Chapter 9: CRASH

52 9 0
                                    


CHAPTER 9: CRASH

***

“Pambihira naman oh! Ba’t dito pa tayo sa gitna ng kawalan nasiraan ng sasakyan?” Singhal ni Jana sabay gulo sa buhok nya.

“Eh sinong sisisihin naten?” walang ganang sagot ni Aivan. Nakasandal siya sa punong nakatayo sa gilid ng kalsada habang pinapanood si Yoshi na inaayos mag-isa ang makina ng van sa harap niya.

Papunta sana sila sa bayan, pero bigla nalang tumigil ang van sa gitna ng kalsada. Tas wala pa silang mahingan ng tulong kasi nga napapaligiran sila ng malawak na kagubatan, puro matatangkad na Evergreen lang ang nasa paligid.

“Jihoon, pa-abot nga ng wrench.”

“Ba’t ako? Mas malapit si Haruto sa toolbox eh.” Agad na angal ni Jihoon na nakaupo sa loob ng nakabukas na van. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ni AJ na busy sa panonood ng mga maliliit na ibon na naglalaro sa kalsada.

Napailing nalang si Yoshi at sinenyasan si Haruto na iabot sa kanya ang wrench na kailangan.

“Ansakit ng mata ko.” Himutok ni Jihoon habang kinukusot ang kanang mata nito. He can’t stay still and kept moving uncomfortably trying to catch AJ’s attention.

“Ano ba? Ang likot mo.” Mahinang sabi ni AJ sabay siko sa binatang nakasandal sa likod nya. She was trying to focus on the birds on the road, pero bigla nalang silang nagliparan lahat.

Huminga nalang ng malalim ang binata bago pinikit ang mga mata nito. Mas isiniksik nya pa ang sarili sa likod ng dalaga.

“Are you dating, or something?” biglang napatalon si AJ palabas ng van nang marinig nya ang tanong ni Jana.

“S-seriously?” AJ hissed stuttering. Jihoon just coughed awkwardly.

“Chill guys. Why do you look so tensed?” natatawang sabi ni Jana habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang kamay nya. Naka-upo siya sa driver’s seat.

“Ako? Tensed? Luh?” Di makapaniwalang sabi ni Jihoon. “Yoshi!!! Ack!–“ nasamid sya ng laway nya nang bigla syang  hampasin ni Jana sa dibdib.

“ARAY!! SADISTA KA BA?!” biglang sigaw ng binata sabay labas sa sasakyan.

“Shut up!!” Jana spat glaring at him.

“Tss.” Singhal ni Jihoon habang hinihimas ang dibdib niya.

Naputol ang maliit na away nila nang biglang masagi ni Jihoon ang toolbox sa paanan nya na sya ring nasa harap ni Haruto. Nahulog ang maliit na bakal na turnilyo mula dito at gumulong sa gitna ng kalsada.

“Oh ayan. Anlikot mo kase. Pulutin mo dun.” Utos ni Jana sabay talikod.

Naiiritang nagkamot ng ulo si Jihoon bago sya nagdabog papunta sa gitna ng kalsada pero bago pa man siya makaalis ay naunahan na siyang tumawid ni AJ.

The girl volunteered to cross the road and pick the screw up. Babalik na sana siya kina Jihoon pero bigla siyang may naramdamang kakaiba.

Someone’s coming…

Before AJ could even do something, an old rusted vehicle just appeared out of nowhere and came rushing towards her. It was a vintage car speeding off without any intentions to spare her.

“YAH!!!” Halos mabingi si AJ nang biglang sumigaw si Jihoon, kasabay nito ang paghablot ng binata sa braso niya at agad siyang niyakap nang mahigpit.

Aivan who was watching the whole scene couldn’t believe her eyes. Sa huling sandaling mabubundol si AJ ay biglang lumiko ang sasakyan at dumiretso sa kabilang parte ng kalsada. Its brakes seem to not work properly and the driver tried diverting his track hitting a giant Evergreen standing ahead.

Deja Vu [Escaping Hara]Where stories live. Discover now