Chapter 17

16.4K 494 8
                                    

Everything is perfect. I love this. Nandito si Daddy kung kaya't palagi ring nandito si Mommy sa bahay. Dad's months early for the holiday but he said he'd stay here 'til Christmas and New Year kaya tuwang-tuwa kami ni Miko dahil matagal namin siyang makakasama.

Final examination is finally over. Ibig sabihin ay semestral break na! I'm excited! Ano kaya ang puwedeng gawin? I wanna spend my break with Ace. But Dad's here at gusto ko ring sulutin ang break ko kasama siya. I sighed thinking how will I manage my time.

Nandito kami ngayon sa loob ng library ni Ace. May tinatapos pa kasi siyang plates na kailangan na niyang i-submit ngayon. Ang hassle nga dahil katatapos lang ng exam tapos deadlines na kaagad.

I tried to busy myself with his phone. Hindi ko rin kasi siya ma-istorbo dahil nagmamadali siya.

"Anong password mo?" I suddenly asked.

"IUILVA." mabilis niyang sabi kaya hindi ko nasundan.

"All caps ba?" I asked.

"No. Small letters."

"Okay. Ano nga ulit? IUL?" I asked having a hard time remembering the order of his password.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ngayon ay ramdam kong nakatitig na siya sa'kin ngayon habang ako ay tutok sa cellphone niya. He then again recited his password.

Habang tinitipa ko ang password ay may naalala ako bigla. Kaya pala parang pamilyar.

"Parang pareho kayo ng password ni Harvey." gulat kong sabi saka inangat ang tingin sa kanya.

"Really?" he asked a bit amuse of my news.

"Oo nga. Ano ba kasi 'to? Acronym or abbreviation? Bakit hindi pamilyar sa'kin?"

Kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Ace habang tinititigan ako. I mouthed "what" but he just shook his head and grasped his pencil.

"You're dense and dumb, Raniyah. Pasalamat ka't mahal kita."

I don't know if I'd take that as a compliment or an insult. Pero tahimik kong inulit sa utak ko ang mga sinabi niya at nang mapagtanto ko na parang mas matimbang ang insulto kaysa papuri ay ibinato ko sa kanya ang lapis na hindi niya ginagamit.

"Buwiset ka." I said as I tried to hit him with my hand but he's rapid to capture it.

"I love you." he mouthed that made me stop from hitting him. He smiled at me before he intertwined our fingers and rested it on the table.

I puckered my lips stopping myself from smiling. Bumagsak ang tingin ko sa cellphone niya at inabala sa pagtingin ng feeds ko.

"Palit tayo ng account?" I blurt out all of a sudden when I remember that that's the new trend nowadays. Iyong magpapalit ng account ang magkasintahan.

Ang totoo niyan ay nagbibiro lang ako at gusto ko lang makita ang reaksyon niya. Kaya nang tumango siya agad ay napangiti ako. Hindi man lang niya inalis ang tingin sa ginuguhit niya na para bang hindi malaking bagay ang hinihingi ko.

"Joke lang."

Umangat siya ng tingin sa'kin. "I'm serious though. If you need my account-

"'Di ko kailangan ng account mo 'no." I smiled when he furrowed his brows. "Wanna know what I need from you?"

Mas lalo lamang lumawak ang ngiti ko nang mapansin kung gaano siya ka-attentive sa mga susunod kong sasabihin.

"The truth, Ace. I need you to tell me the truth every time I ask you something." I said and held his hand. I looked into his eyes before I planted a kiss on his hand. Humagikhik ako nang kunin niya agad ang kamay niya sa'kin at ibinagsak ang tingin sa kanyang iginuguhit. Mukhang hindi pa rin siya nasasanay sa mga kilos ko.

Habang tinatapos niya ang kanyang plates ay maya't maya ang paglagay ng kamay ko sa hita niya at mabilis rin ang pag-alis niya rito. Natatawa ako habang nakatingin siya sa ginagawa niya na parang doon naiinis at hindi sa'kin.

I tried to caress his thigh but he quickly captured my hand using his free hand. I'm certain that he's pretending to be busy with his plates. Kahit alam kong wala na siyang nagagawa simula noong ilagay ko ang kamay ko sa hita niya na nasa ilalim ng mesa. Tiningnan ko ang orasan bago ay sa plates ni Ace. Tapos na siya sa outline kaya alam kong malapit na siyang matapos.

I placed my other hand on his thigh and heard him grunt. Hindi niya iyon inaasahan. I started running my fingers on his pants. Itinapon niya ang lapis sa mesa at sumandal sa kanyang upuan. He looked around before he rested his gaze at me.

"Horny?" he asked and I nodded my head.

"You'll be responsible for this?" I asked, teasing him.

I got excited when he stood up and pulled me from my chair. I was laughing while he's dragging me to the side of the library. He didn't get to finish his plates that day because we ended up making out inside his car.

Masaya ang mga araw ko kasama si Ace at ang pamilya ko. Isang beses ay sinamahan ako ni Daddy magliwaliw sa ​mall at tumambay sa paborito kong bookstore. Hinayaan niya akong kunin ang mga gusto kong libro. Hindi kagaya ni Ace ay ini-spoil ako ni Daddy.

Sa mga sumunod na araw ay si Miko naman ang sinamahan niyang maglaro ng basketball sa open basketball court sa subdivision. Minsan ay sila naman ni Mommy ang lumalabas.

Ilang araw pang ganoon si Dad sa amin hanggang sa mapansin ko ang madalas niyang pag-uwi ng late sa gabi. Hinawi ko ang kurtina nang makitang papasok pa lang sa garahe ang sasakyan niya. Nilingon ko ang LED clock at napanguso nang makitang hating-gabi na.

Hindi nagtagal nang dumating si Dad, I heard muffled noise outside my room. I fought the urge not to come out to see what's happening. I grasped my air pods and plugged it to my ears instead. I raised the volume to its max just so I could sleep.

Magkasabay kaming lumabas sa aming silid ni Miko kinaumagahan. Kagaya ko ay alam kong hindi rin siya nakatulog. We didn't say anything and went to the dining area silently. Naabutan namin si Mommy at Daddy na naghahanda ng breakfast.

"Good morning!" I beamed and gave my parents a peck on their cheeks before I took my seat.

Miko being an attention beggar stole Dad and Mom's attention. Ang dami niyang kuwento na walang kabuluhan but he got to bemuse our parents' attention as they listen to his endless stories. Sinubukan kong tapatan iyon habang nakikinig sa kapatid.

With that, we took our breakfast full of life.

Ace is planning to bring me to El Estancia. Ang gusto niya ay magbakasyon kami doon ng ilang araw. Gustong-gusto kong pumayag sa alok niya pero ayokong umalis sa bahay ng ganoon katagal. Minsan lang kami makumpleto tapos ngayon na nandito nga ang mga magulang ko ay ako naman ang aalis.

"Next time then. We have an ample time to do that." Saad ni Ace nang sabihin ko sa kanya na hindi ako puwedeng mawala sa bahay ng ganoon katagal.

And when I heard the word ample from him, that made me feel at ease somehow. He's right. We have the time of our lives to do whatever we want together.

I already sought permission from my parents yesternight about this matter. Pinayagan din naman ako pero ang mga tingin ni Mommy habang nagpapaalam ako sa kanila ay hindi agad naalis sa isipan ko. Parang namahay na sa utak ko at hindi ako pinatulog kaagad. She's confusing me. Magkaiba ang pinapahiwatig niya sa sinasabi niya. Like what I always do, I ignored the idea for I know it would only stress me out.

I'm wearing a high waisted maong shorts paired with knitted crop top. I opted to wear beige sandals dahil naalala ko na sa isang beach kami tumambay noong pumunta kami roon.

Dinikwat ko na rin ang camera ni Miko sa room niya nang hindi nagpapaalam. Pasalubungan ko na lang mamaya ng paborito naming chocolate para may backup ako kung sakaling magalit.

Halos mahulog ako sa hagdan sa kakamadali nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Ace na nasa labas na siya.

"What happened to your eyes?" Bungad niyang tanong sa'kin nang makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan.

