Chapter 4: BEER FACTORY

52 9 0
                                    


CHAPTER 4: BEER FACTORY

***

“Bilisan mo dyan. Walang nagbabantay kay Yoshi sa sasakyan.” Jihoon whispered but it’s more like a shriek.

“Oo na. Eto na sandali.” Dali-daling isinara ni AJ ang bag nya pagkatapos nyang i-check ang laman nito.

Pareho kasi silang pumunta ni Jihoon sa bilihan ng tela para kunin ang bag na sinasabi nya. Si Aivan naman naghanap ng pwedeng mabilan ng pagkain, kaya naiwang mag-isa si Yoshi sa van.

“Bakit ba alalang-alala ka sa lalaking yun? Close ba kayo?” Tanong ni AJ habang inaayos ang suot na cap.

Natigilan naman si Jihoon at napa-isip. Oo nga no?

“Baket? Di pwedeng concerned lang?” taas kilay nyang sabi sa dalaga. “Caring kasi akong tao.”

AJ let out a soft chuckle.

Napatitig lang si Jihoon sa kanya.

“Oh!” Pareho silang nagulat nang mabitawan bigla ni AJ ang bag na hawak.

“Oy bata! Ba’t di ka nag-iingat?!” inis na sigaw ni Jihoon sa batang bumangga sa dalaga.

“Ji!” saway ni AJ at agad na pinulot ang bag. Kahit si Jihoon ay nagulat din sa sarili nya. Napatingin sila sa bata sa harap nila. Mukhang mas nagulat pa ito sa kanila, parang nakakita lang ng multo.

“M-Ma–” akmang sisigaw sana ang bata para makahanap ng atensyon pero biglang dinampot ni Jihoon ang isang bundle ng tela mula sa malapit na stall at agad na isinubo sa bibig ng bata.

“Takbo!” Jihoon hissed grabbing AJ’s arm.

***

Di na matandaan ni Aivan kung san banda nakaparada yung sasakyan nila. Kanina pa sya naglalakad habang nakasukbit ang isang malaking sling bag sa balikat nya na may lamang prutas at pinatuyong karne. Buti nalang at walang nakakita ng mga mata nya dahil sa telang ginawa nyang belo para takpan ang mukha nya.

Wala namang pake ang mga tao dito pwera lang kung makita talaga nila ang mga mata mo.

Aivan can’t help but to cover her nose when she smelled the strong aroma of liquor coming from a big wooden cottage in front of her.

Halatang pagawaan ito ng alak. Kumunot ang noo ng dalaga. Parang nanggaling na sya dito. Aivan’s eyes narrowed as she tries hard to recall something.

‘Tama. May tambakan ng mga kariton sa likod ng beer factory.’ Sabi nya sa sarili. Parang otomatikong naglakad ang mga paa nya at tumungo sa isang masikip na daanan para makapunta sa likuran ng paggawaan.

At dun nya nakita ang mga kariton na nakita nya mismo sa pangitain nya.

‘Why was it in my vision? Ibig sabihin kung anong nakita ko, magkakatotoo?’ she said talking to herself again.

“Hindi ka makakapagtago habang-buhay! Lumabas ka na bata! Wag mong ubusin ang pasensya ko!” Napalingon si Aivan sa bandang likuran nya at nakita nya ang isang lasing na mama na may hawak na mahaba at makapal na piraso ng kahoy.

Galit na galit nitong tinapon ang paubos nang sigarilyo at nagsindi ng panibago. Nanlilisik ang namumula ngunit berde nyang mga mata at tila naghahanap ng bibiktimahin nya sa paligid. Agad na nagtago si Aivan sa mga sirang kariton sa tabi nya.

Tinadyakan ng mama ang isang kariton sa tabi nya at nasira ito, at dun na nya sinimulang hagilapin ang kung sino mang taong hinahanap nya. Nagpapagewang-gewang ang paglalakad nya dahil sa kalasingan pero halatang malakas sya at kaya nya pang manira ng mga gamit.

Nakaramdam ng kaba si Aivan kaya napa-atras nya ng kaunti. Hindi sya dapat makita ng taong yun kasi kahit di sya ang hinahanap nito, mapapahamak parin sya kasi nga di sya taga-Hara.

“LUMABAS KA NA!!” galit na sigaw ng lalaki. Pinaghahampas nya na yung mga kariton, kahit pa yung mga kahon ng alak na tinatabunan ng mga trapal, pinagbabasag nya na din.

Mas lalong napa-atras ang dalaga, nasagi nya tuloy ang mga bote ng alak na nasa paanan nya, buti nalang at sa trapal ito natumba kaya di ito naglikha ng ano mang ingay na makaka-kuha ng atensyon nung mama. Medyo malayo na rin kasi ito sa kinaroroonan niya.

Yumuko si Aivan para pulutin ang mga bote ng alak na wala pang bawas, wala sa sarili nyang inamoy ang mga ito.

‘Seriously Aivan?’ her inner self whispered.

Pero natigilan ang dalaga nang may narinig sya sa di kalayuan.

It was a faint sound of a person wheezing. The girl’s eyes landed on a broken cart near her. Meron ding nakataklob na trapal dun.

***

Isang binata ang nasa madilim at masikip na sulok ng isang kariton. Nakatago sya don habang takot na takot na niyayakap ang sarili nya. Para syang sinasakal at hindi sya makahinga. Sumisikip ang dibdib nya. Kapag nagtagal pa sya sa loob nito ay siguradong mamamatay sya.

Anong gagawin nya? Sa oras na lumabas sya don ay mahuhuli sya ng matandang lalaking iyon. He tried to calm himself while rubbing his chest to ease the pain he’s feeling. But he can’t keep his heavy breathing down. Tears were already streaming down his cheeks.

Pero biglang lumiwanag ang paligid kasabay ng pagka-tanggal ng trapal na nagtatago sa kanya. At dun nya naaninag ang isang pamilyar na mukha.

“Anak ng putik— tao…” It was Aivan who cursed under her breath when she saw the young man crouching inside the wooden cart. She was more than surprised to see a fellow non-green-eyed person in an unexpected place and time.

“Hey. It’s okay. Relax.” She whispered touching the boy’s face. Her heart dropped when she saw him sobbing and shaking with fear. Hindi nya masyadong makita ng maayos ang mukha ng binata dahil madungis ito, at basang-basa ng pawis.

“Kaya mo bang tumayo?” pabulong na tanong ng dalaga habang inaalalayan ang bagong kasama.

“Andito ka lang pala. At meron ka pang bagong kaibigan.”

Natigilan si Aivan sa kinatatayuan nya. It was the man earlier. Iniangat nito ang hawak na kahoy at akmang ihahataw sa kanila. Aivan pulled the guy closer to her and closed her eyes bracing herself for the impact but it didn’t happen.

Sa halip, ang tunog ng nabasag na bote ng alak ang nagpa-mulat sa mga mata ng dalaga.

“Woah. Yoshi’s skull might have been so thick that he didn’t pass out the moment he got hit with a beer glass.” Di makapaniwalang bulalas ni Jihoon na nakatitig sa mamang nawalan agad ng malay dahil hinataw nya ng bote.

Even AJ who just came was too shocked to react.

“Is he dead?” She asked with her hands covering her mouth.

“What the heck?” Parang tangang sabi ni Aivan. Mukhang nagte-take time pa yung utak nya para i-process ang mga pangyayari.

“Bilisan nyo, bumubusina na si Yoshi.” AJ stated pulling Jihoon’s sleeve. Agad namang kinapitan ni Aivan ang kamay ng binatang katabi nya at hinila ito papunta sa sasakyan.

“Weyt.” Yumuko si Jihoon at pinulot ang mga bote ng alak sa paanan nya.

“Anong gagawin mo dyan? Tara na.” yaya ni AJ. Tatayo na sana ang binata pero nahulog ang isa sa mga boteng hawak nya kaya yumuko ulit sya para pulutin ito.

“Ano ba? Bahala ka dyan!”

“SANDALE!!”

***

-Mr.SlyFox

Deja Vu [Escaping Hara]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora