Chapter 6: RIVERBANK

48 8 0
                                    


CHAPTER 6: RIVERBANK

***

“That needs to get treated.”

“Woy Jihoon! Paki-abot nga ng first aid kit!” utos ni Aivan sabay kaway kay Jihoon na kumain ng bayabas sa gilid ng ilog.

“Pambihira! Ba’t ba ako laging inuutusan nyo!” reklamo ng binata sabay dura ng nginunguya nya sa dumadaloy na tubig sa harap nya. Pero tumayo parin sya at sumunod.

Nagpasipol-sipol pa ang binata habang papalapit sa van pero bigla syang napa-atras nang may narinig syang  ungol mula sa isang mabangis na hayop. He stopped frozen on his tracks when he saw a wolf almost bigger than him standing near the van’s window.

“AAAAAAAAAAAAAAAHHH–”

***

“AAARGH!!” agad napabangon si Aivan at napasapo sa noo nya.

‘What the heck was that?’ she cursed under her breath. ‘It was just a nightmare, wasn’t it?’

‘Or was it another vision?’

“Okay ka lang?” nagulat ang dalaga at napalingon sa taong nagpatong ng kamay sa balikat nya.

Si AJ lang pala.

“Girls?” Pareho silang napatingin sa direksyon kung nasan ang lalaking nagsalita.

“Jihoon…” Aivan sighed in relief seeing the clueless guy rubbing his eyes sleepily. Nagising ito dahil sa sigaw ni Aivan. Mukhang hindi lang nga sya ang nagising dahil lahat sila ay bumangon na, kahit si Haruto na nakapikit pa ay napaupo na rin habang kinakamot ang batok nito.

Hindi pa sumisikat ang araw kaya madilim pa ang paligid pero nawalan na sila ng ganang matulog ulit, maliban kay Jana na nahimbing na naman sa malamig at matigas na lupa malapit sa bonfire na ginawa nila kagabi.

“Anong nangyari?”  tanong ni Yoshi na umupo sa tabi ng dalaga. “Why are you so worried?”

“Di ko alam kung maniniwala ka sakin pero…” Aivan began biting her nails anxiously. “Nagkakaron kasi ako ng vision. At pakiramdam ko nagkakatotoo ang mga yon.” Kinakabahan nyang sabi.

“Yung napanaginipan mo, was it a vision?” Yoshi asked calmly while looking at her. “May mangyayari bang masama?”

Aivan nodded nervously.

“Do you believe me?” She asked unsure.

“I do.” Yoshi gave her a reassuring smile. “Now tell me what happened, let’s see what we can do.” He said in his calm and gentle voice.

***

“What if we all die together? What if we all get killed? What if we’re all related to one another? Worse, we’re bound to kill each other later? What if… What if–”

“What if you just shut up before I strangle you to death?” Jihoon spat glaring at Jana who’s stabbing an old log with the swiss knife she borrowed from Yoshi earlier.

“Siguraduhin mo munang di kita masasaksak nito.” Nakangising ganti ng dalaga at pinakita ang kumikinang na patalim sa binata.

“YOSHIIIIII!!! Sabi ko na nga ba espiya tong babaeng to eh!! Papatayin nya ko! Huhuhuhuhu!!” Biglang hagulgol ni Jihoon sabay takbo kay Yoshi na iniinit sa apoy ang pinatuyong karneng nabili nila kahapon.

Jihoon hid himself behind Yoshi’s back while stealing deadly glances from the girl whom he believes as a witch who disguises herself as a blonde chic.

Deja Vu [Escaping Hara]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora