Chapter 1 : TRAPS

76 11 0
                                    


Chapter 1: TRAPS

***

Hindi ko matandaan kung gano katagal na kong naglalakad sa maputik at madulas na daanang to. Di ko rin maalala kung kelan ba umulan, ba’t nagkaganito rito? Ang alam ko lang ay nagugutom na ko at kailangan kong makahanap ng pagkain dahil kung hinde ay siguradong mamatay ako sa gitna ng kagubatang to.

I have no recollection of what happened yesterday, or last week, or whatever my life was in the past. The only thing I could remember was my name. This may sound weird but I don’t have any idea what’s going on right now.

Aivan.

Sa pagkakaalala ko, iyon ang pangalan ko. Pero di ko alam kung sino nagbigay non sakin. Kung sino ang pamilya ko, o kung buhay pa ba sila. Bakit ako nandito? Ba’t nawawala ako? Andaming mga tanong na gumugulo sa isip ko pero mas nangingibabaw talaga ang gutom na nararamdaman ko. Oo, ewan ko din kung kelan ako huling kumain.

Amnesia…

May Amnesia ba ko? Pero ba’t naalala ko pangalan ko? Meron bang case na ganito?

“Brrrrllllplblbb” Mas malakas pa ang kulo ng tiyan ko kesa sa tunog ng mga ibon at kulisap sa paligid. Geez. I really need to find food as soon as possible.

Ipinagpatuloy ko parin ang paglalakad kahit pagod na pagod na ko. Sana naman may makita akong fried chicken dito diba? Sa kaiisip ko sa pagkain di ko namalayang may naapakan pala kong lubid na biglang tumisod sakin.

The next thing I knew something wrapped around my ankle tightly and quickly pulled me upside down. So basically, I was hanging in mid-air right now with my feet above me and my head several inches away from the ground.

“AAAAAAAARGH!!!!!!!!!!” I screamed at the top of my voice.

Langya! Sino naglagay ng bitag dito? Ibaba nyo ko! Huhuhuhuhu!

“TULOOOOOONG!!!!!” sigaw ko ulit na pilit inaabot ang mga paa ko na nakasabit sa lubid.

“Miss! Teka lang!” biglang may sumigaw sa likuran ko kaya sinubukan kong gumalaw para umikot ang lubid pero syet nasobrahan kaya heto at nagpa-ikot2x ako habang nakalambitin sa sanga ng puno.

“NAHIHILO AKO!!!” Sigaw ko ulit sabay sapo sa noo ko.

“Sandali lang.” naramdaman ko ang pagkapit sakin nung lalaki at agad nya akong ikinarga sa balikat nya bago pinutol ang lubid gamit ang swiss knife na hawak nya.

“Okay ka lang?” Tanong nya sa nag-aalalang boses. Dahan-dahan nya kong ibinaba sa maputik na lupa. Syet.

“Natural hinde. Okay ka lang?” Pabara kong sagot.

Ano ka ba Aivan. Tinulungan ka na nga oh.

Eh malay ko ba. Baka sya rin naglagay ng bitag dyan.

“I’m sorry.” I heard him muttered. I raised my head to check his face. Nanlalabo pa ang paningin ko pero kitang-kita ko kung gano ka aliwalas ang mukha nya. Isang mukhang magugustuhan mo sa unang kita mo palang. Anak ng suman bakit kailangan nyang maging gwapo? Eh parang mas makinis pa yata balat neto kesa sakin eh.

“Ako naglagay nung bitag. Nagbabaka-sakaling may mahuli akong ligaw na hayop dito. Di pa kasi ako nag-aalmusal eh. Hehe.” He laughed nervously while scratching his head.

Ang cute nya…

Huy!

I mentally slapped myself.

Ano ka ba Aivan. Ni hindi mo nga kilala yan.

“Dito ka ba nakatira?” That question just came out of the blue. Like hello? Ba’t ko natanong yun? Sinong tao ang titira sa gubat Aivan?

“Kanina pa ko naglalakad-lakad dito sa gubat, wala akong nakitang bahay. So, bale baka di ako dito nakatira.” Sagot nya sabay tayo at ayos ng nagusot nyang damit.

“Ha?” may mas gugulo pa ba sa sagot nito? “Niloloko mo ba ko?”

“Hindi kita niloloko. Wala talaga akong maalala. Pangalan ko lang.” nakangiti nyang sabi. Wait. Ibig sabihin pareho kami? May Amnesia din sya? Pero pano?

“So, who are you?” tumayo na rin ako at pinagpagan ang sarili ko. Syet ang dumi-dumi ko na.

“I’m Yoshi.” He answered raising his hand for a handshake.

***

THIRD PERSON

“So technically, we have the same case. We just found ourselves wandering in this forest and we both don’t have any injuries making an ‘accident theory’ a bit impossible. Parehong nabura ang mga alaala natin at ang mga pangalan lang natin ang natira. I am Aivan, and your name’s Yoshi?”

“Exactly.” The boy chirped smiling brightly at her.

“Eh bakit ka masaya?”

“Di ko alam.”

Napasapo sa noo si Aivan. Di naman sa naiinis sya. Di nya lang talaga alam kung anong gagawin nya. She’s stuck in the middle of nowhere without any idea what’s happening in the world, and here’s this cute guy who has the same problem like hers, but doesn’t even give a damn at all.

“Kailangan nating makalabas sa gubat na to. Alam mo ba kung san ang tamang daan?” tanong ng dalaga habang hinahampas ang mga talbos ng halaman sa daanan gamit ang patpat na pinulot nya kanina sa putikan.

“Just keep going straight.” Sagot ni Yoshi na nakasunod lang sa likod nya.

“Seryoso? Alam mo ba talaga?”

Hindi nasagot ng binata ang tanong ng dalaga dahil biglang may kumaluskos sa kanang dako ng dinadaanan nila.

“It’s behind the bush.” Kinakabahang sabi ni Aivan. Pumulot si Yoshi ng malaking tipak ng lupa na plano nyang ipanghapas sa kung ano mang mabangis na hayop ang nakatago dun.

“Sino ka?—I mean, ano ka ha?!” Kahit si Yoshi ay natataranta din dahil patuloy parin sa pagkaluskos ang mga dahon ng makapal na halaman sa harap nila.

“Pag yan talaga sumagot, kakaripas ako ng takbo.” Sabi ni Aivan habang nagtatago sa likod ng binata, pinipigilan nya itong umatras.

“Ano ba? Bitawan mo ko, wag mo kong itulak.” Reklamo ni Yoshi.

“Tignan mo dali.” Aivan said pushing him forward.

“WAAAAH!!!” Muntik nang masubsob ang binata sa halaman pero agad syang napa-preno nang biglang may sumigaw mula sa loob nito.

“Teka tao ako! TAO! As in human!”

Parehong kumunot ang noo ng dalawa. Hinawi ni Yoshi ang nakasagabal na halaman at nakita ang isang binatang naka upo sa lupa habang kinakapitan ang binti nitong may sugat.

“Aaaish! Sobrang hapdi!” Reklamo nito habang dahan-dahang tinatanggal ang mahigpit na pagkapulupot ng barbed wire sa kaliwang paa nya.

“Another trap?” Agad na sabi ni Aivan sabay lapit sa dalawang binata.

“Langya, malaman ko lang talaga kung sino naglagay neto!” Galit na reklamo ng lalaking nakaupo parin sa harap nila.

Tinitigan ng masama ni Aivan si Yoshi.

“WHAT?! Malay ko bang puro tao mahuhuli ko?!” defensive na sabi ng binata. Napailing nalang ang dalaga.

“Wait. Ibig sabihin kayo may gawa neto?”

“Biktima lang din ako dito.” Sagot ni Aivan na umupo sa harap ng na-trap na binata at sinuri ang sugat nito.

“Ako na.” dinukot ni Yoshi ang isang maliit na pliers sa bulsa nya at ginamit yun para pangputol sa duguang barbed wire na nakapulupot sa paa nung lalaki. “Buti nalang di naputol paa mo.” Mapang-asar na sabi nito.

“Bilisan nyo dyan. Nanlalagkit na ko.” Aivan whined scratching her arm.

“Langya may mga konsensya ba kayo?”

***

-Mr. SlyFox

Deja Vu [Escaping Hara]Where stories live. Discover now