Chapter 4

21.8K 699 48
                                    

My first month in St. Joseph was ephemeral. Hindi ko namalayan na isang buwan na pala akong nasa instistusyon kung hindi ipinaalala sa'kin ni Miko ang dinner date namin kasama si Mommy.

My family has this habit of dining out every month kahit madalas ay si Mommy lang ang kasama namin ni Miko since Dad is working overseas while Mom's a professor in a university. Hindi madalas umuwi sa bahay si Mommy dahil may kalayuan ang unibersidad na pinagtuturuan niya kung kaya ngayon lang ulit kami magkikita makalipas ang isang buwan.

At sa lahat ng puwede kong makalimutan ay ang dinner date pa talaga! I had a few drinks with Step earlier dahil bumisita siya sa bahay at ang magaling kong kapatid ay saka lang ipinaalala sa'kin nang matapos ang drinking session namin ng kaibigan. Kaya ngayon ay kabado akong nagbibihis.

The driver drove us to a fancy restaurant. Nagtulakan pa kami ni Miko papasok nang makitang nasa loob na nga si Mommy.

"Three minutes." Her voice really sounded like a villain in a novel.

Kinurot ko si Miko para siya na ang magsalita. Hanggang maaari ay ayokong magsalita.

"Let us slide Mom. Three minutes din lang naman kaming late." Miko reasoned out.

"Makakagawa na ako ng isang report sa tatlong minutong sinayang ninyo."

Napalunok ako. Nasusuka. Hindi dahil sa pagkalasing kundi sa kaba na nararamdaman. Samantalang si Miko ay nakuha pang halikan sa pisngi si Mommy. Na maling-mali.

That means, I have to kiss her as well! E amoy alak nga ako. The least thing I wanna do right now is to go near her. Pero ang nakakainis kong kapatid ay mukhang siya pa ang magiging dahilan ng ikakabisto ko.

I was about to give her a peck on her cheek as well when she moved her face away from me.

"You are reek of alcohol, Raniyah." she said, stressing every word she uttered.

Tahimik akong nagpasalamat nang dumating ang waiter para i-serve ang appetizer kaya hindi na ako nakasagot pa kay Mommy. But I know, Mom won't go easy on me with this.

Umupo ako sa tabi ni Miko habang isini-serve ang appetizer. Hindi pa man kami nakakasubo ay nagsalita na si Mommy.

"Updates."

Miko put down his utensils and began talking about his activities for the entire month. Nang matapos ay ako na naman ang sumunod. Isinama ko na rin ang pag-inom ko kanina kasama si Step.

Wala naman ng rason pa para magsinungaling ako. Nahuli na niya ako. What's the point of lying?

"Rank things according to its importance, Raniyah." abiso niya na ikinatango ko lang nang marahan.

Mom will always be like that. She never gets mad at 'yon ang pareho naming kinatatakutan ni Miko.

Whenever we commit mistakes, she only wants one thing. The truth. And after hearing the truth, she'd only give us a word. It may seem like she's not that scary because she never scolds us but no. Her presence itself is already scary and her words are enough to make us tremble in fear.

Paano pa kaya kung magalit siya? 'Yon ang ayaw kong mangyari.

"You know, parents are like that Rain. Akala nila hindi sila nagkakamali at akala nila lahat ng ginagawa ng anak nila ay mali. Kesyo mabait o masama kang anak, kung taliwas sa kanila ang opinyon mo, mali ka pa rin." sabi ni Step isang beses noong bumisita ako sa kanila.

"Hanggang sila ang bumabahay sa'yo, kailanman ay hindi ka magiging tama sa kanila. That's the truth." she said and chugged the beer.

Step here, holds prejudices against parents. Hearing her side isn't that dependable. Mukhang may problema rin ang isang 'to sa mga magulang e.

Sa mga nakalipas na mga araw, linggo at buwan ay napansin ko ang madalas na pagtanong sa'kin ni Mommy tungkol sa unibersidad na pinapasukan ko kung may pagkakataon man. Maging sa dinner date namin ay hindi niya pinalampas.

Everytime we take our dinner, I'm already expecting that she would ask about St. Joseph which is very doubting. Usually, she'd just want to hear my activities for the entire month and wouldn't say a thing. Kaya nang magkakaroon siya ng karagdagang tanong ay nagtataka ako.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong buntong-hininga sa harap ni Ace at ilang beses na rin siyang napapasulyap sa'kin tuwing bumubuntong-hininga ako.

Nandito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan. Tuwing vacant ko ay dinudungaw ko ang loob ng library, nagbabaka sakali na nandito siya. At sa lahat ng baka sakali ko ay nandito siya lagi, gumuguhit katulad ngayon. He's doing his plates while I'm trying to distract myself through reviewing.

Midterm examination is approaching and I need to review. I seriously thought that this course would be easy but no. This course is quite demanding. My professors are all doctorates. Imagine their skyrocketing standards. Ugh.

I heaved a deep sigh again.

When Rain Falls (Friend Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant