Chapter 1

31K 856 307
                                    

"Wala ka bang balak tanggapin?" I asked trying to hide the disappointment in my voice but it didn't go well. Lumabas pa rin sa boses ko ang pagkadismaya.

He looked at me, uncertained. Kaya ako na ang umabot sa kamay niya at pinag-shake ang kamay naming dalawa. Sana ay maalog ko rin pati ang puso niya.

"Pangalan mo?" tanong ko. Mukha kasing walang balak sabihin ang pangalan.

"Ace." maikli niyang tugon at siya na ang bumitaw sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalang iniyakan ko kagabi't napanaginipan at pinagdasal ko kanina. Unti-unti ay nagkakaroon ng imahe sa isipan ko ang walang mukha na Ace. I can finally visualize my favorite character through this man.

Oh my god. How can I forgot Ace's deep-seated eyes. It mirrors his. And that bored to death gaze Ace gives to irrelevant characters in the story. Parehong-pareho sa uri ng tinging iginagawad ng kaharap ko sa'kin ngayon. That means I'm irrelevant to him?

"Kapangalan mo 'yong-" Tumigil ako sa pagsasalita nang iangat niya ang kanang kamay.

"Please don't. I've heard enough with that line throughout my existence."

Kumunot ang noo ko.

Line?

Teka...

Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin ay hindi ko mapigilan ang matawa.

"Hala assuming ka. Sasabihin ko lang naman na kapangalan mo 'yong favorite character ko."

Kinagat ko ang ibabang labi nang matunghayan kung paano siya naging stiff. Nahiya siguro.

"Sorry."

Umangat ang kilay ko sa narinig.

"I just get annoyed every time I heard that, kapangalan mo ang magiging ama ng mga anak ko." Paliwanag niya na ikinatawa ko.

I bent forward to have a view of his shy face. "Patingin nga ako ng annoyed?" I teased and received nothing but a glare from him.

I shook my head to erase my smile but I just couldn't. Ang sarap asarin ng isang 'to. I sighed when I feel at ease all of a sudden. Mukhang biglang nawala lahat ng inis ko sa buhay.

"Would you mind if ask-"

"I would mind."

I rolled my eyes. Ang suplado talaga. I was just trying to start a conversation with him and he's just so quick to stop me.

"Still." I urged. Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya. Wala naman itong sinabi kaya itinuloy ko ang gusto kong itanong.

"Iyong Dean kanina, Mama mo 'yon?"

Napalunok ako nang bumaling siya sa'kin. Baka iniisip niya na tsismosa ako.

Well, I have my reason why I asked that. Kung Mama nga niya 'yon, ibig sabihin Alvarez apelyido niya. Ibig sabihin, Ace Alvarez ang pangalan ng makakasama ko sa marriage certificate pati na rin sa birth certificate ng mga anak ko?

Ngumuso ako, pinipigilang kiligin. Ano ba 'yan. Ako ang kinikilig sa sarili kong imahinasyon.

Tumango siya bilang sagot at agad ding ibinalik ang tingin sa harap.

"We have something in common pala." sabi ko na inismiran lang niya, 'di pa rin inaalis ang tingin sa harap.

"Don't start." ani niya.

Teka, akala ba niya ay magpi-pick up line ako?

"Dean din kasi Mommy ko." I said and stood up.

"Nilalamig ako. Puwedeng tabi tayo?" I asked as I rubbed my arms with my palms. Totoo naman kasi na nilalamig ako. Mukha kaming ewan na nakaupo sa magkabilang gilid ng upuan. Ang awkward na nga ng sitwasyon. Ang awkward pang tingnan.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon