Chapter 38

24.5K 545 115
                                    

I moved in frighten when a loud bang reverbereated in our room as he slammed the door shut. Rinig ko ang iyak ni Aesthrielle sa labas. Then I heard my mother talking to her calmly. After that, my surroundings became quiet until he turned to me.

Napaatras ako nang humarap siya. Bloodshot eyes and brows fused together, looking at him this furious is like a nightmare. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-atras nang humakbang siya palapit sa'kin. Tumigil lang nang bumundol ang likod ko sa mesa.

"Ace-"

"You were raped?" broken and depleted he asked. Tila nawala lahat ng galit niya kanina at napalitan ng pagdadalamhati.

Napasinghap ako nang matunghayan ko ang sunod-sunod na pagbuhos ng kanyang mga luha. Napamaang ang labi ko habang tinitingnan siyang humahagulgol ng iyak sa harapan ko.

Sa isang iglap, sunod-sunod na bumalik sa'kin ang sakit ng nakaraan.

I'm convinced and confident that I'm completely mended but seeing him hurting because of my fall broke my heart.

Dahan-dahan kong inabot ang kanyang mukha. Nang hindi siya makapaghintay ay siya na ang humila sa aking kamay at kinulong ang katawan ko sa kanyang mga bisig.

His chest is moving briskly. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso at ang paghigpit ng kanyang yakap sa'kin.

"I'm sorry." He grumbled.

Umiling-iling ako. "No. I'm sorry Ace."

"Why..." He pulled me away from him so he could face. Hands on my shoulders, his inflamed eyes bore into me. "Why didn't you tell me anything?!" galit niyang sigaw.

Pumikit siya nang mariin at yumuko. Ang mga kamay na nanginginig ay pigil na pigil na huwag akong masaktan. Sa nakikita kong galit niya ngayon ay hindi malabong masaktan niya ang sinuman.

"I can't remember everything Ace. Hindi ko alam kung nanlaban ba ako o pumayag ako't hinayaan ko siya dahil wala akong kakayahang manlaban-"

"Fuck! Your inability to refuse isn't a fucking consent, Raniyah. That son of a bitch drugged you so you won't be able to defend yourself!"

Binitawan niya ako at tumalikod. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang mga mura at sigaw. Napapikit ako nang kinuha niya ang lampara at itinapon sa pader. Sunod ay ang silya at ang mga gamit sa mesa. Hindi ko alam kung ano pa ang mga sumunod. Ang alam ko ay patuloy lang siya sa pagsira ng mga gamit sa kuwarto.

Humahagulgol ako ng iyak habang sunod-sunod ang mga naririnig kong kalabog at nababasag na mga gamit. Rinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto at ang boses ng mga kaibigan ko na tinatawag ang pangalan naming dalawa.

"Ace-"

He pulled his hair out of vexation. Natatakot man sa galit niya ay sinubukan ko siyang lapitan.

Napagitla ako nang humarap siya sa'kin at kinuha ang kamay ko. Hinila ako papunta sa pinto. Walang pag-iingat niya itong binuksan at itinulak ako palabas.

"Ace-" He slammed the door shut in front of my face.

Tears welled up in my eyes when I heard the continuous sounds of breaking things inside. Sinubukan kong buksan ang pinto pero isinara niya ito mula sa loob. Mas lalo lamang akong naiyak nang maramdaman ang yakap ni Eve at Step sa likod ko.

"Let him gather his thoughts." Eve whispered at me.

I chewed my lips so hard.

"Hayaan mo muna siyang mag-isa. Sa nakikita kong galit niya ngayon ay makakapatay talaga siya."

I shook my head and turned to them. Mabilis kong nahuli ang galit na tingin sa'kin ng mga kaibigan kong lalaki. Napayuko ako at tahimik na humikbi. Sa uri ng tinging iginagawad nila sa'kin, nahihinuha kong alam na nila ang nangyayari.

When Rain Falls (Friend Series #1)Where stories live. Discover now