Chapter 14

18.3K 513 44
                                    

A notification popped up from my phone. I squealed when it came from the reading app I've been subscribing at!

Umangat ang tingin ko para sana sabihin kay Ace ang magandang balita nang mapansin ko ang distansya namin. Mahigit limang metro na ang layo namin sa isa't isa samantalang kanina ay magkasabay lang kaming naglalakad.

Nalibang lang ako saglit, iniwan na ako. Tss. Sinimangutan ko ang likod niya. Ang bastos talaga ng isang 'to.

Alas siyete ng gabi natapos ang huling klase ko sa araw na 'to kaya kakaonti na lang ang mga estudyanteng naglalakad sa malawak na field ng unibersidad kagaya namin. Ang ilaw na nanggagaling sa mga lamp post sa gilid ng pathway ang nagbibigay liwanag sa madilim na daan.

Masaya ako at may update na ang sinusubaybayan kong nobela! Sa sobrang saya ko ay kaagad nawala ang inis na nararamdaman ko kay Ace.

I remind myself that he waited for me. Dalawang oras din niya akong hinintay sa labas ng classroom kaya dapat ay maging patient din ako sa kasungitan niya.

I grinned when a mischievous idea occur in mind as I stared at his retreating back. Without ado, I ran towards him and spanked the cheek of his ass.

"Raniyah!"

I laughed so loud when he called my name and cursed a lot. Alam kong papagalitan niya ako kaya inunahan ko na siya. Sumayaw ako sa harapan niya na parang baliw habang naglalakad ako nang patalikod. 

"What the hell are you doing?!" he hissed. His eyes followed my movement as I danced around him.

Ang iilan na nakakasalubong namin ay napapatingin sa'min─sa'kin─ at tatawa bigla-bigla pero wala akong pakealam. Gabi naman na! Hindi nila ako kilala. And I'm just so happy na may update na!

"Ang cute." I heard someone murmured.

Tumigil ako nang hindi man lang nagbago ang reaksyon ng boyfriend ko kaya sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.

He called my name and captured my hands. Ang plano niya ay patigilin ako sa pagsundot sa tagiliran niya pero iba ang ginawa ko. I intertwined our fingers together and initiated a dance with him instead.

"Tss."

Kahit busangot ang mukha ay hinayaan niya ako sa pinaggagawa ko. I swayed our arms together and made so many turns. Hanggang sa mapagod ako at hingalin sa pagsayaw ay hindi man lang naki-cooperate si Ace. Buwiset.

Naupo ako sa bermuda grass, pagod at kapos sa hangin. Pawisin din.

"Madumi Raniyah." ani niya nang mahiga ako sa damuhan.

Hindi ko pinansin ang mga daing niya. Sa halip ay ngumiti ako nang makita ang ganda ng kalangitan. A sky scattered with stars is also one of my favorite sceneries.

"Napagod ako." I said and heaved a deep sigh.

"Sino bang nagsabi sa'yo na sumayaw ka?" Masungit niyang sabi saka ako inabutan ng bottled water na kanina  niya pa dala-dala.

"Get up. Sa kotse ka na mahiga. Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na."

"Mamaya na, babasahin ko pa 'yong update."

"Sa kotse mo na basahin." he said and held my hand. He's pulling my hand to get me up. Hindi niya rin ginagamit ang buong puwersa niya sa paghila sa'kin kaya hindi rin nakakatulong sa kanyang adhikain. Kaya nang buong lakas kong hinila ang kamay niya ay napaluhod siya agad sa gilid ko. Ngumisi ako.

"Pahiram ng lap." Saad ko at tinapik ang hita niya.

He sighed. Without a word, he let me pillowed his lap. Rinig ko pa ang reklamo niya dahil madumi raw pero sinusunod din ako.

When Rain Falls (Friend Series #1)Where stories live. Discover now