"Books." I just said. I already put concealer para hindi mahalata ang eyebags ko. Halata pa rin?

"Convenience store tayo, mahal." I said as I added some concealer below my eyes.

"Alright." he said and started driving.

Mag-isa akong pumasok sa loob ng convenience store habang naghihintay sa akin si Ace sa loob ng kotse. I will just buy some essentials. When I got satisfied with what I put in my basket, naglakad na ako papunta sa counter. Pero mabilis ding umatras pabalik nang may mahagip ang mata ko sa isang stand.

I gulped as I reached for it. I'm about to put it in my basket when I saw Luke!

Kumunot ang noo niya nang makita niya ang mukha kong gulat na gulat na makita siya. Bumagsak ang tingin niya sa kamay ko kaya bumagsak din ang tingin ko roon.

"Shit." I cursed and put it back to the stand. I didn't realize that I'm still holding the box of condom.

"Curious lang kung bakit may mga flavor." Depensa ko nang makita ang nanliliit niyang mga matang nakatingin sa'kin. Hindi siya nagsalita at malalim akong tinititigan sa mata.

"I don't know where you're putting yourself into. Just be careful." saad niya at siya na ang naglagay ng box ng condom sa basket at iniwan ako.

"It's not what you think!" I shouted and turned to see his retreating back.

How dare him. Ibinalik ko ang box ng condom sa estante at dumiretso na sa counter para magbayad.

Bumalik ako sa kotse na namumula ang mukha dahil kay Luke. Ace being observant, easily noticed my flushed face. Sinabi ko na lang na mainit sa labas kaya ako namumula. Naniwala naman ito saka nilakasan ang air-con at tinutok pa sa akin.

Nakatulugan ko na naman ang biyahe katulad ng dati. Nagising na lamang ako nang hindi na umaandar ang sasakyan. Sumilip ako sa labas at mas namangha sa lugar.

This place is breathtakingly beautiful! Sa malapit sa dalampasigan kami tumigil, 'di kalayuan sa isang hotel. Mula rito ay tanaw ko ang lugar kung saan kami unang pumunta ni Ace. Marahil ay nadaanan na namin iyon kanina habang papunta kami rito.

Mayroon kaya rito na puwede kong ihambing sa mga lugar na nababasa ko sa El Estancia? I feel excited with my own fantasy. Lumabas ako ng kotse at mabilis na kinuhaan ang lugar ng larawan gamit ang cellphone.

I'm shooting a boomerang para may mailagay ako sa story ko nang mahagip ng camera ko si Ace sa likuran ko, nakapamulsa at ang layo ng tingin. Mabilis kong ibinaba ang hawak na cellphone at lumapit sa kanya.

"Let's go." he said and pulled me close to him.

"Saan?

"Where ever you want to go."

Nagsimula na akong mag-plano sa isip ng kung ano ang gusto kong gawin at puntahan sa lugar na 'to. Pero sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng plano ko nang makita ang kulay ng sikat ng araw.

"It's golden hour!" I squealed and got the camera out from its bag. Mabilis kong itinapat sa mata ang viewfinder ng camera para kunan si Ace na nakatayo lang sa harapan ko.

Ang guwapo niya talaga. He's wearing a white button-down polo shirt partnered with black shorts. Nakabukas na ang first three buttons. Kagaya ko ay nakasuot din siya ng slider in beige color.

Hindi siya tumitingin sa camera pero kahit ganoon ay panay pa rin ang kuha ko.

"Ace." I called. Hindi pa rin siya tumitingin.

"Archer." tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad palayo sa akin.

"Archer Berzelius Alvarez." He kept himself entertained with his phone. Wala talagang balak lumingon.

Snob. Ang hirap talaga kunin ng atensyon ng lalaking ito.

"Mahal!" I shouted it as my last resort.

"What?" I smirked when he finally turned.

I got that chance to capture a photograph of him. I smiled when I got satisfied with my shots. Tiningnan ko lahat ng kuha ko sa kanya saka ko inangat ang tingin hawak-hawak pa rin ang camera. I caught him stealing pictures of me.

When Rain Falls (Friend Series #1)Where stories live. Discover now