biglang sigaw ng dalaga.

“Tara na!” agad na sigaw ni Jihoon sabay hablot sa dalawa nyang kasama at hinila sila palabas. “Bilis!” tinulak niya sa loob ng sasakyan si Yoshi at dumiretso sya sa driver’s seat.

“Teka marunong kang magmaneho?!” medyo pasigaw na tanong ni Yoshi.

“Hindi eh! Palit tayo!” natatarantang sabi ni Jihoon at agad na nakipagpalit ng pwesto sa kasama. Agad namang pinagana ni Yoshi ang makina nang makapasok na silang tatlo sa loob.

“Sandale!” sigaw ni Aivan.

“ANO NA NAMAAAN?!” Jihoon shrieked obviously terrified.

Binuksan ni Aivan ang pinto ng van at hinanap yung babaeng tumulong sa kanila.

“Miss!” tawag nya sa dalaga. Agad itong tumakbo papalapit at tinulungan sya ni Aivan na makapasok sa sasakyan.

“Umalis na tayo dito dali!” sigaw ni Jihoon sabay hampas sa balikat ni Yoshi na agad pina-andar ang van.

Deja Vu [Escaping Hara]Where stories live. Discover now